Dream Interpretation Online Ang Sikreto ng iyong Panaginip

0
421
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Grace tungkol sa ipis na pumasok sa kanyang puwerta at sa kanyang tenga.

Dear Maestro,

 Good day po! Dalawang beses na po akong nanaginip ng ipis. Una, ay pumasok daw yong ipis sa aking puwerta. At pangalawa naman pong beses ay pumasok naman sa tenga ko yong ipis. Pinilit ko raw itong paalisin sa pamamagitang ng pagbuga ng usok ng sigarilyo. Ano po ba ang ibig sabihin nitong panaginip kong ito? Hindi nyo naitatanong kasalukuyan po patay ang biyenan ko at nagkita kami ulit ng asawa ko na hiwalay na kami ng 12 years. May kinalaman po kaya ito sa panaginip ko? Good luck po at more power sa inyo!

KASAGUTAN:

Ang “sigarilyo lalo na at may baga” ay itinuturing na “phallic symbol”,  (unconscious representation of penis) na ibig sabihin sa malalim na pagaanalisa, may kaugnayan sa pagka-miss mo sa sex ang iyong panaginip.

Samantala, dahil ang ipis ay isa sa marurumi at nakadidiring insekto, masasabing sa panaginip ito ay babala ng isang paparating na “senaryong hindi magiging malinis o hindi magiging maganda ang kauuwian.” Kung baga, isang senaryo ang maaaring mangyari na medyo pepestehin ang buhay mo, babaho ang sitwasyon at ito ay babala rin na magiging maipis o marumi ang karanasan.

Kaya nga kung hindi ka naman dati nanaginip ng mga “ipis” sa halip ay ngayon ka lang na naginip ng ipis na sa kasalukuyan ay “patay ang biyenan mo at nagkita pa kayo ng asawa mo na nagkahiwalay na kayo for almost 12 years” malinaw ang pinahihiwatig ng iyong panagip, “kung may kinakasama ka na sa ngayon o sabihin na lang nating kung maligaya ka na sa ngayon sa buhay mo kahit wala ang dati mong asawa, ang iyong panaginip ay babala o pahiwatig na hindi ka na dapat pang makipagbalikan sa “ipis” o sa dating marumi at malungkot na buhay mo sa piling ng dati mong asawa.”

Ibig sabihin o sa madaling salita kung matagal ka ng nakapag-move on, sa nangyaring paghihiwalay ninyo ng iyong asawa, hindi mo na dapat isa alang-alang pa ang pakikipagbalikan sa kanya, o isipin o isa alang-alang pa na muling buuin ang iyong pamilya, dahil kapag nangyari yon, tulad ng nais sabihin ng unconscious self mo na pinahiwatig sa iyong panaginip, kung ibabalik ang dating sitwasyon, na kayo pa rin ng mister mo, “papasukin ng ipis ang iyong puwerta at tenga”, na ngangahulugang muling babaho, muling dudumi at muling magkakapest-peste ang buhay mo sa sandaling nakipag-balikan ka sa iyong asawa.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here