Dream Interpretation Online Ang Sikreto ng iyong Panaginip #272

3
437
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Jhanna, tungkol sa may ka partner siya, pero napanagipan niyang bukod sa kanya ay may ibang boyfriedn o kaulayaw ang kapartner niyang ito.

Dear Maestro,

Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko na yong partner ko po ay may iba pa pala siyang boyfriend? Ako po ay isang lesbian. Iyak daw po ako ng iyak ng malaman ko na may iba pa daw pong boyfriend iyong partner ko. Ano po ba ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?

KASAGUTAN:

Kapag sa panaginip mo ay may ibang kinakalantari, o sabihin na lang nating “may iba pang ginusto, minahal o inaturga” ang boyfriend mo, ang asawa mo, ang girlfriend mo o ang kasintahan mo, ito ay patunay lamang na inihahayag ng unconscious self mo kung gaano mo kamahal ang kapartner mo.

Kung saan, kaya ka nananaginip na may iba pang kasintahan o may iba pang mahal ang kapartner mo ang totoo kasi nito, natatakot at nababahala ka na baka siya ay mahablot o makuha ng iba.

Ito rin ay patuloy na mahal na mahal mo ang kapartner mo at ayaw mo siyang mawala sa buhay mo, kaya naman nanakanip ka ng mga “bagay na ikinatatakot mo” at isa nga dito ay “ang panaginip mo na may iba siyang boyfriend.”

Bukod sa kaya ka nanaginip na may iba pang boyfriend ang kapartner mo ay dahil nga mahal mo siya at natatakot kang mawala, ang isa pang tanong ay bakit naman “may takot” ang unconscious self mo?

Kaya may takot ang “unconscious self mo” marahil sa kasalukuyan ay hindi pa lubos ang “caress, ang pagkalinga, ang pagaalaga o pagmamahal mo sa ka partner mo. Kaya nga kapag tuluyang nalubos at nahusto ang pagmamahal mo sa kapartner mo, ibig sabihin ay 100% pinagkaloob mo na ang “the best mo sa kanya, tunay ngang wala kang tinirang reserbasyon, sa puntong ito malamang na hindi ka na managinip pa na may ibang boyfriend o may ibang kaulayaw ang kapartner mo.

Ang isa pang dahilan kaya ka nanaginip na may ibang boyfriend ang kaparnert mo ay maaaring siya naman ang hindi lubos o hindi husto ang pagmamahal sa iyo. Ibig sabihin, dahil nag-aalinlangan ka sa katapatan at pagmamahal ng kapartner mo sa iyo, nanaginip ka tuloy ng kung ano-anong negatibong bagay, tulad nga ng panaghinip mo na may iba siyang boyfriedn o kaulayaw.

Subalit tulad ng nasabi na, sa sandaling nahusto ang tiwala at pagmamahal mo sa kanya at ganon din naman siya sa iyo, nahgusto ang tiwala at magmamahal nya sa iyo, walang duda, sa iyong pagylog, hindi mo na mapapanaginpan pang may ibng boyfriedn ang patrner mo, sa halip, sa pling niya habang magkayakap kayong dalawa, mahi,mbing at masarap ka ng makakatulog na  naghihilik pa.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

3 COMMENTS

  1. Nanaginip po ako last night, my head was bleeding and I asked my GF the reason why but she just ignored me. It was my lola who passed away 2 years ago, answered my question. Sabi lang nya sa dream ko, something wrong with my body condition. Weird lang. Ano po ibig sabihin ng dream ko? Looking forward to your reply. Thanks.

  2. Dear Maestro,

    Ano po ibig sabihin ng panaginip ko na umakyat kame ng hagdan ni bf ko tapos mag kahawak kamay po kame tas may nakaka salubong kameng mga sakristan, medyo takot po ako dahil tirik masyado yong hagdan pero nong mag kahawak kame ng kamay nawawala po yong takot ko. sobrang taas po tas pag dating namen sa taas nakakatakot dumungaw..tas nagising po ako bigla..

  3. Dear maestro,
    Ano po ang inig sabihin ng panaginip ko. Napaginipan ko po ang auntie ng asawa ko at meron daw po ako 30pesos at dinivide ko raw po sa tatlo.. 8,16,24 at binigay sa auntie ng asawa ko. Ano po kya ang ibig sabihin nun sir? Maraming salamat po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here