32.3 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 14, 2024

DAGA (RAT)

Mauubusan ka ngayon ng kuwento sa bisitang darating. Marami siyang baon kaya naman kakailanganin mo ring ilabas ang lahat ng itinatago mong istorya sa baul para hindi ka magmukhang tagapakinig lang sa lahat ng kanyang sasabihin.

Masuwerteng numero; 25,26,30,34

BAKA (OX)

Iba ang magiging dating sa’yo ng salita ng isang tao. Pakiramdam mo ay may laman ito at may ibig ipakahulugan. Pero kahit na anong pilit mo sa kanya ay hindi mo siya mapipiga sa kung anuman ang kanyang pinupunto.

Masuwerteng numero; 50,51,52,60

TIGRE (TIGER)

Mahalaga ka sa isang tao kaya naman ang hindi mo pagdalo sa kanyang okasyon ay labis niyang ikasasama ng loob. Subalit ang halaga mo sa kanya ay hindi tulad sa pagtingin  mo sa kanya. Hindi mo siya gaanong gusto kaya balewala lang sa’yo ang kanyang tampo.

Masuwerteng numero; 11,13,20,22

KUNEHO (RABBIT)

Isang sorpresa ang matatanggap mo mula sa isang kaibigan. Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan na tanggapin ito dahil alam mong hindi magiging okay dito ang iyong kapareha. Kakailanganin mong manimbang.

Masuwerteng numero; 31,36,40,44

DRAGON (DRAGON)

Mag-iingat sa masyadong matatamis na pagkain. Malaki ang posibilidad na makaramdam ng pananakit ng ngipin ngayong araw na ito. Dahil dito ay hindi magiging maayos ang buong maghapon na lilipas para sa’yo.

Masuwerteng numero; 26,27,31,32

AHAS (SNAKE)

Ito na ang tamang pagkakataon para humingi ka ng sorry sa iyong mga magulang. Kahit na ano pa man ang namagitan sa inyong hindi pagkakaunawaan ay ikaw pa rin ang anak na siyang dapat magpakumbaba.

Masuwerteng numero; 1,2,4,5

KABAYO (HORSE)

Wala kang mapagpipilian kundi muling magtiwala sa iyong karelasyon. Kahit pa ilang ulit ka na niyang nasaktan. Sa ngayon ay siya lamang ang makakatulong sa problemang kinakaharap mo kaya hindi mo pa siya tuluyang mabibitawan.

Masuwerteng numero; 45,47,49,50

TUPA (SHEEP)

Hindi kailanman magiging hadlang sa’yo ang iyong karelasyon dahil suportado ka niya sa lahat ng iyong ginagawa. Pero sa ngayon ay ikaw ang siyang magiging hadlang sa pagtupad niya sa kanyang pangarap kahit hindi mo intensyon.

Masuwerteng numero; 8,9,19,21

UNGGOY (MONKEY)

May likas kang karisma. Madaling mapalapit sa’yo ang mga tao dahil sa taglay mong kabaitan at ka-sweetan. Kaya isa na namang bagong kaibigan ang iyong mapapahanga at mabibigyan mo ng inspirasyon.

Masuwerteng numero; 53,58,65,68

TANDANG (ROOSTER)

Walang mawawala kung susubukan mo ang isang bagay na matagal mo nang gustong subukan. Pero mas mangingibabaw sa’yo ang takot at pag-aalinlangan. Kaya naman ang araw na ito ay mauuwi lang sa but and what if.

Masuwerteng numero; 10,15,19,32

ASO (DOG)

Iwasan mo muna ang matataong lugar dahil maaari kang makakuha ng sakit. Bagamat hindi malalang sakit ang makukuha mo ay makakaapekto pa rin ito sa iyong trabaho at daily routine dahil sasamaan ka ng pakiramdam.

Masuwerteng numero; 54,67,69,73

BABOY (PIG)

Kahit na ipinagtabuyan mo na ang iyong kapareha ay ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin niya. Masaya siyang ikaw ang kasama kaya kahit na ano pa ang mangyari sa pagitan ninyong dalawa ay babalik at babalik pa rin siya sa’yo.

Masuwerteng numero; 29,30,31,32

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.