Dream Interpretayion Isyu # 259

0
455
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Ms. Lady in Blue, tungkol sa buhat-buhat siya ng ex boyfriend nya at ng tumawid sila sa swimming pool ay biglang umapaw ang tubig at tumalon siya hanggang sa siya ay napunta sa malalim na bahagi ng tubig.

Dear Maestro, 

Hi Maestro! Tawagin nyo na lng po ako sa pangalang Ms. Lady in Blue. Kailan lang po ay naghiwalay kami ng mister ko, dahil meron na po siyang iba. Lately napapanaginipan ko po ang ex ko. Sa panaginip ko buhat niya po ako, tapos meron po kaming tatawiran na parang swimming pool na biglang umapaw ang tubig at ako po ay tumalon sa tubig pero huli na ng ma-realized ko na malalim pala ang tubig at napunta ako sa ilalim. Hanggang dyan lang po at nagising na ako.

Ang anak ko po ay nanaginip din daw po siya na umuwi na ang asawa ko sa bahay.

Sana po matulungan nyo ako na mabigyan ng linaw kung ano ang dahilan ng panaginip naming ito?

KASAGUTAN:

Minsan hindi maiiwasang kaya tayo nananaginip ay may “obvious na dahilan”. “Obvious na dahilan” o naghuhumiyaw na katotohanan, na kung saan, kapag may mabigat tayong problema siguradong may kaugnayan dito ang ating mapapanaginipan.

Sa sitwasyong ganito, (may mabigat na problema) kusang nadidistorbo ang unconscious self na siyang naghahabi o nagbuburda at nananahi ng mga witwasyon na ating maaaring mapanaginipan. Nangyayari ang ganito, mga panahinip na naanyuhan dahil sa mabibigat na problema ay upang paratingin kay conscious self ang kasalukuyang sitwasyon at ang kasalukuyang damdamin, na sa bandang huli ay ipinapakita na rin ni unconscious self ang mga pahimakas na maaaring maganap sa kasalukuyan at sa susunod na mga araw, tulad ng panaginip mo Ms. Lady in Blue.

Napanaginipan mo ang ex boyfriend mo, dahil sa sitwasyong ito ng iyong buhay na nagkahiwalay kayo ng asawa mo at sumama siya sa ibang babae, alam na alam ni unconscious mind mo na ang tanging tao na makapagliligtas sa iyo sa kalungkutan at pag-iisa ay ang ex boyfriend mo, kaya naman siya ay “agad agad na tinawag ng unconscious self mo” at lumutang naman agad sa iyong panaginip,  upang kahit na papaano ay “ma-relieved” o maibsan ang iniinda mong sakit (pain) sa kasalukuyan biglang pagsama ng asawa mo sa kanyang karida.

Kaya nga sa iyong panaginip ay “pasan-pasan o buhat-buhat ka ng boyfriend mo”, na ibig sabihin bagamat hindi naman directly, siguradong “may magliligtas sa iyo sa mga kalungkutan at pag-iisa na nadarama mo sa ngayon” na sa literal na salita ay “may bubuhat o may papasan sa iyo.”   Samanta, kasabay na “nire-relieved” ang “pain” na nadarama mo sa pag-iwan sa iyo ng mister habang ikaw ay nanaginip, ipinapakita rin ang posibleng nagaganap o magaganap sa susunod na mga araw. Muling pansining sa panaginip mo “buhat-buhat ka ng ex boyfriedn mo tumawid kayo sa swimming pool pero bigla itong umapaw at tumalon ka sa tubig pero huli na ng ma-realized mo, na malalim pala ang tubig kaya ang nangyari ay napunta ka tuloy sa ilalim.”

Ibig sabihin, sa malapit na hinaharap kapag hindi na nagbalik ang mister mo halos hindi mo makakayanan ang mga pangyayari, “kaya mapupunta ka sa ilalim” pero dahil nagising ka, matapos kang “mapunta sa ilalim ng tubig”, ibig sabihin naman nito ay hindi ka tuluyang malulunod.

Sa madaling salita, isa lang ang tinutumbok ng panaginip mo, ito ay nagpapaalaala na sa sandaling iwanan ka na nang tuluyan ng mister mo na sumama sa ibang babae, umpisahan mo ng mahanda at magpakatagtag dahil sa pagiging matatag lamang tuluyan kang makapagmo-move on, at kapag nakapag-move on ka na, kusa na ring mapaparam at kusa mo na ring malalagpasan ang mga problema mo sa kasalukuyan.

Habang ang panaginip naman ng anak mo na “umuwi na sa bahay ang asawa mo” ay naghahayag na matapos mong maging matatag, may pangako na muli kang magkakaroon ng bagong at mas masayang love life na hahantong sa isang mas okey sa alright at mas maligayang pakikipag-relasyon  habang buhay.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here