Dubai Honest Pinay

0
48

Pinay, pinarangalan dahil sa katapatan

Sadyang ang katapatan ng mga Pinoy ay hindi matutumbasan ng kahit anumang bagay. Ito ang pinatunayan ng isang Pilipina na nagtatrabaho sa Dubai nang magsauli siya ng bag na naglalaman ng pera at tseke na may kabuuang halaga na higit sa P9.9 milyon.

Ang maipagmamalaki nating kababayan ay si Mae Anne Olmidillo, 27 taong gulang, at nagtatrabaho bilang branch manager sa Starbucks outlet sa Dubai Mall. Nito lamang Agosto ay pinuntahan si Olmidillo ng mga Dubai police upang kilalanin ang katapatan niyang ginawa at pasalamatan na rin siya dahil isang napakagandang ehemplo ang kanyang ginawa hindi lamang sa mga Pilipino o iba pang banyaga na nagtatrabaho doon, bagkus, ito ay isang napakagandang pag-uugali na dapat pamarisan ng lahat ng tao.

Ayon sa pulisya, ang isinauling bag ni Olmidillo ay naglalaman ng Dh195,000 cash at dalawang tseke na may kabuuang halaga na Dh506,250, check book at iba pang dokumento na naiwan ng customer sa coffee shop na pinapasukan ng Pinay. Ang pagsasauli ni Olmidillo ng nasabing bag ang naging daan upang maisauli ito sa tunay na may-ari, aniya ng kapulisan.

Nitong Abril 18 nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Olmidillo ay hindi siya nagdalawang isip na ibalik ang bag at laman nitong pera sa tunay na may-ari. 

“ When I found out the money, hindi ako nagdalawang-isip ibalik Yung pera sa nagma-mayari.Hindi po akin ‘yin at alam kong may return si God sa akin. Maraming salamat po.

Binigyan ng Dubai police ng sertipiko at token si Olmidillo para sa kanyang katangi-tanging ginawa.

Photo Credit:

Photos from IG account of @ dubaipolicehq sd

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here