31 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Mga Senyales na Madly In Love na sa Iyo ang Lalaki

Kung minsan, nais mo ng lalaki na epektibong nakapaghahayag ng damdamin niya sa iyo; subalit hindi laging makakukuha ng ganoong lalaki. Hindi laging makahahanap ng lalaking makapagsasabi ng kanyang saloobin sa iyo. Ayos lamang iyon. Sa katunayan, marami talagang lalaki sa mundo ang walang kakayahang magpahayag ng kanilang damdamin; na tukuyin ang kanilang damdamin. Kaya kung sa tingin mo ay nahihirapan kang basahin ang emosyon ng kaparehang lalaki, huwag sobrang mangamba. Hindi ka nag-iisa. Hindi rin mabilang ang mga babaing nasa tulad mong sitwasyon.

Huwag malungkot. Hindi dahil sa hindi niya sinasabing mahal ka niya ay sadyang wala siyang pagmamahal sa iyo. Isaisip na ang mga lalaki ay mas pisikal na communicators kaysa pananalita. At kailangang matutong matutuhan kung paano ang mag-“read between the lines”. Pag-aralang basahin kung paano siya UMAAKTO kapag siya’y kasama mo at hindi lamang kung ano ang kanyang sinasabi. Maraming mga lalaki na madaling magsabi ng “I love you”, kahit na hindi naman nila ito isinasapuso. Hindi nila ito ipinapakita sa kanilang gawa.

At kung talagang interesado na malaman kung sadyang madly in love sa iyo ang isang lalaki, kailangang matutong mag-read between the signs. Tingnan ang kanyang pag-uugali; dahil sa puntong ito, kung ano man ang ginagawa niya sa inyong relasyon ay mas mahalaga kaysa kanyang sinasabi.

1. He puts your happiness and needs above his own.

Hindi siya takot na mas pahalagahan ang iyong pangangailangan at personal na kasiyahan kaysa sa sarili. Handa siyang lagi kang pasayahin. Lagi siyang naghahanap ng mga pamamaraan upang mapadali at mas maayos ang iyong buhay – kahit na ilagay pa ang sarili sa hindi magandang posisyon.

2. He really makes time for you.

Alam nating lahat na ang oras ay isa sa pinakamahalagang bagay na maaari nating ibahagi sa ibang tao. Ito ay bagay na kapag naibigay ay hindi na mababawi pa. Kaya laging maikokomsidera na magandang senyales na handa siyang maglaan nang maraming oras sa iyo. Nagpapatunay ito na mahalaga ka sa kanya.

3. He supports you in the pursuit of your dreams.

Ang lalaki na nais na mapasok sa relasyon ay maaaring naisin na kontrolin ang iyong buhay sa nais niya. Hindi ito pagmamahal. Ito ay totoong pagmamahal kapag ang lalaki ay handang sumuporta at bigyang motibasyon ang iyong sarili upang mapabuti ka. Siya ang lalaking nagtutulak sa iyo sa iyong mga pangarap, hindi isang tao na sinasabi sa iyo kung paano mangarap.

4. He expresses his curiosity in your life.

Tunay na nais ka niyang makilala sa paraang magagawa niya. Kaya naman marami siyang katanungan tungkol sa iyong passions, interests, thoughts at opinion. Lagi niyang ipararamdamn na handa siyang pakinggan ka.

5. He opens up about himself in ways that he doesn’t with other people.

Handa siyang ipakilala ang sarili sa iyo. Maaaring hindi niya sinasabi na mahal ka niya. Subalit sadyang handa siyang buksan ang kahit na malalim na bahagi ng buhay niya sa iyo.

6. He introduces you to his friends and family.

Ginagawa ka niyang bahagi ng kanyang buhay. Ipinakikilala ka niya sa pamilya at mga kaibigan, mga taong mahalaga sa kanya. Bakit? Dahil isa ka sa mahalagang tao sa kanyang buhay.

7. He talks about a future for your relationship.

Malalim ang pagpapahalaga niya sa inyong relasyon. Hindi siya interesado sa madaliang relasyon ninyong dalawa. Sadyang mahalaga para sa kanya ang inyong pangmatagalang relasyon.

8. He shows a willingness to compromise.

Lubhang mahal ka niya na handa siyang makipag-compromise kahit sa mga pangunahing aspeto ng kanyang buhay upang tunay na maging bahagi ka ng kanyang buhay.

9. He always laughs more whenever he’s with you.

Sa pangkalahatan ay mas pinasasaya at ipinararamdam mo na maging komportable siya sa iyo. Ang iyong presensya sa kanyang buhay ay sapat na upang iangat ang kanyang mood na hindi kayang gawin ng iba.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.