Dream Interpretation Online Ang Sikreto ng iyong Panaginip #275

1
398
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Lhen tungkol sa bigas, malaking bahay, tae at namimitas ng mga bilog-bilog na prutas.

Dear Maestro,

Good day po Maestro! Nais ko lang pong bigyan nyo ng kahulugan ang panaginip ko. Ganito po kasi iyon: Una, naliligo daw po ako sa banyo, pero imbis na sabon po sana ang gagamitin ko ay naging bigas daw ang ginagamo ko.  

Pangalawa naman pong panaginip ko ay nasa malaking bahay po ako don sa dating amo ko. Tuwang-tuwa daw po ako kasi sa dami ng nabili ng dating amo ko na bigas, sako-sako daw po na nakahirera ng dalawahan. Sabi ko pa daw po, “ito ang magandang bigas, dahil buo-buo ang mga butil.” Tapos pumunta daw ako sa CR para maligo kaso may nakapuwesto sa loob na dalawang puting mesa na bilog at yong upuan din ay bilog din. Tapos bahay daw sa sahig at may nagkalat at nakalutang na mga tae. Kaya hindi ko na lang itinuloy ang balak ko na paliligo sana.

At last po Maestro kagi din akong nakakapanaginip na namimitas ako ng mga prutas na puro bilog.

Salamat sa time ng pagbasa nyo at sana masagot nyo ang aking mga panaginip.

KASAGUTAN:

Sa totoo lang Lhen kapansin-pansin na puro magaganda ang kahulugan ng mga bagay na humulagpos at tuluyang lumutang sa iyong panaginip tulad ng “bigas, malaking bahay, tae at mga bilog na prutas”,  at tulad nga ng nasabi na, ang lahat ng ito ay may positibong kahulugan.

Una ang bigas, tulad din ng trigo at palay ito ay sumisimboliko ng kasaganaan. Kaya naman walang duda, sa kasalukuyan tunay na tunay, nasasagap ng unconscious self mo ang paparating na kasagaan sa iyong buhay at pinapauna na nito ang pahimakas sa pamamagitan ng iyong mga panahinip.

Dagdag dito ang mga naka-hererang sako-sakong bigas na dalawahan ay tanda naman na hindi mauubos ang dating ng iyong suwerte at magandang kapalaran na magsisimula sa taong ito at magtutuloy-tuloy hanggang sa susunod na taon.

Pangalawa, ang tae ay halos ganon din, may positibong kahulugan, kung saan, ang tae sa panaginip ay sumisimbolo sa pera at salapi. Ibig sabihin sa susunod na mga araw, siguradong-sigurado bigla kang makakahawak ng pera, na hindi lang pera, kundi “malaking halaga ng pera” na halos nakakalat lang din sa iyong silid o sa iyong bulsa. Pero dahil “nakakalat ang tae” sa iyong panaginip ito ay babala na “kung sakaling magkakapera ka, mas makabubuting mag-ingat ka sa paggasta, dahil baka nga magkapera ka ng malaking halaga, pero agad-agad mo ring ito mauubos.”

Habang ang mga bilog na prutas naman na iyong pinipitas sa iyong panaginip ay iniinterpreta ng ganito: “Tandaang ang bilog ay isa sa pinakamapalad na hugis na sa sandaling napanaginipan ay nagpapahiwatig ng “completeness at eternity”. Nanangangahulugang “darating ang panahon sa iyong buhay na mamimitas ka ng suwerte at ang mga suwerteng pipitasin mo, tulad ng mga bilog na prutas ay hindi na mauubos kailan man!”

Habang ang malaking bahay naman ay ikaw mismo! Kung saan, darating ang panahong “magiging malaki kang tao, at hindi lang magiging malaki kang tao in term of influence, bagkus magiging malaking tao ka, in term o money o pera, na nangangahulugang, bukod sa magiging maimpluwensiya kang tao, matutupad din ang lahat ng malalaki mong mga pangarap sa buhay hangganggang sa tuluyan kang yumaman ng yumaman ng napakayaman talaga.”

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

1 COMMENT

  1. Dear Maestro Kmuzta po.. Bakit bihira ka nlng po sumagot ng mga panaginip? Maestro ung pnaginip ko po kagabe ang weird. May dalawa daw po akong bf na isang koreano at isang pinoy na detective. At mgkasabay pa kmi mgdate sa isang resort. Ang ksama ko po tlga ay ang koreano tapos iniwan ko muna daw po sa room ung bf kong koreano. Taz pumunta daw po ako sa room ng isang bf ko na detective. naligo daw po kmi sa dagat taz biglang ngkaron ng mlaking alon. Natakot po ako kya umakyat agad ako sa pampang taz nakita kong naabotan ng mlaking alon ung bf kong detective at sobrang ngalala ako kc bka nalunod sya dhil prang tsunami po ung alon. Pero mayat maya nman ay umahon bf ko at tinawag ko na sya pra bumalik na sa room. Pagkatpos po iniwan ko sya sa room nya at pinuntahan ko nman ang bf kong koreano. Inaayos po nmin ung lock ng room kc prang sira. at ngpahinga lng kmi sa kwarto. Tapos naisipan ko po lumabas ulet pra bumile ng pgkaen. At binigyan ako ng pera ng koreano na dko mlman kung yen o dollars ba un basta kulay green at 6 nklagay. na prang 6$ po yta o 6 yen. Pagtpos po lumabas nko at nakita ko ung isang bf kong detective msama ang tingin nya sakin na prang galit kya umatras po ako at bumalik sa room ng koreano. Tapos tinex ko po ung secretary ko na bka kung ano na cnasabi nya dun sa detective kya ngalit sakin. Sabi nya ang dami nga daw tanong sknya di daw nya masagot. Tapos bgla nlng clang dlawa npapunta sa kwarto nmin ng koreano na prang magic na bgla nlng sumulpot ung secretary at bf na detective. Taz sbi ng secretary o ayan dko kc msagot ung mga tanong mo kya ngaun ikaw na humusga sbi nya sa detective. Nagulat po ung koreano sa pgsulpot nila tapos ako bgla daw akong tumakbo plabas. Ang weird po Maestro bakt kya ako nnaginip ng ganun e sa totoong buhay po ung kinakasama ko lng po ung karelasyon ko at wla na po iba. Tsaka bkt po kya mga ibang tao ung mga ksama ko sa pnaginip at hnd ung knksama ko?? Hnd ko po mga kilala ung mga tao sa pnaginip ko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here