Estranded sa airport dahil mga ‘nangyari’ sa Kuwait

372

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Kadarating ko lang sa bahay dahil naghatid kami ni Ghing sa pinsan namin papuntang Kuwait. Dahil nga sa ayaw na ni President Duterte na pabalikin doon ang mga Pilipino, ilang oras din kaming nakatambay sa may airport. Ayaw kasing paalisin ang mga papuntang Kuwait. Kaya naman kinakabahan kami para sa aking pinsan.

Kahit naman kasi nitong nakalipas na araw ay panay ang iyak ni Tess dahil kailangan niyang iwanan ang kanyang pamilya, wala pa rin siyang balak na mag-stay na lang sa Pilipinas. Siyempre, kailangan niyang magtrabaho para sa kanyang pamilya. Mayroon kasi siyang tatlong anak. Kahit naman may trabaho naman ang kanyang mister, hindi magiging sapat iyon para mabuhay sila ng maayos kaya kahit na namamaga na ang mga mata niya sa kakaiyak, kailangan pa rin niyang tumuloy.

Nakakalungkot talaga kasi pero kailangan nating tanggapin na barya na lang halos ang kinikita ng mga empleyado rito sa Pilipinas kaya kailangan na nilang magpunta sa abroad para kumita ng malaki-laki. Iyon nga lang parang mahirap na magsaya kahit na mas malaki ang kikitain mo. Mas nangingibabaw kasi ang kaba sa puso natin kapag pupunta tayo sa ibang bansa. Siyempre, alam ko ito dahil nga nanirahan ako ng ilang taon sa Abu Dhabi. Masasabi ko lang na mapalad ako dahil mabait ang aking amo.

Ngunit, hindi naman lahat ay sinusuwerte sa abroad lalo na kung sa Kuwait ka madedestino. Hindi naman siguro kaila sa inyo ang mag-asawang Lebanese na tumakas matapos ilagay sa ref ang kanilang katulong. Ang masaklap, isang taon na sa ref ang babaeng namatay na Pilipina na nagkataong kababayan ko pa.

Hindi lang iyon, ding binubugbog ng kanilag amo. Mistulang hayop lang ang mga Kababayan natin kapag nasa ibang bansa. Dahil nga sa sunud-sunod na krimen na nangyayari sa mga OFW na nasa Kuwait, nagalit na si Pres- Duterte. Ayaw na sana niyang papuntahin ang mga kababayan natin sa Kuwait dahil may tsansa na mapahamak sila. Kaya lang ang mga kababayan natin ay ang isinisigaw ay ‘unfair’ Hindi naman daw kasi lahat ng mga Pilipino ay minamalas, may pagkakataon din na pinapalad sila at nanatagpo ng mabait na employer.

Dahil nga sa hindi pa makapagdesisyon kung pupunta pa sa Kuwait ang ating mga kababayan, na-estranded muna sa airport ang aming pinsan. Ngunit, hindi naman gaanong iinit ang ulo nila dahil mayroon namang pagkain na ibinibigay doon. Hindi man kami magtanong, alam kong mula iyon sa pamahalaan.

SHARE
Previous articlePALMISTRY 66: Ang babaeng may diamond sa palad
Next articleAng Probinsyano Review: Anong klaseng asawa ka, Cardo?
My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here