Female and Lovers Palmistry Isyu # 2

Naglalakad ako sa Palanca Street, patungong simbahan ng Quiapo noong isang kulimlim na Biyernes ng hapon. Kahit maraming ginagawa, sadyang nilaan ko ang araw na iyon sa pagsisimba, dahil nais kong ipagpasalamat sa Poong Nazareno ang pagkakaroon ko ng isang simple pero masayang pamilya sa piling ng aking mga anak na si Jesus King, Jacob Renz, Jesse James at Regine Katherine, at siyempre pa, isang simple at masayang pamilya sa piling ng isang simpleng babae pero magandang asawa na si Winnie My Love. At habang naglalakad,  isa-isang pumasok sa magulo kong isipan ang mga gagawin kong artikulo para sa bago kong column dito sa FILIPINAPROUD.COM.

“Ano kaya ang unang tapik na ituturo o ididiskas ko sa aking mga readers?” ang naitanong ko sa aking sarili.

“A alam ko na!”  ang mabilis niyang sagot. “Ituturo ko sa kanila ngayon ang tungkol sa kung paano malalaman sa pamamagitan ng guhit ng palad kung ikaw ba ay magkakaroon ng maligayang pag-ibig o pakikipag-relasyon?”

Ang sagot sa nasabing katanungan ay madali lang, upang matiyak mo kung ang isang babae ay magkakaroon ng isang maligayang pag-ibig at pakikipag-relasyon.

Una, kailangang tuwid, malinaw, walang bilog at walang latid ang kaliwa at kanang Heart Line (3-3) katulad ng nasa larawan.

Pangalawa, kailangang ang unang bahagi ng Heart Line ay nakatuntong sa Mount of Jupiter o sa pinaka-ilalim ng daliring hintuturo (arrow 2.).

Kung ganyan ang itsura ng Heart Line sa kaliwa at kanang palad, malaki ang posilidad na ang babaing nagmamay ari nito ay magkakaroon ng isang maligayang love life  at pang habang buhay na pakikipag-relasyon.

Itutuloy….

(Ikaw ba ay isang babae na naguguluhan sa iyong kasalukuyang buhay? O may gusto kang malaman tungkol sa guhit ng iyong palad? May mga tanong ka ba tungkol sa iyong kapalaran, partikular sa pag-ibig, pakikipag-relasyon, asawa, career at iba pa, na nais mong malaman ang kasagutan sa pamamagitan ng guhit ng palad? Wag mahihiyang mag-comment sa ilalim ng artikulong ito. Ilakip ang photo copy ng left and right hand, ang iyong birthday, larawan at bahagyang pagpapakilala sa iyong sarili at ang iyong katanungan. Ang mga detalyeng ito ay maaari mo ring i-email sa email account ni Maestro Honorio Ong na: maestrohonoriong14@gmail.com o i-send sa Facebook ni Maestro Honorio Ong. Masaya ka naming paglilingkuran libre at walang bayad, magtanong at mag-comment na!)

4 COMMENTS

  1. Hello Po Maestro Ako po ay Silent Reader dito Po Sa Site nyo, Pwede ko Po ba Picturan Na lang ang aking Kanan At Kaliwang Palad?

  2. Maestro Honorio Ong

    Magandang Araw Po Ma’am Rhona Lindayao, puwedeng-puwede po ninyong picturan ang iyong kaliwa at kanang palad para maanalisa po natin ang inyong kapalaran sa palamagitan ng Female and Lovers Palmistry ~♥~ Ilagay lang po ang inyong BIRTHDAY, konting pagpapakilala sa kasalukuyan ninyong kalagayan sa buhay, at ang pinakamahalaga ang INYONG PONG KATANUNGAN 🙂 Sa sandaling nabasa ko ang inyong “email or comment” agad ko po kayong paglilingkuran upang sa ganon, ang anumang pagaanalisang gagawin natin ay maging gabay ninyo sa lalo pang ikatatagumpay at ikaliligaya ngi nyong buhay (Y)

  3. Maestro Honorio Ong

    Opo puwede po. Para maanalisa natin ang inyong kapalaran at mabigyan kayo ng gabay kung paano mas lalo pang magiging maligaya at matagumpay.

    • philippineone01

      Kami po ay humihingi ng paumanhin sa delay. mahirapan kami na sagutin ang ang inyong mga kumento dahil sa napakaraming articles, kaya naman gumawa kami ng forum kung saan ang inyong mga katanungan ay bibigyang kasagutan. Ang ating forum ay nakikita dito https://filipinaproud.com tinitiyak namin sa inyo na lahat ng inyong katanungan ay masasagot ng mas mabilis. Kung kayo po ay may problema sa pag sign in dito i message lamang ninyo kami upang kayo ay aming matulungan. Salamat po
      Registration Instructions:
      Go to https://filipinaproud.com
      Click on Join (top bar)
      Add User Name (one word or name or two words combined, example: MissJenn)
      Add Name and Password and confirm password. Mobile not necessary
      Select Register and you will be redirected to your profile page.
      To add a new topic, choose Forum again from main page.
      Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button). Add title and then add your question in comment box. View other requests for examples
      One of our experts will answer as soon as possible

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here