Dream Interpretation Online Ang Sikreto ng iyong Panaginip # 271

0
354
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Chenggai tungkol sa umiiyak at sa panaginip niya ay parang may masamang mangyayari.

Dear Maestro,

Magandang araw po sa iyo at sa mga makakabasa nito. Tawagin nyo na lang po akong Chenggai. Itatanong ko lang kasi ibig sabihin ng panaginip ko. Sa panaginip ko po ay parang may masamang mangyayari, pero wag naman sana. Isa po kasi akong OFW.

Ngayong araw na naman na ito nanaginip na naman ako na umiiyak at nagising na lang po ako na nakahagolgol na ako sa pag-iyak.

Minsan natatandaa ko kung ano ang panaginip ko pero minsan ay hindi. At may ibang panaginip ako na kasali yong mga namatay na na relatives ko, pero hindi ko lang talaga maisip kung ano ba ang dahilan at ano ba yong panaginip ko na iyon. Yong iba namang panaginip ko ay para bang bumalik na parang napanaginipan ko na yong dati pa at bumalik lang.

Tapos pagising ko nakaiyak na naman ako at hindi ako masyadong makahinga. At lagi kong naiisip ang pamilya ko sa ‘Pinas na sana ay okey lang sila.

Minsan pagkakain ko ay nagpahinga naman ako ng mga 16 minutes, relaks naman ako bago ako matulog sa hapon, e umatake yong panaginip ko na yon. Kaya please po sana matulungan ninyo ako kung ano ang meaning ng mga panaginip kong ito na matagal ko ng gustong malaman. Maraming salamat po sana masagot nyo at mapayuhan nyo rin ako.

KASAGUTAN:

Wala ka namang naiibigay na ispesipik o saktong sitwasyon na nangyari sa panaginip mo, gayong kay haba-haba ng email mo Chenggai.

Ganon paman, isa lang ang malinaw, “nanaginip ka sa ngayon ng tila masama ang mga pangyayari o may masamang mangyayari na tila sobrang nagatibo at nakababahala ang iyong mga panaginip” na kung saan, nangyayari ang lahat ng ito habang ikaw ay nasa ibang bansa sa kasalukuyan.

Sa madaling salita, malinaw na ang mga dahilan ng mga nakababahala at nakatatakot mong panaginip, aminin man natin o hindi kaya ka nagkakaganyan sa ngayon dahil ikaw ay naho-home sick sa pamilya mo na narito sa ating bansa.

Kaya para mawala ang masasama mong mga napapanaginipan, dapat ding mawala muna ang pagka-home sick mo sa sarili nating bayan, sa partular sa iyong pamilya.

Narito ang mag simple hakbang upang mapanatag ang iyong kalooban habang ikaw ay naghahanap buhay dyan sa ibayong dagat:

Una, isipin mong kaya ka nandyan ay para magtrabaho hindi para mag-alala sa iyong pamilya na naririto sa ating bansa.

Pangalawa, isipin mong ligtas at lagi namang maayos ang buhay namin dito sa Pilipinas, kahit sabihin pang walang pera o mahirap lang ang inyong pamilya dito sa Pilipinas.

Pangatlo na pinakamahalaga sa lahat, kailangang makaisip ka ng mapaglilibangan dyan sa abroad, upang sa ganon,  imbis na maibuhos mo ang iyong oras sa pag-aalala ay sa makabuluhang libangan mo ito maiukol.

Kung saanm, ang ilan sa mahalhalagang libangan na puwede mong gawin upang mabawasan ang pagka-home sick mo ay ang magbasa ng mga libro, manood ng mga movies, mamasyal, makipagkuwentuhan sa mga kaibigan at kamag-anak, mag laro ng paborito mong games sa cell phone o sa tablet at marami pang iba.

Sa sandaling nagawa mo yan, nakapaglibang ka na at nawala na ang iyong home sick, makikita mo Chenggai, hindi ka na dadalawin ng masamang panaginip, sa paghiga mo sa iyong kama, magiging masarap na ang pagtulog mo at mahimbing na mahimbing.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here