Dream Interpretation Online 277: Ang Sikreto ng iyong Panaginip

1
405
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Jade tungkol sa nahulog na bituin sa tubigan. Kinuha niya ito at binalot sa t-shirt pero wala pa rin itong tigil sa pagkinang at kahit saan siya pumunta ay kasakasama niya ito.  

Dear Maestro,

Nanaginip po ako tungkol sa pagbagsak ng bituin sa may tubigan. Natanaw ko po yong pagbagsak at kumikinang-kinang kaya ginawa ko po ay lumabas ako ng bahay at pinuntahan ko yong bituin kung saan bumagsak, dinampot ko po ito. Hindi natigil ang pagkinang binalot ko sa dulo ng aking t-shirt at tinalian ko po ng goma. Tapos lagi ko po syang kasakasama saan man ako magpunta. Ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip kong ito? I’m 40 working from Hongkong.  

KASAGUTAN:

Kapag ang isang bagay na iyong napanaginipan ay kumikinang, dalawang bagay ang ibig sabihin nito:  Una, “susuwertehin ka sa aspetong pang-pinansyal” at bukod sa suwerte, kung saan, dahil kumikinang-kinang ang nasabing bagay, ito rin ay nagbabadya na “kaligayahan!”

Sa madaling salita, dahil pinulot mo ang isang bagay na kumikinang “sa malapit na hinaharap magtatamo ka ng suwerteng may kaugnayan sa salapi o financial na kasaganaan na magdudulot sa iyo ng walang kahulilip na kaligayahan.”  

Samantala dapat din namang bigyang pansin na ang bagay na kumikinang na iyong napanaginipan ay hindi pangkaraniwang bagay, sa halip ito ay “galing sa langit, kung saan, ito ay isang bituin o bulalakaw.”

Ibig sabihin, ito ay isang “falling star or shooting star” at alam naman nating lahat na kapag may “falling star or shooting star” tayong nakita sa langit sa kadiliman ng hating gabi at at  bigla tayong nag-wish, ayon sa mga matatanda, “matutupad” ang anumang hilingin natin.

Kaya nga ang panaginip na “pinulot mo ang shooting star” at lagi mo na itong dala-dala saan ka man magpunta ay isang napakalinaw na pahiwatig ng iyong unconscious self na hindi lang ngayong kapaskuhang darating kundi sa buong buhay mo, mula ngayon ay hindi ka na hihiwalayan ng suwerte at magagandang kapalaran basta’t maniwala ka lang at manampalataya sa hiwaga ng “tala sa umaga” na siya ring nirerepresenta ng “maningning na talang tumatanglaw” sa sabsaban na nagpapahiwatig ng “isang masaya at masaganang kapaskuhan!

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

1 COMMENT

  1. Good morning Po nanaginip Po aq maestro Ong tungkol Po sa NASA building Po AQ dun s dati qng trabaho s tutorial center Bali s likod Po nito dun kme nag huhugas Ng mga pinggan tapos may binabad daw aw n mga Tupperware ata un un Iba parang kawali KS un iba kelangan xia ibabad KS parang nasunog un niluto dun tas un cr dn Po dun Ang daming lumalabas n babae akala q Po Isa lng un nag cr tas lumabas cla Paisa isa Ang dami nila tas AQ tawang tawa KS panu cla nagkasya dun tas Po nun umalis n cla tas Andun dn Po un bf q s center inaantay AQ tas nag cr dn Po xia un nag ccr Po mejo pawis npo xia hirap n hirap pro Kaya lng daw Po tas may naamoy daw Po xia n parang sunog sbe q wla nman AQ nkkta tas tumingin AQ dun s labas malapit lng dn Po dun san kme nag huhugas s baba may naka salang n malaking kawali n Ang laman mga manok un tandang Po kumakain cla Ng bigas Ang dami pong bigas tas s ilalim Po nun may apoy parang wla lng nman Po s knela ok lng cla hnd CLA nasasaktan kumakain pren cla aun cnb q s bf q Po tas tumingin AQ dun s katabi nmeng building dati Po hnd q xia Kita ei ngaun Kita q n un loob nila Kung saan at cla nag lalaba KS mataas Po un bakod nila ngaun Kita q n may lalaking nag lilinis so tumaas Po un building nmen Anu Po Kaya ibig sabhin Po Ng panaginip q Po 28 Po AQ ngaun April 30,1991 Po AQ pinanganak tas Sabi dn Po Ng boyfriend q same day nanaginip Po daw xia n nakakatitig daw Po xia sken naka ngiti lng daw Po xia habang AQ Ang saya saya q daw po tawa lng daw Po AQ Ng tawa. Anu Po Kaya ibig sbhn Po nun Ang bday Po July 2,1995 Po mag 24 plng Po xia. Thank you po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here