AMOR Powers, kapag narinig ko ang pangalang ‘yan, ang tanging pangalang papasok sa utak ko ay si Eula Valdez. Kahit naman kasi mahigit isang dekada na ang lumipas, hindi pa rin mawala sa utak ko ang papel na kanyang ginampanan sa teleseryeng Pangako Sa’yo na pinagbibidahan noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Nagawa kasi siyang patunayan sa programang iyon na hindi dapat maging api lagi ang mahirap.
Naging katulong siya noon sa ibang bansa ngunit pinakasalan siya ng kanyang amo kaya nakuha niya ang lahat ng yaman nito ng mamatay. Dahil sa pangyayaring iyon, taas noo na siya ng bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga taong naging dahilan kaya siya ay nagdusa. Sa pagkakataongg iyon ay magandang-maganda na siya at nababalutan na ng yaman kaya hindi na siya magawang apihin. Para sa mga manonood kahit na isang karakter lamang si Amor Powers ay nagbigay pa rin siya ng inspirasyon sa maraming Pilipino kaya naman sobra rin siyang minahal ng mga tao.
Ngunit, siyempre, hindi naman maaaring ang labas niya ay palagi na lamang api. Kailangan din namang magampanan niya ang iba’t ibang karakter para lumabas ang kanyang galing. Sa kasalukuyan nga ay siya ay gumaganap bilang Olivia Buenavidez sa The Good Son. Masama man ang karakter niya rito, hindi ko pa rin makuhang mamuhi ng tuluyan sa kanya. Paano ba naman kasi, kahit galit na galit siya sa mga Reyes at siya ang dahilan kung bakit pumapatay si Dado (Jeric Raval), siya pa rin ay mapagmahal na ina nina Enzo (Jerome Ponce) at Calvin (Nash Aguas) kaya ang nakikita ko na lamang sa kanya ay isa siyang mahusay na artsta.
Magaling na artista sa paningin ko at tiyak ko na sa marami ring tao dahil nagagawang gampanan ni Ms. Eula Valdez ang bawat role na inaatang sa kanya. Mapa-bida man o kontrabida, nadadala tayo sa kanyang pag-arte. Makikita rin sa mala-diyamante niyang mga mata ang emosyon sa kanyang pag-arte. Kung siya ba ay nagagalit, nagi-guilty o nagmamahal.
Hindi na naman ako magtataka kung bakit magaling na artista itong si Eula Valdez, mula naman kasi siya sa angkan ng mga artist. Sa aking pagsasaliksik kasi ay napag-alaman ko na lolo pala niya ang pintor na si Fernando Amorsolo. Sa tunay na buhay kasi siya si Julia ‘Eula’ Amorsolo Valdes. Marami na siyang teleserye at pelikulang nagawa kaya naman mas naging dalubhasa siya sa kanyang pag-arte. Hindi lang iyon, naging host din siya at napanood ko rin siyang mag-comedy noon sa programa ni Herbert Bautista noon na ‘Bistek’.
Kaya naman masasabi ko rin na si Ms. Eula Valdez ay malaki ang kontribusyon sa Showbizness at nakakapanghinayan kung siya ay mawawala sa pelikulang tabi. Ngunit sa palagay ko naman ay hindi pa iyon mangyayari sa ngayon lalo pa’t maraming role na bagay na bagay sa kanya. Saka, naniniwala rin ako na nasa puso niya talaga ang pag-arte. Hindi niya magagampanan ng napakahusay ang bawat karakter na kanyang ginagampanan kung hindi niya mahal ang pag-arte.
[metaslider id=”12150″]
*Telebisyon*
1991
Ready, Get Set Go! – Herself – Host
1991-2014
Maalaala Mo Kaya – Various roles
1995
Familia Zaragoza -Nimfa – Special Participation
1996-97
Lyra – Gina Monteverde
1998-1999
Halik Sa Apoy – Delia – Main antagonist
1999-2000
Marinella – Bebeng
1997-1999
Mula sa Puso – Criselda Pereira – Replacing Snooky Serna for the role. Credited as “Eula Valdes” Main antagonist (Second version)
2000-02
Pangako Sa ‘Yo – Amor De Jesus-Powers / Amor De Jesus-Buenavista – Main protagonist
2003-04
Darating ang Umaga – Mira Banal-Cordero
2005
Kampanerang Kuba – Lourdes Saavedra-De Vega
2005-06
Makuha Ka sa Tikim – Herself – Co-host
2006
Star Circle Quest – Herself – Quest Juror
2007
Maria Flordeluna – Josephine “Jo” Espero-Alicante – Main protagonist
2007
Mga Mata ni Anghelita – Bernice – Special Participation
2007-08
Kamandag – Alicia
2008-09
LaLola – Susanna Fuentebella-Lobregat – Main antagonist
2009
All About Eve – Alma Bautista-Gonzales
2009
The Wedding – Audrey De Meñes
2010
The Last Prince – Adela
2010-11
Koreana – Violeta Jung/Salcedo – Main antagonist
2011
Mula sa Puso – Selina Pereira-Matias – Main villain
2011
Ikaw Ay Pag-Ibig – Ms. Castro – Special role / villain
2011
Protégé: The Battle For The Big Break – Herself – Judge
2012
Mundo Man ay Magunaw – Olivia “Olive” San Juan-La Peña
2012
Walang Hanggan – Jean “Black Lily” Bonifacio / Jane Bonifacio-Montenegro
Extended Cast / Antagonist
2012-13
A Beautiful Affair – Carlotta Pierro
2013
Cassandra: Warrior Angel – Larissa / Gloria Cruz
2013
Kahit Nasaan Ka Man – Theresa De Chavez
2013
Magpakailanman – Marissa Lopez
2014
Dyesebel – Reyna Dyangga – Main antagonist
2014
Sana Bukas pa ang Kahapon – Helena Salvador – Special Participation
2014
Ilustrado – Teodora “Doña Lolay” Alonzo y Mercado
2014
Elemento
2014
Magpakailanman – Faith
2015-16
The Half Sisters – Ysabel Zúñiga-dela Rhea y Valdicañas – Extended Cast / Antagonist
2015
Magpakailanman – Rosalyn
2015-16
Princess in the Palace – President Leonora Clarissa “Leona” Jacinto-Gonzaga – Co-lead role
2016
Calle Siete – Sheila Mabuhay-Sebastian – Lead role
2016-17
Hahamakin ang Lahat – Ivy Tan-Ke – Main protagonist and antagonist
2017
Encantadia – Hara Avria – Special Participation / Antagonist
2017
The Good Son – Olivia Gesmundo-Buenavidez – Main antagonist
*Movies*
PAKI(Please Care) (2017)
NEOMANILA (2017) … Irma
Pwera Usog (2016) … Catalina
Dagitab (2014) … Issey Tolentino
Born To Love You (2012) … Sylvia
Rosario (2010) … Donya Adela
Working Girls (2010) … Dr. Cleo Carillo
Ang Manghuhula (2009)
Rekados (2006)
Nagmamahal, Kapamilya …. Louisa (2006)
Ina, Anak, Pamilya (2006)
Noon at Ngayon… Pagsasamang Kayganda (2003) …. Sylvia
Darating ang Umaga (2003) TV Series …. Mira Cordero
Di Kita Ma-reach
Gimik: The Reunion (1999)
Mula sa Puso: The Movie (1999) …. Criselda Pereira
Babae sa Bintana, Ang (1998)
Magandang Hatinggabi (1998) …. Carla
Pagdating ng Panahon (1998)
Ang Pulubi at ang Prinsesa (1997) …. Rosalie’s Mom
Hanggang Kailan Kita Mamahalin (1997)
Batang PX (1997)
Ikaw Pala ang Mahal Ko (1997)
Madrasta (1996) …. Luchi
Sana Maulit Muli (1995) …. Margie
Lagalag: The Eddie Fernandez Story (1994) …. Sara
Tumbasan mo ng Buhay (1993)
Dahil Mahal Kita (1993)
GMA Telecine Specials (1992)
Ready, Get Set, Go! (1992)
Barbi For President (1991)
Kapag Langit ang Humatol (1990) …. Nelia
Hindi Pahuhuli ng Buhay (1989)
Bala… Dapat kay Cris Cuenca, Public Enemy no. 1 (1989)
Rosenda (1989)
Buy One, Take One (1988)
Bukas Luluhod ang mga Tala (1984) …. Monette Estrella
Bagets 2 (1984) …. Janice
Hotshots (1984) …. Elaine
Bagets (1984) …. Janice
*Awards*
1998 – Highly Commended in Asian TV Awards in Singapore (MMK: Talaarawan)
2001 – Star Awards Best Actress in a Drama Series (Pangako Sa ’Yo)
2002 – Jose Rizal Award of Excellence Top Enterntainer Award as Best Actress (Pangako Sa ’Yo)
2003 – Asian TV Awards Best Actress Nomination
2003 – Asian TV Awards Best Actress in Singapore (MMK: Karinderia)
2006 – Aliw Awards Best Actress in a musical (ZsaZsa Zaturnnah)
2011 – Broadway World Philippines Best Featured Actress in a Musical (Nine)
2015 – Young Critics Circle Best Performance (Dagitab)
2015 – Gawad Urian Best Actress (Dagitab)
Other Bios’
Anong taon aq mkakapag work sa Canada?