Dream Interpretation Online Ang Sikreto ng iyong Panaginip

2
194
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Carolyn tungkol sa hinahabol siya ng itak ng tiyuhin nya.

Dear Maestro, 

Kumusta po Maestro at magandang araw! Napanaginipan ko pong hinahabol ako ng itak ng tiyuhin ko. Ano po ba ang ibig sabihin nito?

KASAGUTAN:

Kapag tumatakbo ka sa iyong panaginip dahil may humahabol sa iyo obvious na interpretation nito ay “may tinatakasan ka” at  maaari rin naman “may kinakatakutan ka.”

Maitatanong mo ngayon sa iyong sarili ay ganito: “Ano kaya ang tinatakasan ko o ano kaya ang kinakatakutan kong bagay, pangyayari o sitwasyon sa kasalukuyan?”

Nangyaring ganyan ang interpretasyon, dahil tandaang “ang basic” o “pangunahing susi o hakbang o pamamaraan sa pagi-interpret ng panaginip” ay nakasalalay sa ganitong premise o katotohanan: “Na ang bawat pangyayari, at ang bawat tauhan, ganon din ang anumang bagay na nakikita natin sa ating panaginip, dili’t iba – tayo rin yon, o ikaw din iyon na nanaginip!”

Isang tipikal na halimbawa nito Carolyn ay tulad ng iyong panaginip sa kasalukuyan na: “May humahabol sa iyo at ang humahabol sa iyo ay ang tiyuhin mo.” Pero sa totoong buhay, sa talaga at aktuwal na pangyayari sa kasalukuyan sa “walking life mo”, – sarili mo rin ang humahabol sa  iyo!

“Bakit ka naman hinahabol ng sarili mo?” – Ang isang option na nais mong itanong. Nangyaring hinahabol ka ng sarili mo dahil tulad ng nasabi na, “may tinatakasan ka o may ayaw kang gawi sa ngayon, na nais ipagawa sa iyo ng unconscious self mo.”

Kaya nga sa panahong nanaginip tayo na may humahabol sa atin, ito ay “time” o sandali sa ating buhay” na dapat nating ipatupad ang malalim na pagninilaynilay or inner reflection kung saan, sumandali tanungin natin ang ating sarili ng ganito:

Una, may dapat ba akong gawin nitong mga huling araw na iniiwasan kong gawin? Kung may roon, mas maigi o mas mainam na gawin mo, dahil ito ang nais sabihin ng unconscious self mo, o ito ang dinidikta ng inner self mo, “gawin mo at isakatuparan, ang isang bagay na iniiwasan o kinakatakutan mo at tiyak na kapag nagawa mo ito, ikaw ay magtatagumpay at hindi na uli kailan man hahabulin ng itak ng tiyuhin mo!”

Pangalan, tanungin mo rin ang sarili mo na baka nitong mga nakaraang mga araw ay may ginawa kang pagkakamali o kapalpakan? Kaya naman “nagu-guilty ka” o “may inner guilt ka” at ang “inner guilt na ito” ang siyang nagiging bunga ng ating mga panaginip.

Kung baga, sa mas ipesipik na halimbawa, “kapag gumawa ka ng mali, siguradong-sigurado na mananaginip ka ng katatakutan o isang panaginip na tila may kinakatakutan ka, dahil nga noong walking life mo o noong gising ka ay may ginawa ka kasing kapalpakan o kamalian, na kahit na naitago mo ito o nailihim, hindi mo naman pala ito maisi-sikreto sa inner self mo, kaya naman ito (ang mga mali at palpak na ating ginawa ng walang nakaka-alam) ay kusang nagma-manifest o nabibigyang anyo sa ating panaginip, tulad ng ng mga senaryong “may humahabol sa iyo!”

Kaya nga kapag napagsisihan o natanggap mo na, na mali ang ginawa mo at sinabi mo sa iyong sarili na “hindi ko na uli ito uulitin pa” o kaya naman’y sinabi mo sa sarili mo na “tanggap ko namang mali ang ginawa ko at responsable ako dito” at ito ay “hindi ko naman dyina-justified o pinapangatuwiranan pa”, tiyak ang magaganap, dahil “tinangggap mo ng maluwag sa loob mo ang mga kamalian at kapalpakang nagawa mo nitong mga nagdaang araw o nitong mga nagdaang buwan” sa iyong paghiga sa malambot mong kama, hindi ka na uli mananaginip ng may humahabol sa iyo, mahimbing at magiging masarap na uli ang pagtulog mo!

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

2 COMMENTS

  1. Maestro kumusta n po kayo? Sana naaalala nyo pa po ako. Maestro nanaginip po ang asawA ko na nKasuot ng kwintas habang nglalakad s kalsada ng pag enterasan ng mga nakakasalubong nya marami pong tao s kalsada May daladala po xang tubong plastik (pbc) yun po ang ginagamit nyang proteksyon para di makuha ng iba ang kwintas nya. Pangalawa po namimingwit po ng isda asawa ko pero wala po xang nkuha. Pero nung namingwit ulit xa ang dami pong isda ang nahuli nya. Pangatlong panaginip po napanaginipan nya po ang lolo nya n matagal ng patay. Pero ng titigan nya pabata ng pabata naging kapatid nya ang mukha ng lolo nya n walang salwal at basang basa ng ihi ang likuran. Sabi ng asawa ko s panaginip buhay pa to ntutulog lang humihilik pa. Pero may mga ngsusugal n sa labas 4na barkada nya. Pinaglalamayan n. Maestro lahat po ng panaginip n yan isang gabing panaginip ng asawa ko ang haba n ibaibang eksena. Sana masagot nyo po ang gumugulo s isip nmin. Maraming salamat po. RUSSELL ng italy

  2. Maestro tanong ko lang po… Ano po ibig sabihin ng panaginip qho na maraming aso tapos nagaaway away sila.. Sa panaginip na yun hinahanap qho rin yung anak kong babae.. Pagkakita ko sa anak kong babae ang dami nyang bukol sa mukha..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here