Female and Lovers Palmistry Isyu # 3

FEMALE AND LOVERS PALMISTRY

Alamin ang inyong kapalaran sa pamamagitan ng guhit ng palad

 ayon kay Maestro Honorio Ong

Isyu # 3

Masaya akong nagtatanim ng kamatis kasama si Winnie My Love, last Sunday sa kalahating ektarya tumana sa gitna ng bukid namin sa Bulacan ng  bigla kong maisip ang tungkol sa mga sinusulat kong artikulo dito FILIPINAPROUD.COM.

Biglang pumasok sa isip ko na “hindi lamang sa Heart Line o Guhit ng Damdamin malalaman ang isang maligayang pa-ibig o pakikipag-relasyon tulad ng naisulat ko na sa isyu # 2 ng Female and Lovers Palmistry noong nagdaang mga araw, sa halip, kailangan ding suriin ang tinatawag na Marriage Line o Guhit ng Pag-aasawa o Guhit ng Malaliman at Seryosong Pakikipagrelasyon.

Upang matiyak ang isang maligayang pag-ibig at pang habang buhay na pakikipag-relasyon, bukod sa magandang Heart Line (3-3) at Heart Line na nakatuntong sa Mount of Jupiter o sa ilalim ng daliring hintuturo (arrow 1.), kailangan ding makita sa kaliwa at kanang palad ng isang babae ang kaisa-isa, tuwid at malinaw ding Marriage Line (arrow 2.).

Kapag presente sa Guhit ng Palad ang Tatlong Mahahalagang Sangkap na binanggit na sa itaas, magandang Heart Line (3-3), Heart Line na nakatuntong sa Mount of Jupiter (arrow 1.) at may kaisa-isa, tuwid at magandang  Marriage Line (arrow 2.) tulad ng nipaliwanag na, para sa isang babaing tulad mo, matitiyak ang isang maligaya pag-ibig at pang habang buhay na pakikipag-relasyon.  

Itutuloy….

(Ikaw ba ay isang babae na naguguluhan sa iyong kasalukuyang buhay? O may gusto kang malaman tungkol sa guhit ng iyong palad? May mga tanong ka ba tungkol sa iyong kapalaran, partikular sa pag-ibig, pakikipag-relasyon, asawa, career at iba pa, na nais mong malaman ang kasagutan sa pamamagitan ng guhit ng palad? Wag mahihiyang mag-comment sa ilalim ng artikulong ito. Ilakip ang photo copy ng left and right hand, ang iyong birthday, larawan at bahagyang pagpapakilala sa iyong sarili at ang iyong katanungan. Ang mga detalyeng ito ay maaari mo ring i-email sa email account ni Maestro Honorio Ong na: maestrohonoriong14@gmail.com o i-send sa Facebook ni Maestro Honorio Ong. ‘Dali magtanong at mag-comment na!)   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here