Dream Interpretation Online Ang Sikreto ng iyong Panaginip #279

0
137
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Love hinggil sa umakyat sa mataas na hagdanan at sa tuktok nito ay may pinto at nahulog siya sa loob ng pinto na may mga kakaibang nilalang.  

Dear Maestro,

Magandang gabi po! Tawagin nyo na lang po akong Love. Napanaginipan ko po na may mahabanghagdanan at sa tutok nito ay may isang babaing nagpupumilit na buksan ang isangpintuan para makapasok. Kaya ang ginawa ko po ay umakyat ako at tinulungan kopo siyang itulak yong pinto. Pero noong paghawak ko sa pinto bigla po itongbumukas at nahulog po ako sa loob. Pagkahulog ko po, nakita ko po sa loob angmga puting ulap na nakahalik sa mga magagandang bulaklak at may mga waterfallspo. Tapos yong mga tao puro nakaputi at masasaya po sila. Pero hindi ko ponakita ang kanilang itsura. Tanging halakhak, tawanan at mga tinig lang nilapati na puting kasuutan ang aking nakikita at naririnig. Umupo po ako sa maypuno at may isang lalaking lumapit sa akin, sinabi niya po na hindi pa akopuwede doon. Kaya pinalabas nila ako. Ano po kaya ang kahulugan ng panaginipkong ito?  

KASAGUTAN:

Ang iyong panaginip Love ay nahahawig sa isang fairy tales story na isinulat ng English author na si Lewis Carrol na may titulong Alice in Wonderland. Sa istoryang ito ang bidang si Alice ay nahulog din sa isang butas o lungga ng rabbit at siya ay napunta sa isang lugar na may kakaibang daigdig at kakaibang mga nilalang.

Kung saan ang naging buod ng istorya kaya pala napunta si Alice sa nasabing kakaibang daigdig na may mga kakaibang nilikha ay upang wakasan niya ang pamumuno ng isang masamang reyna sa daigdig na ito.

Samantala, ang kakaiba sa panaginip mo Love ay may hagdanan at ang setting o tagpuan ay sa itaas ng hagdanan imbis na sa ilalim ng lupa. Ibig sabihin ng hagdanan, sa partikular ay ang mismong tuktok ng hagdanan ay nagsasabing “darating sa iyong buhay sa malapit na hinaharap na ikaw ay uunlad sa iyong career at makakamit mo ang lahat ng iyong mga pangarap, at magkakaroon ka rin ng isang romantikong karanasan”, ngunit ito ay mangyayari lamang sa sandaling ikaw ay naging matulungin sa buhay, lalo na sa mga matatanda, mga mahihirap at gayon din sa mga kababaihan at sa mga nangangailangan.

“Ang nabuksan ang pinto” ay nagsasabing “mabubuksan ang lahat ng pagkakataon sa iyong buhay sa malapit na hinaharap upang tuloy-tuloy kang umunlad at umasenso, sa partikular nga ay sa iyong career o kung anuman ang inaaturga o pinagkakaabalahan mo sa buhay sa kasalukyan at pagkatapos ng tagumpay sa career ay ang romantikong relasyon naman ang kasunod.”

“Ang mga taong masasaya na nakasuot ng kulay puti” ay naglalarawan ng “kasalan”. At ito rin ay nangangahulugang kapag natupad mo na ang lahat ng iyong mga pangarap at layunin sa buhay, ikaw ay labis na magiging masaya, pero ang kasiyahang ito ay panadalian lamang, dahil sa bandang huli, tulad ng iyong napanaginipan na, “Umupo po ako sa may puno at may isang lalaking lumapit sa akin, sinabi niya po na hindi pa ako puwede doon. Kaya pinalabas nila ako” ay dalawang bagay, una: “matapos kang magtagumpay sa buhay at maging maligaya, makikita mong ang lahat ng tagumpay na matatamo mo ay walang kabuluhan dahil ang higit na may kabuluhan ay ang pagtulong at paglilingkod sa iyong kapwa lalo na sa mga mahihirap.”

Ang ikalawang kahulugan naman ng “Umupo po ako sa may puno at may isang lalaking lumapit sa akin, sinabi niya po na hindi pa ako puwede doon. Kaya pinalabas nila ako” ay maaring sa kasalukuyan ay hindi ka pa handa upang umunlad, sumagana at lumigaya, kaya pinapaalalahanan ka ng iyong unconscious self na “ang pinaka-mabuti mong magagawa, ay iprepare mo muna ang iyong sarili. Halimbawa, kung gusto mong umunlad sa career, magdagdag ka ng skill o kaalaman o mag-training ka pa, o kung hindi man, dagdagan mo pa ang iyong pagsisipag at pagsisikap sa kasalukuyan, dahil sa ganyang paraan lamang matitiyak mo ang isang maunlad, masagana at maligayang kapalaran habang buhay.”   fffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here