Dreams Isyu 256: Maliit na ahas

2
752
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon sa Isyu 256 ang panaginip ni Awesome101 tungkol sa maliit na ahas, lumalangoy sa swimming pool at airport.

 

Dear Maestro,

Nakapanaginip po ako ng ahas na maliit na parang bagong pisa, Nakalagay daw ito sa garapon. Yong isa gumagalaw at ito raw ay nasa lamesa at ibinigay ko raw sa kuya ko, pero tiningnan lang niya ang maliit na ahas.

Pagkaraan ng ilang araw nanaginip uli ako. Ganito naman ang panaginip ko. Lumalangoy daw ako sa malawak na swimming pool pero parang may boundary bawat portion. Lumalangoy daw ako pero hindi ako makaabot sa gitna, sa halip, bumabalik agad ako sa gilid. Paulit-ulit yon hanggang may nagsabi sa akin na umahon na raw ako. Pag-ahon ko umulan. Pumunta raw kami sa silungan kahit nandoon na kami sa may silungan, nauulanan pa rin ako.

After a few days ay nanaginip na naman ako. Nanaginip ako na parang nasa airport ako. Noong paalis na raw ang eroplano at gusto ko raw tumakbo kasi tinatawag na ang pangalan ko. May pumigil daw sa akin at may nagsabi na bumalik raw ako sa agency kasi may gusto sa aking kumausap.

Ano po ang kahulugan ng mga panaginip kong ito? Sana mabigyan nyo ng kahulugan para hindi na maguluhan ang isip ko. Salamat po.

 KASAGUTAN:

Halos magkakaugnay ang panaginip mo Awesome101 o sa ibang salita “inter-related ang esensya o nais ipahiwatig ng iyong unconscious self habang ikaw ay natutulog.

Kung saan, pansinin mo ang ganitong iisang senaryo sa iyong panaginip. Una, ‘yong mga bagong pisang ahas o maliit na ahas, imbis na malayang nakakagapang sa lupa o sa pinagpisaan niya, sa iyong panaginip ito ay nakalagay sa garapon.”  Ibig sabihin ang mga ahas o ang mga maliit na ahas ay hindi “malaya”.

Pangalawa, “lumalangoy ka ngunit may boundary o mga portion ang swimming pool” na ibis na “malaya kang makalangoy kahit saan mong lugar lumangoy ay hindi mo magagawa dahil nga may mga boundary at portion ang swimming pool.”

Pangatlo, “Imbis na makalangoy ka sa gitna, bawal o hindi mo magawa, kaya naman hanggang sa gilid ka lang nakakalangoy” at ng lumalangoy ka ay “may tumawag o nagsabi sa iyo na umahon ka na at umahon ka naman.”

Pang-apat “noon namang umulan at sumilong ka sa isang silungan, nakapagtatakang nababasa ka pa rin ng ulan sa sinilungan mo.”

At pang-lima, “Aalis ka na lang, lilipad ka na lang, sasakay ka na sana sa eroplano dahil tinatawag ang pangalan mo, pinabalik ka pa sa agency para may kumausap sayo.”

Ang mga tinurang “iisang esensya o sitwasyon sa itaas” ay may “iisang kahulugan din lamang” at ito ay malinaw na pahiwatig na sa iyong panaginip ay ipinapakita unconscious self mo ang iyong mga kahinaan at ang kahinaan mo sa kasalukuyan ay ang “takot, kakaibang pangamba, hindi ng loob at alinlangan sa’yong mga kakayahan at talento kung kaya’t sa ngayon ay hindi ka lubusang nagtatagumpay at nagiging maligaya.”

Kumbaga masyado kang maraming inaalala, at dahil masyado kang maraming pinangangambahan, nawawalan ka ng tiwala sa’yong sarili at habang ganyan ka, “masyadong negatibo o pesimista” tulad ng nasabi na, malabo kang umunlad, malabo kang magtagumpay at malabo kang habang buhay na lumigaya.

Kaya ang pinakamabuti mong magagawa ngayon ay muli kang matulog at sa iyong pagtulog kung muli kang mananaginip, tiyakin mo ang mga susunod na senaryo: “Maliit na ahas na nakalaya sa pagkakalukong sa garapon”  -na nangangahulugang “bagong buhay at bagong pagkatao.”

Lumalangoy sa malawak na swimming pool na wala ng partisyon; lumalangoy sa swimming pool na nakararating sa gilid, sa gitna at sa lahat ng sulok at sumisilong sa silungan na hindi na nababasa – nangangahulugan lamang na malaya ka na at nagapi na ang lahat ng takot at pag-aalinlangan sa’yong sarili.

At sa sandaling tinawag sa airport ang iyong pangalan, “masayang bitbit mo ang iyong bag, malaya kang sasakay sa eroplano at mararamdaman mong tumataas at tumataas ang eroplano patungo sa kalawakan” na sumisimbolo ng isang maunlad, maligaya at matagumpay na indibidwal.

Sa madaling salita Awesome101, simulan mong palakasin ang iyong loob sa ngayon at pagtiwalaan ang iyong sarili, kapag nagawa mo ‘yan, napawi mo ang mga pag-aalinlangan, agam-agam at takot, makikita mo, mga ilang araw lamang, linggo at mga buwan ang lilipas, magiging malaya ka na, uunlad ka na, magtatagumpay at magiging maligaya habang buhay.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

2 COMMENTS

  1. Good Morning po Maestro. Ano po kaya ang ibigsabihin na nasa tindahan daw ako ng mga cosmetic po pumipile daw po ako ng lipstick pero hindi ako bumile kc sabi ng pamangkin ko na mga gamit na ung mga paninda o parang ukay-ukay po ganun. Tapos bumile daw po ako ng tinapay 30pcs at biscuit po na imported daw po at 300 pesos nman daw po un. Paguwi ko po sa bahay inalok ko ung tinapay at biscuit sa mga tao sa bahay.. Yun lamang po. Salamat po.

  2. Tsaka may isa pa po ako panaginip Maestro. May baby po na npkalusog. Nakaupo po sya sa sahig tapos tuwang tuwa po ung baby kc npkadaming iba’t ibang klase ng mga candy na nkpaligid sknya. Tapos bigla po napa-higa ung baby nilapitan ko po taz nakita ko pong umeere sya un pla tumatae sya…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here