Epekto ng Pag-inom ng Vegetable Juice

Sa panahon ngayon na nagkalat ang iba’t-ibang produktong inumin, sino na lang ba ang papansin sa mga natural vegetable juice? Malamang ay yung matatanda na nakaka-realize na ng halaga nito. Kung ikaw ay nasa bata-bata pang edad at hindi palakain ng gulay, siguradong hindi mo rin gugustuhin na uminom ng juice gawa dito. Pero bago mo ito ayawan, alamin mo muna kung ano ang magagawa nito sa iyong katawan.

1.Hydrates the body

A cup or two of vegetable juice kada isang araw ay sapat na para ma-hydrates ang iyong katawan. Katumbas ito ng tubig na dapat pumapasok sa katawan ng tao araw-araw.

2.Promotes hair growth

Kung sa tingin mo naman ay kulang pa ang ganda ng iyong buhok, matutulungan ka ng vegetable juice para ma-achieve mo ang ganda ng buhok na gusto mo. Ang mga vegetables gaya ng spinach, carrots, onion,at beetroots ang good choices para sa pagpapaganda ng iyong buhok.

3.Prevent hair loss

Kung naglalagas naman ang iyong buhok o napapansin mo na unti-unti na itong nawawala, ang mga dark leafy green veggies, cruciferous vegetables at peppers juice ang siyang makakatulong para malabanan ang pagkaubos ng iyong buhok.

4.Keeps pimples at bay

Upang hindi naman makaporma ang mga acne at pimples, siguruhin na makakainom ka ng mga vegetable juice na gawa sa pumpkins, broccoli, sweet potatoes at carrots. Ang dahilan nito ay ang taglay ng mga itong anti-oxidants at Vitamin C na panlaban sa mga acne at pimples.

5.For glowing skin

Para naman sa makinis at maputing kutis na nais mo, kaya itong ibigay sa’yo ng juice mula sa tomatoes, potatoes, cabbages, carrots at radishes.

6.Prevents wrinkles

Maraming takot sa wrinkles. Sign kasi ito na hindi na tayo bumabata. Hindi natin ito maiiwasan. Darating at darating tayo sa pagtanda. Pero may magagawa tayo para pabagalin at kontrolin ang pagkakaroon ng wrinkles. Mainam para dito ang mga gulay na mayaman sa bitamina C gaya ng broccoli, peppers, cauliflowers at tomatoes. Gayundin ang mga vegetable juice na mayaman sa vitamin E gaya ng collard greens, turnip greens at selenium vegetables.

Ilan lamang iyan sa mga benepisyo na maaari nating makuha sa pag-inom ng mga vegetables juices. Medyo hindi kagandahan ang lasa pero kailangan nating subukan alang-alang sa ikabubuti ng ating kalusugan at gayundin ng ating kaisipan.

MORE ARTICLES

Horoscopes     Kapangyarihan     Pamahiin    Panaginip      

Misteryo    Numerology    Zodiac   Beauty/Health

Your Birthday ( Kaarawan Horoscope)      Entertainment   

Religion    Panalangin  Relationships     OFW      LGBTQ    

New Wave (English)     Facebook     YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here