Dream Interpretation Online Ang Sikreto ng iyong Panaginip

0
416
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Jelay ng Bocaue, Bulacan tungkol sa ulap na unti-unting nahawi, biglang nagliwanag, mahabang mesa at mga anghel.

Dear Maestro,

Ganito po ang panaginip ko. Nakatayo po ako sa second floor ng bahay ng old friend ko, then nakatitig po ako sa ulap. Tapos after po nito unti-unting bumukas yong ulap, tapos sobrang nagliwanag. Tapos sa di kalayuan po ay may isang napakahabang lamesa na may mga nakakalat na tinapay sa ibabae yong tila mga tinapay noong panahon ni Jesus. After nito, may nakita ako na isang lalaki na nasa gitna ng table, tapos may mga anghel sa paligid. Ayon, sobrang na-curius lang ako sa panaginip kong ito. Ano kaya ang ibig sabihin nito?

KASAGUTAN:  

Ang panaginip mo Jelay ay tila pangyayari noong gabi ng Huwebes Santo bago dakpin si Jesus ng mga Eskriba at Pariseo at ng mga sundalong Romano upang ipako sa krus.

Ang kaibihan lamang ng iyong panaginip ay may mga “anghel” at yong tagpo ng “bumukas ang ulap, at pagkatapos ay sobrang liwanag.”

Kapag ang panaginip ay “maliwanag” higit lalo kung “ang liwanag”  na iyong napanaginipan ay galing mismo sa langit, ito ay nagpapahiwatig ng “bagong simula.”

Alalahanin sumandali ang nakasulat sa Bible, sa partikular sa Genesis 1:3 na nagsasabing “Let there be light!” Kung saan, sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag!”

Sinabi rin sa Biblia na “Ito ang unang araw!”

At tulad ng nasabi na, “sobrang nagliwanag sa iyong panaginip, upang ipakita ang susunod na mangyayari sa darating na mga araw, linggo o kaya’y buwan, na siguradong magkakaroon ng isang malaking pagbabago sa iyong buhay, sa iyong pagdedesisyon o sa iyong pagpapasya!” At ito ay magiging “bagong simula ng isang bagong yugto na tatahakin mo sa susunod na mga taon o buwan!”

Kailan naman magaganap ang nasabing mga pagbabago? Ito ay sinagot ng iyong panaginip, kung saan, sa iyong panaginip, “Nakatayo ka sa second floor ng bahay ng old friend mo?” na ibig sabihin “two year from now, saktong 2020 magaganap ang nasabing mga pagbabago sa buhay mo!”

Ang susunod na katanungan, kapag nagkaroon na ng pagbabago sa iyong buhay, unti-unting pagbabago, tulad din ng unti-unting pagkahawi ng ulap sa iyong panaginip, saan naman kaya hahantong ang pagbabagong ito?

Tulad ng nauna ng paliwanag “nagliwanag ang paligid” sa iyong panaginip, na ibig sabihin “positibong mga pagbabago ang magaganap sa iyong buhay sa susunod na mga araw, linggo, buwan o taon” . Oo walang kamali-mali at wala ring duda, bonggang-bongga ang magiging resulta,  ang pagbabagong malapit na malapit ng maganap ay ang dudulot ng positibong karanasan, dahil “matapos magliwanag sa iyong paligid may mga anghel ka pang nakita.”

Ano ang ibig sabihin ng “anghel sa panaginip?” Simple lang! Kung saan, ang anghel ay hindi lang “messenger of God” kundi siya rin ay kadalasang ipinapadala ng Diyos sa mga tao, upang ang mga tao ay iligtas o kaya naman’y ang mga anghel bukod sa tagapagligtas ng mga tao, siya rin ay “taga paghatid ng mga magagandang balita” sa isang taong kinasyahan o lubhang pinagpala ng Diyos. Kaya sa darating na mga araw “bigla mo na lang mararamdamang lubha kang pinagpapala ng langit sa hindi mo rin maisip o  sa hindi mo rin inaasahang mga kaganapan sa iyong buhay!”

Kaya sa madaling salita Jelay, nasagot na ang iyong panaginip: “kung saan, kung namumroblema ka man sa ngayon o kung anuman ang iniisip mo, inaadhika o nilalayon, ipinakita ng iyong panaginip sa pamamagitan ng iyong unconscious mind ang susunod na mangyayari, at ang susunod na mangyayari, ay walang duda, magkakaroon ng dahan-dahan pagbabago sa iyong buhay, pero bigla ang magiging impact at ang biglang impact na ito ay siguradong magdudulot sa iyong kapalaran sa susunod na mga taon at buwan ng isang maligaya, masagana, at puno ng mga pagpapalang karanasan.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here