Estudyante Tumalon Sa City Hall Ng Malabon

PhilippineOne will not denigrate this young man’s life or cause pain to his family by showing the video we have of this unfortunate suicide. Please remember this young man as a once vibrant member of our community. Life is a gift, treat it as such and pray for those of us that lose hope. RJD

Biyernes, Pebrero 21, bandang alas tres ng hapon nang gumulantang sa mga taga Malabon ang balitang may tumalon mula sa rooftop ng Malabon City hall. At ang mas nakakabigla pa do’n ay napakabata pa ng nagsuicide na ito. Lalaki at isang senior high student. Ang biktima ay nakilalang si Harvey Jefferson P. dela Torre na kasalukuyang mag-aaral ng Ninoy Aquino Senior High School. Agad na kumalat ang video kung paano winakasan ni Harvey ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa napakataas na rooftop ng Malabon Cityhall. Naging mabilis ang mga pangyayari kaya hindi na-rescue ang biktima. Base sa kumalat na video, ilang by standers ang nakakita kay Harvey sa itaas ng rooftop at nangamba sila na baka ito ay tumalon. Sa isang iglap nga ay tila manika o manekin na nalaglag ang katawan ni Harvey mula sa itaas na sinabayan ng sigawan ng mga nakakita. Ayon sa mga naging komento sa social media ng mga netizen, ang dahilan daw kung bakit nagpakamatay ang biktima ay dahil sa hindi ito nakapasa sa ojt at meron din naman nagsasabi na dahil daw sa break up. Subalit ito ay puro haka-haka pa lang dahil iimbestigahan pa ang tunay na dahilan ng pangyayari.

Kasunod nito ay agad ding naglabas ng statement sa kanyang FB page si Mayor Lenlen Oreta at ito ang nilalaman ng kanyang naging pahayag kaugnay nito.

“We express our sincere condolences to the parents and loved ones of the victim. As of the moment, we are still determining the details of the incidents and we are allowing our agents on the ground to perform their job of securing the site and protecting the body. Rest assured that we will report to the public any information as they become available. I also ordered our city security unit to double up our security protocols to ensure that all our employees and visitors are safe within the rpemises of city hall.  As a preliminary measure, I am ordering the immediate closure of all unnecessary doors and portals in City Hall.”

Taos puso po kaming nakikiramay sa mga naulila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here