Dream Interpretation Isyu 190: Ang kahulugan ng naliligo sa beach

PhilippineOne Daily Dream Interpretation
Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon sa Isyu 190 ang panaginip ni Janice na naliligo sa beach na may malinaw na tubig.

 Dear Maestro,

Magandang araw po. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip na naliligo po sa beach at napakalinaw ng tubig at white sand din po.

KASAGUTAN:

Sa panahong ito ng tag-araw at painit na ng painit ang klima dito sa Pilipinas, isang nakamihasnan at nakagawian ng kultura ng mga Pilipino ang magtampisaw sa gilid ng dagat at maligo sa mga sapa, ilog at batis, ganon din sa iba’t ibang nagagandang public at private swimming pool.

Kaya nga sa panahong ito, tulad ngayong buwan ng Marso hanggang sumapit ang buwan ng Mayo, ay hindi maiaalis na sadyang preoccupied ang ating mga isipan ng “outing at pagsu-swimming” kaya hindi kataka o sabihin na nating normal na ito ay sumagi sa ating isipan bago tayo matulog at maaaring ngang ang mga tagpong ganito ang ating mapanagipan.

Ganunpaman, kahit na “engross o preoccupied” ang ating isipan sa pagsu-swimming kaya malimit itong mapanaginipan, siyempre pa dapat din naman nating bigyan interpretasyon ang nasabing mga panaginip tulad ng panaginip ni Janice.

Muli, tandaang ang paulit-ulit na nating sinesermon o nili-lecture sa ating mga mambabasa, na kapag “nanaginip ka ng tubig” kesyo ito ay“tubig sa gripo na pinampapaligo mo” “tubig sa ilog o tubig sa dagat” ang lahat ng tubig sa ating panaginip ay may kaugnayan sa“emosyon o damdamin”.

Ito kasing “tubig ang kadalasang bumabasa, hindi lamang sa ating katawan, kundi ito rin ang bumabasa sa ating kaluluwa, at kung ikaw ay isang babae, ito rin ang bumabasa sa kaselanang bahagi ng iyong katawan”. At kapag ikaw ay “nakikipagtalik” sinasabi rin ng babae sa kanyang kasukdulan “ay wet na wet” o “basang-basa na” na malapit na malapit na niyang marating ang “climax” o iyong pinakamasarap na sandali ng pagniniig na nagagawa na niyang umungol ng hindi na niya namamalayan.

Anupa’t ang mga nabanggit na paliwanag ay ilan lamang na dahilan kung bakit kapag nanaginip ng tubig ito ay nagpapahiwatig ng “emosyon, damdamin at maaari ring sex”. Depende sa anyo ng tubig at kung paano mo napanaginipan “ang tubig, kung lawang-lawa ka ba, o nabasa ka lang ng bahagya o sadyang nagtatampisaw ka sa sarap?”

Samantala, hinggil pa rin sa tubig, kung saan, ay naalala kong bigla na madalas din nating banggitin, isermon o i-lecture na halos paulit-ulit na:  “na kapag ang tubig sa panaginip ay malinaw, hanggang sa napakalinaw, ito ay nagpapahiwatig ng isang masaya at maligayang damdamin, at puwede rin nating sabihing ito ay nagpapahiwatig ng isang masaya at maligayang relasyon at puwede rin nating sabihing ang tubig na malinaw na malinaw ay nagpapahiwatig din ng isang masarap at very satisfied na sexual intercourse.”

 Kaya nga kung susuriing mabuti ang mga interpretasyong inilahad na sa itaas, lumilinaw na ang kahulugan ng iyong panaginip, Janice,“naliligo po sa beach at napakalinaw ng tubig” ay nangangahulugang “sa susunod na mga araw, magkakaroon ka ng isang masarap at masayang karanasan sa relasyong may kaugnayan sa pag-ibig, sa sex o kaya’y sa damdamin, na sobrang ikatutuwa ng kaluluwa mo at ng buo mong pagkatao.”

Pero may isang tanong na naiiwan, “ano naman ang kahulugan ng dagat sa panaginip?” Depende sa dagat, kung sana, kung ang “setting o lugar ay isang beach” ibig sabihin nito “ay isang romantikong pag-ibig, isang romantikong relasyon o  isang romantikong pagniniig ang iyong mararanasan sa susunod na mga araw.”

At pang huli,  hindi rin nga pala natin dapat kalimutan sa pagbibigay kahulugan ay ang “white sand” sa iyong panaginip na kung saan, ang kulay na puti ay nagpapatiwatig ng “purity at  newness”. Ibig sabihin ang emosyon o ang masayang damdamin na iyong mararanasan sa susunod na mga araw ay “bagong-bagong experience lamang na maghahatid sa iyo sa isang masarap at walang kahulilip na kaligayahan.”  

 More Dreams

3 COMMENTS

  1. Maraming Salamat Po Maestro ang bilis po ng sagot nyo kya nga araw2x ko po tlga inaabangan. Ung una mo pong sagot ay naranasan ko na po..at tama po kau… At ung kahulugan ng white sand un nman po ang inaabangan ko ngaun mlpit na po cguro mangyari. Ang galing galing mo po. Maraming Salamat Po muli and Godbless You. ??

  2. Hello Maestro,
    Paki interpret Po sa panaginip ko.
    May tatlong ahas na sawa, tpos sabay silang nag buntis, Ang isang sawa pinalibutan daw Ang mama ko POS Ang dalawa kong kapatid na babae at lalaki pero nagtawanan lang sila.tapos Ang isang sawa naghukay SA lupa at nagpahinga. Kinagabihan pagbukas ko Ng pinto may tatlong maliliit na sawa SA pintuan may diamond SA likod. Aking sinara Ang pinto Kasi papasok SA bahay. Pero Sabi Ng Papa ko papasukin ko daw. Ano Po ibig sabihin non…
    Salamat Po ng marami.
    Raffy Ng dubai

  3. Diana rose banaag

    Dear maestro,

    Nanaginip po ako na pinipicturan ko Ang moon at habang pinipicturan Ang ganda ng moon ay unti unti itong nagiging araw(sun) at Ang moon ay unti unting bumababa sa lupa at nagulat ako dahil Ang moon ay nagiging isang Tao (Bata) na parang isang anghel na bumaba sa lupa sya po ay nakaputi at papalapit sa akin at nang nakalapit na po sya sakin ay hinawakan ko Ang kanyang kamay at umiyak ako NG umiyak at humingi ako NG tawad sa kanya sa lahat ng mga pagkakasala ko na nagagawa sa buhay at pinunta nya ako sa isang lugar na may malinaw na tubig at kitang Kita ko Ang mga nakadrawing sa ilalim ng tubig na mga makukulay na isda at lumubog ako sa tubig na may kasamang batang lalaki Rin at sa gilid ng tubig ay nandun ang nakaalitan ko na babae nakatalikod sya pero di sya nakalubog sa tubig at may pinaguusapan kame nung batang anghel na nagsakatawang tao.
    Ano po Kaya Ang ibig sabihin ng napanaginipan ko?.
    Yun lamang po at salamat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here