EXO: Inaasahang magkakaroon ng Comeback bago magtapos ang Taon

Malapit nang matapos ang taon, subalit siyam na buwan na ang nakalipas simula nang mag-release ng bagong Music Video ang Kpop Group na EXO. Love Shot ang latest na release ng grupo, bagamat aktibo rin ang sub-unit nitong EXO-SC at may solo, marami pa ring fans ang nag-aabang ng comeback as a group kahit nasa Military Service sina Xiumin at D.O.

Oktubre 2, 2019— habang nasa Press Conference ang grupong SuperM, dalawang miyembro ng EXO ang nagsabi na may posibilidad na magkaroon ng comeback bago matapos ang 2019. Habang nasa PressCon, maraming tagasuporta ang mausisa patungkol sa grupong EXO.

 Ayon kay Baekhyun, “For EXO, we plan on continuing with our tour. We know that many of our fans are worried that we won’t be promoting in our own groups. It will be hard, but we will continue to promote and be active on both teams. We will begin our activities with EXO by the end of this year.” Tumugon rin si Kai at sinabing: “Although there isn’t much time before the end of the year, EXO will still be coming back. We will do our best as SuperM, but we will also work just as hard for our own groups.”

Si Kim Jong-in at Byun Baekhyun ay miyembro ng grupong EXO at SuperM. Isang malaking hamon para sa dalawa na pagsabayin ang iskedyul pero kakayanin para sa mga fans.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here