28.6 C
Manila
Wednesday, December 6, 2023

Courageous Boyfriend vs. Abusive Boyfriend: Alamin ang Pagkaka-iba

Malayong malayo ang pagkaka-iba nang isang matapang at abusadong boyfriend. Minsan akala mo iisa lang, pero you have to know the difference. Read on!

Kapag in love ka na talaga, madalas nabubulag ka na sa mga masasamang katotohanan. Lalo sa mga abusive relationship, nabasa ko sa isang article na may mga babaeng nasasanay na sa abuse na natatanggap nila sa kanilang mga boyfriend. Nakakagulat din malaman na yung iba pa nga ay hinahanap hanap na ang abuse mula sa boyfriend nila. Kung hindi mo na alam kung kelan dapat ay tama na o dapat ay itigil na ang relasyon, basahin lamang ang article nito para makita ang difference ng isang courageous at abusive na boyfriend.

1. Sitwasyon: Late ka sa usapan ninyong date

Courageous Boyfriend: Kakamustahin niya ang biyahe mo at magiging masaya na sa wakas ay magkasama na kayo. Hahayaan ka muna niyang magpahinga sandali bago makipag-usap sayo. Papakinggan ka rin niya sa kung ano man nangyari sayo kung bakit late ka. Ang isang courageous boyfriend ay protective sa girlfriend at hindi hahayaan na ma-feel ng girlfriend nila na mahina siya o mapahamak.

Abusive Boyfriend: Magagalit siya sayo dahil matagal na siya naghintay sa restaurant kung saan kayo magde-date. Mararamdaman niya na nasayang ang oras niya kakahintay sayo kesa gumawa siya ng ibang bagay. Hindi ka niya kakamustahin at magagalit siya kahit ano pa ang rason ng pagiging late mo.

2. Sitwasyon: Pagka-uwi mo sa bahay, binalita mo sa kanya na na-promote ka na sa posisyon mo

Courageous Boyfriend: Sobrang saya niya sa balita na ito at yayakapin ka niya ng mahigpit dahil sobrang proud siya sayo. Sasabihin din niya na mag-celebrate kayo kahit anong mangyari. Sasamahan ka rin niya magdasal para magpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap ninyo.

Abusive Boyfriend: Maiinggit siya sayo dahil matagal na siyang nagtatrabaho pero hindi siya nakakaranas ng promotion sa opisina nila. Naiinggit siya sayo kasi hindi niya aakalain na mapo-promote ka.

3. Sitwasyon: Sinabi mo sa kanya na kailangan mo muna mapag-isa para mag-prepare sa isang trabaho

Courageous Boyfriend: Rerespetuhin niya ang request mo at sasabihin niya sayo na mamimiss ka niya. Sabi niya ay itext mo lang siya kahit kelan dahil available lang siya para sayo.

Abusive Boyfriend: Maiinis siya dahil feeling niya ay wala ka nang oras para sa kanya. Maghihinala rin siya na niloloko mo siya at may iba ka nang nakakausap. Marami na siyang sasabihin sayo dahil nagseselos na siya.

4. Sitwasyon: Pupunta ka out of town para sa isang work trip

Courageous Boyfriend: Excited siya para sayo dahil alam niyang paborito mo mag-travel para sa trabaho. Bibilinan ka niya ng mga kailangan mong dalhin at papabaunan ka niya ng mga pagkain para may snacks ka dun. Sasabihin din niya na mamimiss ka niya, at gusto niya ay mag-usap kayo kahit tuwing gabi.

Abusive Boyfriend: Magagalit siya dahil wala talaga siyang suporta sa trabaho mo. Gusto niyang lagi lang kayong magkasama. Hindi ka niya bibilinan ng kahit ano dahil masyado siyang malungkot at galit na aalis ka ng ilang araw, kahit para sa trabaho mo ito. Maghihinala rin siya na niloloko mo siya.

5. Sitwasyon: Mayroon kang bagong hobby

Courageous Boyfriend: Magiging sobrang supportive siya sayo kahit hindi niya ito hobby. Ita-try din niya gawin yung hobby mo, dahil gusto niyang gumagawa ng mga bagong bagay na magkasama kayo.

Abusive Boyfriend: Hindi ka niya susuportahan dahil naniniwala siya na dapat ay yung hobby lang niya ang gawin ninyong dalawa. Ayaw niya sumubok ng mga bagong bagay dahil hindi siya masyadong sanay sa pagbabago.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles