Fertility Diet: 8 Tips Para Tumaas ang Chance Mabuntis

0
84

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Kung sinusubukan ninyo ng asawa mo na magka-baby, sobrang halaga na mapangalagaan ang iyong katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain at mga pagkain na nagpapataas ng fertility. Ayon sa isang study ng diet at fertility sa Harvard Medical School, ang pag-iwas sa mga pagkain na hindi masustansya ay makakatulong sa ovulatory function ng katawan mo.

Syempre, at the end of the day, disiplina pa rin ang dapat mangibabaw. Kung gusto ninyo talaga, magagawan ninyo ng paraan. Pero kung ayaw ninyo, marami talaga kayong magiging dahilan. Basahin ang article na ito para malaman ang tips para sa isang successful fertility diet.

1. Huwag damihan ang pagkain ng foods na may carbohydrates

Kung ikaw ay may Polycystic Ovarian Syndrome o PCOS, kailangan mong bawasan ang carbohydrate intake mo. Makakatulong ito para bumaba ang iyong timbang, insulin levels at para mabalanse ang hormones mo. Sa halip na pagkain na puro carbohydrates ang kinakain mo, lumipat ka sa gulay at prutas.

2. Iwasan o di kaya ay magbawas ng pagkain ng karne

Sobrang halaga sa isang babaeng gustong magbuntis ang kumain lamang ng puro gulay imbes na puro karne. Imbes na baboy, manok, isda at baka ang kainin, mag-stick sa mga protein based plants katulad ng beans, tofu at iba pa. Makakatulong ang plant protein sa fertility diet mo kaya simulan mo na ito.

3. Uminom ka ng vitamin supplements

Ang iron, folate at zinc ay sobrang makakatulong sayo kung gusto mong maging fertile. Kung kinukulang ka sa vitamins sa katawan mo, bumili ka na agad ng vitamins.

4. Umiwas na sa caffeine

Ang kape ay nakakabawas sa fertility, kaya iwasan mo na ito hangga’t maaari.

5. Kumain ng lutong kamatis

Ang lutong kamatis ay mataas sa lycopene, isang makapangyarihang antioxidant. Ayon sa mga pag-aaral, ang lycopene ay may potensyal na tulong sa fertilitiy ng kalalakihan.

6. Umiwas na sa alak hangga’t maaari

Hindi nakakatulong ang alak sa parehas na lalake at babae pagdating sa fertility. Nakaka-deform ito ng sperm at nakaka-apekto ng sobra sa overall fertility ng isang babae.

7. Huwag na kumain ng pagkain na may fats

Ang fats ay nasa mga pagkain katulad ng tinapay, chips, cake, popcorn, at iba pang junk foods. Karamihan sa mga junk foods ay may fats kaya iwasan na ito para di ka na madagdagan pa ng hindi importanteng timbang sa katawan. Kailangan mong pumayat para mas bumilis ang iyong pagbubuntis.

8. Kumain ng mga pagkain na mayaman sa antioxidants

Ang mga antioxidants ay matatagpuan sa prutas, mani, grains at iba pa. Natatanggal nito ang mga free radicals sa katawan, na nakakatulong sa quality ng sperm at egg cells. Maaari ka rin uminom ng mga supplements na mayroong zinc at folate para madagdagan ang antioxidants sa katawan. 00

SHARE
Previous articleMake Videos – Earn Cash
Next articlePAMAHIIN; TUBIG
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here