EDSA 1, nilangaw at EDSA heroes, absent

Danilo C. Ambrocio

PINANGUNAHAN ni dating Pangulong Fidel Ramos ang ika-32 taon paggunita sa Edsa Revolution sa People Power Monument sa tapat ng Camp Aguinaldo sa Edsa, Quezon City.

Inilalarawan sa ilang news network ang selebrasyon bilang pinakakaunting personalidad ang dumalo.

Para sa mga kritiko, mistulang nilangaw ito dahil wala ang mga prominenteng lider ng okasyon tulad nina dating Senate President Juan Ponce Enrile, Sen. Gregorio Honasan at iba pa.

Hindi dumalo si Pangulong Digong pero naroon ang kanyang national security adviser na si Hermogenes Esperon at iba pang opisyal ng pamahalaan.Wala rin si Bise Presidente Leni Robredo, Senate President Koko Pimentel at Speaker Pantaleon Alvarez.

Dumalo naman si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno pero hindi siya nabigyan ng maayos na papel sa okasyon na dinaluhan ni dating senador Heherzon Alvarez at kanyang maybahay--at wala ang kanyang mga kasamahan na sinasabing Edsa personalities.

Dumalo rin ang TV commentator na si Professor Winnie Monsod.

Hindi dumalo si dating Pangulong Noynoy Aquino,dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at dating Pangulong Erap Estrada.

Nagpahatid ng mensahe si Pangulong Duterte kung saan ay sinabi nito na mahigit tatlong dekada na ang nakalipas nang ipamalas ng mga Filipino sa buong mundo ang tapang at paninindigan na baguhin ang landas ng kasaysayan.

Simula aniya noon, ang Rebolusyon sa EDSA ang nagsilbing sagisag ng paninindigang ipaglaban ang tama at sa mga mapanubok na yugto ng nakaraan ay ipagtanggol at ipagsanggalang ang malayang pamumuhay.

“Hangad ko ang isang makabuluhang pagdiriwang para sa lahat,” ayon kay Pangulong Duterte.

“The 1986 Edsa People Power Revolution was only the start of our transformation. That is not the end. We are just beginning. And the outcome, which is a better future for all Filipinos, must be done by its succeeding administrations,” wika ni Ramos .

“There should be no Ilocanos, Davaoeños, Cebuano, Illonggos. We are all Filipinos. That’s what I want to say,” dagdag ni Ramos .

Ginawaran si Ramos ng karangalang “People’s Power Heroes Award” .

Iginawad naman ang Edsa People Power Commission Award sa AFP at PNP dahil sa pagresolba sa krisis sa Marawi City.

Kinilala rin ang kadakilaan nina Army Captain Michael Asistores at PO3 Christopher Lalan, ang tanging Special Action Force survivor sa Mamasapano Mamasapano massacre.

Iginawad ang Good Citizenship Award sa yumaong si Melvin Gaa, isang NCCC mall employee na namatay matapos iligtas ang ilang survivor sa pagkasunog ng gusali.

May temang “EDSA 2018: Effecting Change Towards Strengthened Democracy” ang paggunita kahapon kung saan nagbigay ng pahayag ang dalawang senador na sina Sen. Leila de Lima at Joel Villanueva.

“Hahayaan ba nating mabalewala ang demokrasyang ipinaglaban ng milyon-milyong Pilipino na hinangaan ng buong mundo? Magwawalang-kibo na lang ba tayo sa lantarang panlilinlang sa taumbayan?”, pambubuyo ni De Lima.

Hiniling ng detenidong senador ang pagkilos ng mga mamamayan.

“Sana po ay magpatuloy pa ang mga ganitong pagkilos, upang mamulat ang marami pa nating kababayan sa katotohanan at magbalik ang liwanag ng katarungan sa ating Inang bayan,” pagdidiin ni De Lima.

Binigyan-diin ni Villanueva ang kahalagahan ng pagkakaisa ng lahat ng sektor.

“Our unity gives us strength, and as one nation, we can conquer any obstacle,” wika ni Villanueva sa hiwalay na pahayag.

SHARE
Previous articleHoroscope, Pebrero 26, 2018
Next articleAng kahulugan ng paghuhukay ng alahas
DANILO C. AMBROCIO, kilala rin bilang Ka Ambo, may tatlong dekada sa larangan ng pamamahayag at may 10 taon sa serbisyo-publiko bilang public official.Aktibong publisher, editor, columnist at writer sa limang pangunahing pahayagan kung saan aabot sa mahigit isang milyon ang sumusubaybay araw-araw sa kanyang mga artikulo sa magkakaibang topic at larangan.Nagsimula sa pagiging reporter bago naging chief proofreader, sports editor, editor-in-chief at publisher. Nagtapos ng Human Development and Community Management Scholarship grant sa ilalim ng UP-DAP-MHS at graduate sa kursong Bachelor in Public Administration sa Pamantasan ng Lunsod ng Maynila (PLM) na bilang topnotcher sa graduating class.

1 COMMENT

  1. This Edsa personalities fractured the nation and now calling for unity!!What a load of hypocrisy from that old Ramos!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here