FENG SHUI REMEDY UPANG MAGING AKTIBO ANG SOCIAL LIFE

103

Ang pagkakaroon ng mga tapat na kaibigan ay maituturing na isa sa greatest joy in life. Ang aktibong social life ay nakapaloob sa Timog (South) sector ng bahay. Dito rin nakaugnay ang katanyagan, kahusayan, recognition, at magandang reputasyon.

        May ilang feng shui tips na maaaring subukan kung nais na maging aktibo ang iyong social life, at makahanap na rin ng mga bagong kaibigan.

1.   Mag-display ng larawan ng iyong mga kaibigan. Isa sa paraan upang maka-attract ng mga bagong kaibigan at mapalawig pa ang iyong social circle ay ang pagdi-display ng mga larawan ninyong magkakaibgian sa isang social gathering sa Timog (South) corner ng iyong silid o bedroom.

2.   Mag-set ng intention. Upang makahikayat ng mga bagong kaibigan at social interaction, magpaskil ng larawan ng isang masayang grupo ng mga tao o ng isang masayang social scene. Iwasan ang pagdi-display ng mga painting ng taong malungkot at nag-iisa sapagkat ito ay humihikayat ng kalungkutan.

3.   Palakasin ang South Area. Kung nais mong magkaroon ng suwerte sa pakikipagkaibigan, ito ang area na dapat mong palakasin. Magdagdag ng mga home décor na kulay pula, o mag-display ng larawan ng isang Phoenix, Agila, o Tandang sa area na ito. Ang mga nabanggit na ibon ay simbolo ng katanyagan at recognition.

4.   Paliwanagin ang South Area. Ang maliwanag at maaliwalas na South sector o corner ay makatutulong upang makalikha ng mas maraming Yang energy na makapaghahatid ng mga bagong kaibigan. Maaaring maglagay ng sparkling chandelier, lava lamp, o iba pang uri ng lightning device sa area/sector na ito ng inyong bahay o kuwarto upang ma-activate ang chance na makahanap ng mas maraming kaibigan.

5.   Declutter. Isa sa pinakamagandang paraan upang magkaroon ng open space para sa mga bagong bagay at pagbabago sa iyong buhay ay ang pagdi-declutter o pagdi-general cleaning. I-organize ang mga gamit. Ipamigay na ang mga hindi na kailangan ngunit mapapakinabangan pa namang mga gamit.

Ngayong nagawa mo na ang mga feng shui tips na aking ibinigay, panahon na upang subukan ito. Lumabas at makipag-socialize sa mga tao. Maging tapat at sinserong kaibigan upang kagiliwan ka ng lahat

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; January 21
Next articleOnline Horoscope by Maestro Honorio Ong January 21, 2020
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here