Edukasyon o Kalusugan, ano ang mas mahalaga?

Sa panahon ngayon ay talagang kailangang talakayin ito dahil talaga namang in na in. Kahit pa sabihing ilang buwan na ring naka-enroll ang mga estudyante online ay siguradong mainit pa rin ang balitaktakan na ito hingil sa isyu na ito, kaya naman gusto ko ring hingin ang opinyon mo kung Edukasyon o Kalusugan, ano ang mas mahalaga?

“Mas mahalaga ang kalusugan dahil kahit na ano pang pag-aaral ang gawin mo kung mahina ang katawan mo, hindi mo rin naman magagawang matupad ang iyong pangarap.” Star

“Hindi naman porke inipili mo ang edukasyon ay papasok ka ng walang laman ang iyong tiyan. Siyempre, hindi mo naman gagawin iyon kung ayaw mong mahimatay na lang. Kaya nga lang, talagang kailangan mo ring paganahin ang iyong utak para naman magkaroon ka ng magandang kinabukasan.”Jan

“Ang edukasyon ay dapat mong pahalagahan dahil dito nakasalalay kung anong kinabukasan ang maaari mong makamtan.”Wayne

Totoo namang mahirap mamili sa dalawang importanteng bagay dito sa mundo, edukasyon o kalusugan pero bakit naman ba natin kailangang mamili kung maaari namang pareho nating pahalagahan. Tulad nga ngayon na mayroon pang Covid. Hindi maaaring huminto ang buhay natin dahil sa aglaganap ng sakit na ito. Mas maigi pa rin talaga kung ang kabataan ay makapag-aral, mabuti na lang din naman ay may online dahil dyan ay magagawa rin nating maayos ang buhay ng ating mga anak hanggang sa hindi natatapos ang nakamamatay na sakit na ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here