Dream Interpretation Online Ang Sikreto ng iyong Panaginip #276

0
288
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Mrs. Tabudlong hinggil sa namumulot ng mga barya, naligaw ng daan at isang lugar na parang squatter.

Dear Maestro,

Simula po noong bata pa lang ako sa panaginip ko ay may pinupulot daw po akong pera na barya, tag-2.00 at 10.00 pesos, minsan po ay nasa ilalim na ng lupa pero mababaw lang po ang mga barya, marami pong coins. Tapos minsan nakakaabot ako sa dulo sa may kawayanan at marami rin po doon na mga barya at bills na tag-20 at 100 pesos. Ano kaya ang meaning nito?

May isa pa po akong panaginip, lagi ko pong napapanaginipan iyong isang masikip na lugar, parang squatter, at yong daan lagi akong naliligaw, kung saan-saan. Pero noong pang-apat ko ng panaginip, nalaman ko na rin yon tamang daan, at naabot ko na yong patag. Medyo paakyat po kasi yong daanan na ‘yon. Ano po kaya ang ibig sabihin ng mga panaginip kong ito?

KASAGUTAN:

Kapag nakapanaginip ng mga pera, ang basic rule, na dapat tandan ay higit na mapalad mapanaginipan ang perang barya or coins, kaysa sa perang buo o papel.

At dahil pareho mo itong napanaginipan, ibig sabihin, sa susunod na mga araw, basta’t “mamulot ka lang hanggang sa dulo ng kawayanan” tulad ng iyong napanaginipan, siguradong susuwertehin ka sa iyong buhay, uunlad at magiging masagana ang inyong kabuhayan.

Ang ibig sabihin kasi ng “hanggang sa dulo ng kawayanan” ay iyon nga, sa panahon ngayon kailangan mo pang magsikap at magsipag, upang sumagana ang inyong kabuhayan, kaya naman sa iyong panaginip makikitang “may bahagya ding nakatabon na lupa sa ilang mga barya na iyong pinupulot” na tulad ng nasabi na, ito ay mga pahiwatig na sinasabi ng inyong unconscious self na “ituloy mo lang ng ituloy ang iyong ginagawang mga pagsisikap ngayon, dahil sa bandang huli, uunlad ka rin, sasagana at yayaman.”

Yon namang lugar na parang “squatter” sa iyong panaginip, ang kalagayan mo sa buhay ay inilalarawan nito, na ibig sabihin “hindi ka pa gaanong maunlad o medyo mahirap lang ang kalagayan ng buhay nyo sa ngayon!”

Samantala yon namang panaginip mo na “naliligaw ka kung saan-saan at hindi mo malaman ang tamang daan”, ang ibig sabihin nito, sa kasalukuyan ay “walang pang tiyak na direksyon ang iyong buhay at hindi mo pa alam kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari at ang gusto mo talagang gawin sa iyong buhay.”

Pero mapalad ka pa rin dahil noong bandang huli sa ika-apat mong panaginip “ay natuklasan mo rin o nalaman mo rin ang tamang daan at hindi ka na naligaw!”

Ibig sabihin anuman ang mangyari sa iyong buhay sa ngayon, sa iyong mga pagsisikap, sa iyong mga mithiin o kung anuman ang gusto mong gawin, sa bandang huli, matatagpuan mo rin ang “tama at saktong daan, hanggang marating mo ang sakto mo rin patutunguhan, at ang patutunguhan mo ito ay ang isang maunlad, maalwan at maligayang kapalaran habang buhay.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here