Dreamcatcher, May Hangganan Ang Kapangyarihan

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Ano ang alam mo tungkolsa dreamcatcher? Isa itong bagay na bahagi ng tradisyon ng native American. Bilog ito na may mga palawit na feathers. Ito ay nagsisilbing tagapanala sa pagitan ng mabuti at masama nating panaginip. Ang mabuting panaginip ay nakakadiretso sa ating pagtulog dahil alam nito ang daan sa pasikot sikot na web ng dreamcatcher. Habang ang masasamang panaginip ay walang ideya kung paano makakalusot dito kaya naman ay ito ay tila natatrap sa loob ng web hanggang sa ito ay abutan ng umaga at doon na ito tuluyang nasisira. Kaya naman sa mga naniniwala rito ay malaking bagay ang pagkakaroon ng dreamcatcher sa loob ng tahanan. Maaari mo itong ipuwesto sa pintuan ng iyong bahay o ng iyong kuwarto at maaari rin namang i-hang malapit sa iyong lampshade. Mainam din itong ipuwesto sa bintana. Sa oras na ito ay mailagay mo na sa magandang pwesto ay malaki na ang posibilidad na makatulog ka ng mahimbing lalo na ang mga bata na kalimitang dinadalaw ng hindi magandang panaginip.

Pero paano naman kapag napuno ng mga masasamang panaginip ang isang dreamcatcher? Baka hindi na ito makapagtrabaho ng tama? Tama. Posibleng hindi na nito masala ang lahat ng hindi magandang panaginip na magtatangkang pumasok sa iyong isip habang ikaw ay tulog. May paraan naman para maalis ang mga negatibong pwersa na tinataglay na nito. Kumuha ng malinis at buhay na tubig at haluan ito ng asin na nabendisyunan. Ilubog lamang doon ang iyong dreamcatcher at marahan itong iwagwag  upang mawala ang mga negativity na naipon dito. Makikita mo naman kung ang itsura nito ay malinis na. Isa pang paraan ay ang paglilinis ng dreamcatcher gamit ang isang halaman na may matapang na amoy gaya ng sage. Ipupunas mo lamang ang halamang ito sa bawat bahagi ng iyong dreamcatcher. Ingatan lamang na masira ang maski isang bahagi lamang nito dahil sa oras na ito ay masira, hindi na nito magagampanan ng maayos ang kanyang trabaho bilang tagapanala ng iyong panaginip.Kailangan din na habang ito ay iyong nililinis ay dinadasalan mo rin at buo ang iyong paniniwala rito.

May hangganan ang kapangyarihan ng dreamcatcher kung ito ay iyong pababayaan. Subalit kung alam mo kung paano ito protektahan ay mananatili itong may silbi sa iyong pagtulog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here