Dream Interpretation Online Ang Sikreto ng iyong Panaginip 278

14
1210
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Jessa hinggil sa “may nag-propose sa kanyang isang lalaki sa panaginip” kahit na sa ngayon ay wala naman siyang boyfriend at masasabing bigo siya sa pag-ibig.

Dear Maestro,

Hello po. Nanaginip po ako na may “lalaking nag propose sa akin” pero wala naman po akong boyfriend sa ngayon. Sa kasalukuyan ako po ay bigo sa pag-ibig. Ano po ba ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?

KASAGUTAN:

Karamihan sa ating mga napapanaginipan ay bunga ng ating mga pangarap, adhikain, ninanais at ginugusto sa buhay na hindi naman natutupad sa katotohanan, kaya ito ay “totoo at talaga namang nangyayari sa ating mga panaginip” habang tayo ay natutulog.

Kapag ganito ang panaginip, “yong gustong-gusto mong mangyari sa katotohanan ay nagkatotoo nga sa iyong panaginip” ito ay ang tinatawag na isang klase o isang uri ng panaginip na common o pangkaraniwan na, na kung tawagin ay “wish fulfillment dream”.

Ang ibig sabihin ng wish fulfillment dream tulad ng nasabi na “tinutupad ng unconscious self ng isang tao ang mga gusto at kahilingan ni conscious self” sa panahong tayo ay natutulog. Kaya nga madalas nating sinasabi na “kapag natulog ka ng gutom, malamang na makapanaginip ka ng pagkain o kaya’y makapanaginip ka na ikaw ay kumakain.”

Ganon din ang tipikal na nangyayari sa katulad mo Jessa na walang boyfriend, kapag inisip mo ng inisip bago ka matulog na magkakaboyfriend ka na, maaari ito ay mapanaginipan mo at magkakatotoo sa iyong panaginip na magkaka-boyfriend ka nga na natulad ng nasabi na ay parang totoong-tooo.

Pero ang mas “climax” o mas importanteng tanong ay ganito, na hidni mo naitanong pero itatanong ko para sa iyo, “pupuwede kayang magkatotoo ang mga panaginip na may kaugnayan sa wish fulfillment sa totoong buhay?”

Sakto ang sagot: “Puwedeng magkatotoo sa aktuwal na buhay ang mga panaginip na may kaugnayan sa wish fulfillment kung ito ay iisipin mo ng iisipin sa loob ng siyam na araw na sunod-sunod o walang liban hanggang sa ito ay iyong makatulugan.”

At upang ito ay talagang magkatotoo, kailangang ispesipik ang “subject mo” na ngangahulugang mayroon kang tinatarget na lalaki na magiging boyfriend mo. Ang ritwal na ito ay para ding ikaw ay  “nananalangin” pero ang kaibihan nito sa “prayer” o “pagdarasal na sana ay magka-boyfriend ka” ay iniisip mo talaga ito hanggang sa makatulugan.

At dapat ay ispesipik na kahilingan na uulit-ulitin mo sa iyong sarili ang ganitong halimbawa: “Sana ay magkaboyfriend na ako sa darating na pasko, at kahit sinong lalaki pa ito na bigay ng tadhana ay tatanggapin ko!”

Kapag ginawa mo yan Jessa, uulit-ulitin mo lang na ibulong at sabihin sa unconscious self mo ang nasabing “mantra o ritwal” magugulat ka pa, kung bigo ka man sa ngayon sa larangan ng pag-ibig, sa paskong darating abot na abot pa, “magkakatotoo ang panaginip mo, may magpo-prose nga sa iyo, magkaka-boyfriend ka at sa larangan ng pag-ibig habang buhay ka ng magiging maligaya!”

14 COMMENTS

  1. Hello po
    Gusto kolang po sana malaman ang kahulogan ng panaginip nag pregnancy test daw po ako tapos positive po ang result pero parang balewala lang po sa asawa ko na nakaupo po sa sasakyan pinaandar pi nya yog sasakyan at iniwan po akoiniwan po ako. Sana po masagot nyo. Salamat pi

  2. Hello po

    Nanaginip po qko na nakapulot ako ng gintong kwentas na pendant ay bilog na sto. Nino lumingon daw po ako at sinabi kong akin to tapos sinuot ko na po sya.

  3. Hello po.. Nanaginip po ako kagabi nagduduyan ako kasama anak ko. .tapos bigla ako napatae at wala akong magawa kundi saluhin yung pagkadamidaming dumi sa kamay ko. .anu po kaya ibig sabihin nun?

    • may dumating ba sayong pera o pagkakaperahan? yan ang ibig sabihin ng pagsalo mo sa pagkadami daming dumi sa, kamay mo. ibig sabihin magkakaroon ka ng pera.

  4. Hello! Ask ko lng po kung ano ibigsabihin ng panaginip ko kagabe? Nsa beach kmi at maraming tao. Inaantay po ng lahat ang pag sikat ng araw. Nang lumabas na po ung araw sa tuktok ng bundok nagpalakpakan po ung mga tao at nag fall in line na nakaharap sa dagat at nkatingin lahat sa araw sa taas at nagdadasal po lahat ng mga tao kasama kmi..Tapos nagliwanag na po ang paligid. PLS pkisagot nman po. Thank You.

    • hi, single ka ba? base lng sa sarili ko pagkain tindi o interpretation sa panaginip mo. Meron isang importanteng okasyon kang dadaluhan o maaring mgkaroon kayo ng isang pa okasyon na dadaluhan ng mga, importanteng tao sa life nyo, maaaring pag aasawa o pagpapakasal mo ang ibig sabihin na base sa panaginip mo magiging maayos naman matiwasay at masaya ang magiging life mo.

  5. Nanaginip po kase yung pinsan ko na may karga syang sanggol na walang mukha habang nakaupo sa kwartong madilim tapos po hindi na gumagalaw at umiiyak tapos po bigla syang tumayo at nagdasal. Tapos po sa kwartong madilim na yon may mga nakapaligid or display daw na mga krus at habang nagdadasal sya bigla nakang nagsibaliktaran yung mga krus at nagsimula na syang umiyak nagising lang sya nung pinipilit na nyang ibaba yung karga niya sanggol pero hindi niya pa rin mabitawan.

  6. Hello po. Ano po kya ibgsabihin ng panaginip ko? Nsa jep daw po ako pgkatapat sa may mcdo may isang matandang lalaki na prang sya yta ang may-ari taz sbi nya who can clean the mcdo? Who can clean the front of mcdo? Wla pong nag vovolunter kya ngsalita po ako na i can clean the front of mcdo. Narinig po ng ktabe ko na pasahero din kya cnabi nya dun sa matandang lalaki taz tinanong ako ng matandang lalaki na you can clean the front if mcdo? At sumagot po ako ng yes! Kya bumaba po ako sa jep at lumapit dun sa mtandang lalaki. Tinignan ko ung labas konti lng nman ung basura at dahon kya sbi ko sa isip ko kayang kaya ko to. Pero kala ko un nga ang magiging trabaho ko pero hnd pla dahil ang pinalinisan sakin ay ung batang lalaki pinapaliguan sakin at linisan ko sya. Hbng pnpaliguan ko ung bata sbi ko sa isip ko na asan kya mga magulang nito? Tapos ko sya pinaliguan binihisan ko sya sinuotang ng sandong puti. Pagktpos dahil natuwa ung mtandang lalaki sa trabaho ko bnigyan nya ko ng box na jewlry box na dko alam kung ano laman. Sbi nya un daw ang reward ko dhil mganda ung trabaho ko kya tinanggap ko. Kya lng sbi nya iuwi ko na ung bata. E hnd nman ako ngdalawang isip na iuwi ko ung bata. Kya isinama ko sya sa bahay. Pero bakit ganun pgdating namin sa bahay bkt naging tuta ung bata. Naging isang cute na tuta at kulay puti sya. Dinala ko sya sa kwarto at niyakap yakap ko at nkpglaro ako sknya. Taz iniwan ko sya saglit sa kwarto kc may gagawin sna ako sa kusina. Pgbalik ko sa kwarto narinig kong may nag flush sa cr. Ung pmangkin ko pla. Nkpglaro din pla sya sa tuta. Iniwan ko ulet ung tuta sa kwarto taz lumabas rin ung pmngkin ko at binuksan ung cctv camera pra tignan nya kung ano gngwa ng tuta sa kwarto. Taz pumasok ako sa kwarto at bingyan ko ung tuta ng mansanas. Nkipglaro ako sknya. Taz bakit ganun bgla nlng syang nanigas na prang nmatay sya. Pero ang nsa isip ko bka tulog lng dhil npagod sa kakalaro. Taz nging malungkot daw ako dhil sa ngyare sa tuta. Dumating ung asawa ko at nilibang nya ako. Pinanuod nya sakin ung video na kumakanta ako.

    Maestro ano po kya ibigsabihin ng pnaginip ko? Sna mpansin mo at ung isa ko pang pnaginip na nsa itaas nitong comment. Sna mbigyan mo po ng pansin. Maraming Salamat Po.

    • hi, base on my interpretation medyo masama ang ibig sabihin ng panaginip mo na ito. Hindi ko masasabi dito.

  7. Matagal ko na pong gustong itanong sa inyo please po tulungan nyo po ako malaman kung ano ang ibig sabihi ng dream ko. Nasa 3 to 4 years na pong napapadaan sa panaginip ko ang ex-boyfriend 9 years ago. Sa dream ko nakikita ko syang nakatayo o nakatingin lang sakin mula sa malayo. Wala na kong feelings sa kanya pero sya madalas nagpaparamdam o nangangamusta. Ano po kaya meaning nun? Please po tulungan nyo po ako.
    Parang tulad din po ng isa ko pa pong panaginip na dating classmate ko na di ko naman close eh sa dream ko super close kami. Pero ang totoo wala naman kaming contact matagal na, ni hindi ko nga sila iniisip eh.
    Ano po kayang ibig sabihin nun? Sali’t salitan lang po na ganun ang dream ko. Tulungan nyo naman po ako. Please po. Salamat

    • hi, base on my own interpretation, maaaring hanggang ngayon di ka pa nakakalimutan ng ex bf mo kaya lagi cya ngpapapanaginip sayo my possibility na lagi ka parin nya naaalala. about naman sa classmate mo na di mo ka close pero sa panaginip mo superclose kayo ay tingin ko gusto nya makipaglapit sayo or gusto nya maging close kayo, maybe naalala ka din nya kaya mo cla napapanaginipan.

  8. hi, ask ko lang ano ibig sabihin sa panaginip na nagtatago kau sa isang lugar kc baka mahanap o makita kau ng zombie..prang mga katrabaho ko din mga andon sa dream.at pag makita kaming zombie pinapatay nmin.thanks

  9. Hi po magandang hapon po maestro tanung kulang po sna bakit lage ko po napapanaginipan ex ko po sa ngaun may asawa na sya 2 years na po sya kasal pero lage k sya napapanaginipan gsto nya humingi ng tawad skin pero ayoko ko dahil sa galit ako minsan napanaginipan k nagkukuskos ng lumot ung asawa nya anjan din po ako apat kami babae asawa ng ex k kaibigan ng ex k at kasama k rin po ung kasamahan k sa work ngaun po sinabi ng asawa ng ex k na tatanggalin nya ung singsing nya ayaw pumayag ng ex k pero wala sya nagawa, tinanggal ng asawa nya ang wedding ring nila sabay abot sa ex k napaluha po ung ex k nakatingin lang po ako sa kanila sabay sabi ng asawa ng ex k sa kanya na balikan daw ako ng ex ko tapos po binigyan ako ng mangga ng babae pero hnd k tinanggap sabi ng kaibigan ng asawa ng ex k tanggapin k daw pero hnd kpa rin kinuha ung mangga na wala ng balat kinuha po iyon ng ex k tapos inabot mismo skin saka kpa kinuha tapos sabi ng ex k sakin mahal parin kita tapos umikot po sya sa likod k at bigla ako niyakap ng mahigpit tapos po sa pagkakayakap nya skin sa likod nakatulog sya habang nakalaylay na ang ulo nya naawa ako at binuhat k sya tapos umalis kami habang kinakarga k sya maestro kaylangan k po ng sagot tawagin nyo nlang ako sa pangalan na BEBI NG QUEZON CITY SALAMAT PO

  10. hi, base on my own interpretation sa panaginip mo yung zombie po ay sumisimbolo sa problema, may, mga, oras na tinatakbuhan mo ang problema at meeon din naman oras na hinaharap mo ang mga problemang dumarating sa iyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here