Edad, Nakakaapekto Pa Rin Sa Isang Relasyon

0
164

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Age doesn’t matter. Iyan ang bukambibig at pinaniniwalaan ng mga taong nasa relasyon na ang edad ay  may malalayong agwat. Pero totoo nga bang age doesn’t matter? It does. Lalo na kung sobrang malayo ang agwat. Halimbawa ay sampu hanggang dalawampung taon. Pero paano nga ba ito nakakaapekto sa isang relasyon. Alamin natin mula sa mga sumusunod.

1.Magkaibang Kinalakihan

Halimbawa kung ikaw ay batang 90’s, siguradong lumaki ka sa isang paligid na ibang-iba kaysa sa sumunod na henerasyon. Mas disiplinado at may mas malawak na aktibidad na labas sa impluwensya ng social media.May mas malaking takot sa mga magulang at umiikot ang bawat oras sa mga libangan at kasayahang ginagamitan ng pisikal. Samantalang ang  mas nakakabata sa’yo ay nakapokus ang atensyon sa mas modernong bagay. Kung kayo ay papasok sa isang relasyon, ang magkaiba ninyong paniniwala sa inyong mga kinalakihan ay maaaring maging sanhi ng isang pagtatalo lalo na kung kayo ay may anak na.

2.Ugali

Kung ikaw ay matanda na at ang iyong karelasyon ay bata pa, kahit na anong pagtatakip nyo ay lalabas at lalabas ang magkaiba nyong pag-uugali. Dahil ikaw ang may edad, ikaw na ang may mas malawak na pang-unawa at may malalim na pagtingin sa mga bagay at pangyayari. Nakikita mo na yung mga posibilidad sa mga sitwasyon na napagdaanan mo na. Pero ang karelasyon mo na nasa murang edad pa lamang ay iba ang pagtingin niya sa isang sitwasyon. Ipapakita niya sa’yo ang pinaniniwalaan niya sa pamamagitan ng kanyang mga kilos at salita, sa pamamagitan ng kanyang ugali. Hindi pa niya maiintindihan ang lahat ng mga bagay na gusto mong maintindihan niya.

3.Pananaw sa buhay

Kung ikaw naman ay mas bata sa iyong karelasyon, ang pananaw mo sa buhay ay mas malayo kaysa kanya. Dahil old soul siya, simple lang ang kanyang pagtingin sa buhay. Isang buhay na masaya kasama ka, walang masyadong alalahanin, payapa kahit pa may mga pangarap kayong hindi magkaroon ng katuparan. Pero ikaw bilang mas agresibo at may mas maganda at malayong pananaw sa buhay, mas bibigyan mo ng prayoridad ang katuparan ng inyong mga pangarap kahit pa dumating kayo sa point na hindi nyo na sigurado kung ano ba ang mas dapat ninyong pahalagahan, ang inyong pagsasama o ang kalagayan nyo sa buhay.

Ilan lamang ang mga ito sa mga bagay na inaakala nating maliit lang at hindi makakaapekto sa isang pagsasama ng magkarelasyon na may malaking agwat. Sa katotohanan ng buhay, ito ay nasasalamin at napapatunayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here