Epekto ng Pagkahumaling sa Kpop, Alamin!

Naging mabilis ang pagdami ng mga fangirls at fanboys ng iba’t ibang mga South Korean group sa iba’t ibang panig ng bansa. Maging sa Pilipinas, hindi maikakaila na madami ang nahuhumaling dito.

Ano nga ba ang Kpop?

Ito ay ang tawag sa sining o musika ng mga Koreano. Dahil sa ito nga ay galing sa mga Koreano, ang mga salita na binabanggit sa kanta ay halos lahat puro sa lenggwahe nila.

Ang tanong, bakit madami ang nahuhumaling dito ngayon kung hindi naman pala naten naiintindihan ang pinapahiwatig ng kanilang mga kanta? Ano ang epekto neto sa atin?

Isa sa mga epekto ng pagkahilig ng mga kabataan sa kpop ay ang pagtangkilik nila sa kultura ng mga Koreano. Sa sobrang pagkahanga nila sa kanilang mga iniidolo ay pati ang lenggwahe neto gusto na nila aralin. Hindi naman masama kung magaaral ng ibang lenggwahe ngunit ang sarili nating wika ay tila ba nakakalimutan na.

Sana na lamang ay maibalik naten ang pagmamahal sa sariling wika at kultura bago naten tangkilikin ang kultura ng iba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here