Ekis sa Palad

Girl and mother

Hindi lahat ng babae ay binigyan ng pagkakataon na maging ina kaya naman talagang nakakapanggalit ang mga babaeng para lang nagtatapon ng basura kung itapon ang kanilang anak. Mayroon pa nga diyan na pinapatay pa ang kanilang anak bago itapon sa basura gayung pwede naman nila itong ipamigay na lang. Aba, marami kayang babae riyan na gustung-gustong magkaanak pero hindi mabiyayaan kaya matutulungan mo sila kung ibibigay mo na lang sa kanila ang iyong anak kaysa patayin.

Ay naku, kaya talagang importante  na handang-handa ka na talagang maging ina bago ka magpabuntis. Siyempre, kailangan din naman kasal ka para dalawa talaga kayong magtutulungan.    Tulad nga ng payo ng matatanda, utak ang dapat na pairalin at hindi laging puso.

Ngayon kung talagang handa na kayong magkaanak, go. Mas maigi kung marami para masaya ang pamilya. Gayunman, kailangan naman ay alalahanin ninyong mag-asawa na hindi biro ang magkaanak kaya dapat bago gumawa nang gumawa ng anak ay siguraduhin munang ito ay mabubuhay at mapag-aaral.

Ayon nga sa pamahiin, ang bilang ng ekis na nasa palad mo ay nagsasaad kung ilan din ang magiging anak mo. Buksan mo nga ang kanang palad mo at bilangin doon kung ilang ekis ang makikita mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here