FEMALE AND LOVERS PALMISTRY Isyu # 1

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Sa halos 28 taon ko nang pagsusulat at pagtalakay ng mga kapalaran ayon sa guhit ng palad, sa mga pangunahing pahayagan at sa mga websites, napansin ko lang,  higit na mas maraming katanungan akong natatanggap na nanggagaling o nagmula mismo sa mga kababaihan.

Ang laging concern o tinatanong nila na gustong-gusto nilang malaman ay ang tungkol sa kanilang love life. Isang halimbawa dito ay kung makakatagpo ba raw sila ng isang malaigaya at panghabang buhay na pag-ibig?

May mga kababaihan ding nagtatanong kung ang kanila bang kasalukuyang boyfriend ay ang lalaki na bang kanilang mapapangasawa? Minsan may katanungan din  kung magiging panghabang buhay na ba ang relasyon kasalukuyan nilang pinagsasaluhan?

May mga kababaihan ding nagtatanong tungkol sa kanilang career, tungkol sa magulong relasyong kanilang napasukan at madalas ang tanong ay tungkol sa habang buhay na ba silang magsasama ng kanilang asawa? At siympre pa may mga kababaihan ding nagtatanong kung kalian siya makakatagpo ng tapat na lalaki o kung kalian siya makakatagpo ng true love?  May mga kababaihan ding nagtatanong kung yayaman daw ba siya?

Tunay ngang sa mga katanungang ito nabuo ang matagal ko ng binalak na bigyang pansin ay ang turo at pagbasa ng guhit ng palad na natatangi lamang para sa mga kababaihan. Ito ang tinatawag na Female and Lovers Palmistry, na siyang ipaglilingkod ko sa inyo ngayon.

Magsimula na tayo:  

Para sa mga kababaihan, tandaang may Limang (5) Pangunahing Guhit sa kaliwa at kanang palad, ito ay ang mga sumusunod:

Ang Life Line (Drowing 1-1), ito rin ang tinatawag na Guhit ng Buhay na nagsimula sa pagitan ng daliring hintuturo at daliring hinliliit, gumuhit pababa patungo sa base o pinaka-ilam ng palad.

Ang Head Line (Drowing 2-2), ito rin ang tinatawag na Guhit ng Isip, na nagsimula minsan ay kapatong sa Life Line (1-1) na nagsimula rin sa pagitan ng  daliring hintuturo at hinlalaki, gumuhit patungong gitnang bahagi ng palad.

Ang Heart Line (Drowing 3-3), ito rin ang tinatawag na Guhit ng Damdamin, na kadalasang nagsisimula sa ilalim ng daliring hintuturo patungo sa ilalim ng daliring hinlalato, daliring palansinsingan, daliring hinliliit hanggang makarating sa kabilang gilid ng palad.

Ang Marriage Line (arrow 4), ito rin ang tinatawag na Guhit ng Pag-aasawa o Guhit ng Malaliman at Seryosong Pakikipagrelasyon na nakikita bilang “mga guhit na pahalang” sa ilalim ng daliring hinliliit.

At ang pang-huli o panglimang pangunahing guhit sa ating palad, ay ang Fate Line (Drowing 5-5), ito rin ang tinatawag na Career Line. Kadalasang nagsismula sa base o ilalim ng palad, gumuguhit ng pa-istraight o patuwid patungong ilalim ng daliring hinlalato.

Itutuloy….

(Ikaw ba ay isang babae na naguguluhan sa iyong kasalukuyang buhay? O may gusto kang malaman tungkol sa guhit ng iyong palad? May mga tanong ka ba tungkol sa iyong kapalaran, partikular sa pag-ibig, pakikipag-relasyon, asawa, career at iba pa, na nais mong malaman ang kasagutan sa pamamagitan ng guhit ng palad? Wag mahihiyang mag-comment sa ilalim ng artikulong ito. Ilakip ang photo copy ng left and right hand, ang iyong birthday, larawan at bahagyang pagpapakilala sa iyong sarili at ang iyong katanungan. Ang mga detalyeng ito ay maaari mo ring i-email sa email account ni Maestro Honorio Ong na: maestrohonoriong14@gmail.com o i-send sa Facebook ni Maestro Honorio Ong. Masaya ka naming paglilingkuran libre at walang bayad, magtanong at mag-comment na!)   

SHARE
Previous articleSuwerteng bahay, huwag pawalan para di malasin
Next articleKulay Asul Na Paruparo Sa Panaginip
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here