Dream Interpretation Online Ang Sikreto ng iyong Panaginip, Isyu # 270

2
609
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni  Shiela tungkol sa paparating na alon, at kung paanong tangayin ng alon ang mga tao.

Dear Maestro,

Good pm po Maestro! Ako po si Shiela, ask ko lang po kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na may mga alon daw na paparating. Pinaghandaan namin ang paparating na alon, at pagdating nito, kitang-kita ko po ang paparating na alon na nakita ko po kung paano tangayin ng alon ang mga tao, pero pag dating po sa amin, biglang natigil ang alon. Pagkatapos,  may nakita pa po akong dalawang lalaki na nakahiga sa ubig. Hindi ko mawari kung patay na sila pero alam ko nakahiga sila sa alon. Ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip kong ito.  

KASAGUTAN:

Ang “alon” sa panaginip lalo na at ito ay malakas at bumabayo talaga, o malakas ang hampas ng tubig ay nagbabadya ng paparating “na mga problema at suliranin.”

Kaya mapalad ka Shiela, dahil ngayon pa lang ipinapakita na ng unconscious self mo, bilang isang malinaw na pahimakas, premonition o babala, na sa darating na mga araw, may mabigat na mga problemang darating sa inyong buhay.

Ang alon ay maaari ding problema o suliraning may kaugnayan sa pag-ibig, sa damdamin o sa emosyon na maaaring ang maging dahilan ay ang “dalawang lalaki sa iyong buhay”, na siyang nirerepresenta ng dalawang lalaking nakahiga sa tubig sa iyong panaginip. Sila ay mga “lalaking walang silbi sa kasalukuyan na kinaiinisan mo ng lihim.”

Samantala dagdag dito ang nakatutuwa sa panaginip mo, napaghandaan nyo naman ang pagdating ng alon,  kaya ang nangyari sa iyong panaginip, “kitang-kita ko po ang paparating na alon na nakita ko po kung paano tangayin ng alon ang mga tao, pero pagdating po sa amin, biglang natigil ang alon.”

Ibig sabihin kahit na may mabibigat na problema at mga pagsubok na dumating sa inyong buhay at kahit na sa mismong buhay mo, sa umpisa lang ito makakaapekto sa iyo pero pagtagal-tagal ang lahat ng ito ay mababalewala na. Oo hindi ka tatablan at kung baga sa panahon ng tagbagyo at tagbaha, makikita mong tumuwad lahat ang bahay ng inyong mga kapit-bahay pero ang bahay nyo ay mananatiling matatag at nakatayo pa rin.

Ibig sabihin, anuman ang dumating na suliranin, lahat ng ito ay magaang at pa-easy-easy mo lang na malalagpasan.

Samantala ang larawan naman ng “dalawang lalaki na nakahiga sa tubig”  ay maaaring ang “panahon kung kailan darating ang prolema, maaaring dalawang buwan pa mula ngayon o kaya naman’y dalawang taon pa mula ngayon.” Pero tulad ng nasabi na, wala kang dapat na ikatakot at alalahanin, dahil kayang-kaya mong malutas at masolusyunan ang nasabing mga problema.

Dagdag dito ang dalawang lalaki ay larawan din ng mga tulong o ayuda na tatanggapin mo sa panahon ngayon, kung saan, may mga lalaki o ka-opposite sex mo na tutulong sa iyo at magmamagandang loob, na kung may ganitong sitwasyon sa inyong buhay na darating, wala kang dapat gawin kundi tanggapin ng tanggapin ang anumang tulong o oportunindad na darating dahil ang lahat ng ito ay makadadagdag sa susunod na mga araw, upang lalo pang umunlad, lumigaya at lumago ang inyong kabuhayan.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

2 COMMENTS

  1. Maestro ano po ang ibigsabihin ng panaginip ko? May isang malaking puno ng langka at npaka raming bunga. Hanggang sa katawan po ng puno pababa may bunga. Kaya sabi ko po sa isip ko na minsan mag gagata ako ng langka. Tapos sa katabi nman po ng puno ng langka at isang puno rin na malaki. At ang bunga nya ay mais. Mais na kulay dilaw at walang balat. Ang dami rin po bunga. Hanggang sa katawan ng puno pababa ay may bunga din po. Tapos nakisuyo po ako sa pinsan ko na kuhaan nya ako ng mais sa puno.. Sana mapansin mo po eto Maestro. Pangalawang beses ko na po eto pinost. Maraming Salamat po.

    • Maestro bakit po kya lgi akong nanaginip ng tungkol sa tubig..lagi daw umaapaw ng tubig ang lgayan nmin sa cr or kya may nrrinig akong gripong bukas…kya lagi akong nggicing….anu po kaya ibig sbhin non..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here