Dream Interpretation Isyu 186 : Ang kahulugan ng kuwintas at krus

3
266
Dream Interpretation Isyu 186 : Ang kahulugan ng kuwintas at krus
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Ang Dream Interpretation Isyu 186 natin ngayon ay ipinadala ni   Nerissa tungkol sa kuwintas na buhol-buhol at may korteng krus na pendant.

 

Dear Maestro,

Ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko na kuwintas na buhol-buhol, tapos inayos ko at ibinalik ko sa dating ayos niya? Tapos sinuot ko saka ko napansin na may pendant pa lang krus ang kuwintas. Salamat po.

KASAGUTAN:

Ang “kuwintas” ay maituturing ding isang uri ng “alahas” at anumang interpretasyon sa alahas ay yon din halos ang hahulugan ng kuwintas sa panaginip.

Sa makaluma o pangtradisyunal na kahulugan, ang alahas sa panaginip ay nagbabadya ng positibong pangyayari. Kung sa iyong panaginip ay may nagbigay sa iyo ng mga alahas ito ay tanda na sa susunod mga araw bibilangin mo ang mga biyayang sunod-sunod na darating ng hindi mo inaasahan.

Kung ikaw naman ay isang babaing may asawa na, ang alahas sa panaginip ay nagpapahiwatig din na magkakaroon ka ng malulusog, matatalino, at mga successful na anak lalo na sa materyal na mga bagay.

Dagdag dito kung talagang lagi o madalas mong napapanaginipan ang mga alahas ito ay nagpapahiwatig ding malapit na malapit na kayong yumaman at sa susunod na mga taon, yong salitang malapit na malapit ng yumaman ay sadya at kusa namang matutupad.

 Kung antique” o lumang mga alahas ang napanaginipan mo pero alam mong mataas ang value o kalidad nito, kung ikaw ay isang babae magkakabalikan kayo ng ex-boyfriend mo at kung ikaw naman ay isang lalaki magkakabalikan kayo ng ex-girlfriend mo.

Kung ikaw naman ang isang dalaga at sa iyong panaginip ay suot mo ang mamahalin at nagagandahang mga alahas, ito ay tanda na sa kasalukuyan maraming mga kalalakihan ang lihim at lantad na humahanga sa iyo.

Sa modernong kahulugan o pang-psychology na interpretasyon ang alahas sa panaginip ay siya mismong simbolo ng katayuan mo sa lipunan. Kapag sa panaginip mo ay nakasuot ka ng alahas, ito ay tanda na darating ang araw sisikat ka at sisikat din ang iyong mga gawa. Kikilalanin ka sa lipunang iyong ginagalawan at makakatanggap ka ng mga pagkilala at parangal.

Pero ang kakaiba sa panaginip mo, Nerissa, “buhol-buhol ang alahas o ang kuwintas na napanaginipan mo” na ibig sabihin, “bago ka lubusang suwertehin at magkaroon ng magandang kapalaran, dadaan ka muna sa mga kahirapan, balakid at pagsubok ng buhay”, na kung saan, “dahil naayos mo naman ang buhol-buhol na kuwintas” ito ay tanda na darating ang panahong gaganda ng gaganda ang buhay mo, uunlad ka hanggang sa tuluyang umasenso at yumaman.

Ang isa pang katanungan na hindi pa nasasagot sa iyong panaginip ay “ano naman ang kaugnayan at kahulugan ng krus na pendant  na nakakabit sa kuwintas sa iyong panaginip?”

Para sa mga sinaunang matatanda sinasabing “ang krus ay nangangahulugan ng kalbaryo, pasakit at paghihirap na tulad ng dinaanan ni Jesus bago siya muling nabuhay.”

Kaya nga kung susundan ang ganitong sinaunang interpretasyon ng mga matatanda, “ang krus at ang buhol-buhol na kuwintas sa iyong panaginip ay magkarelasyon”, ito ay kapwa nangangahulugang “matapos ng mga problema, pagsubok at mga kahirapan iyong naranasan, hindi ka dapat sumuko o mawalan ng pag-asa, dahil siguradong darating din ang “gloria”, magaganap din ang kaligtasan o ang “resurrection”, o ang pagkabuhay na muli –  na nagpapahiwatig ng tuloy-tuloy na pag-unlad, ligaya at kasaganahan.

Ganyang-ganyan nga ang pinahihiwatig ng iyong panaginip na “buhol-buhol na kuwintas na natanggal mo ang pagkakabuhol, na may pendant na krus na iyong isinuot” – ito ay nangangahulugang, lahat ng mga pagsubok ng buhay sa ngayon na iyong nararanasan ay siguardong mapagtatagumpayan mo, na sa dakong huli, tulad ng nasabi na, magaani ka ng kasagaaan at walang kahulip na ligaya.

Samantala may isa pang nais ipahiwatig ang krus sa iyong panaginip, ito ay nangangahulugan ding “anumang suliranin o mga problema ang dumatings sa iyong buhay” ipinapayo ng iyong panaginip, na lagi ka lamang magdarasal at walang sawang tumawag sa Poong Maykapal. Kapag nagawa mo yan, sigurado ang magaganap, ang lahat ng mga problema at balakid na darating sa iyong buhay ay agad mapaparam, upang palitan ng suwerte, magagandang kapalaran at mga pagpapala na tatamasahin mo habang ikaw ay nabubuhay.

Ibahagi mo na rin ang iyong panaginip para mabigyan ni Maestro Honorio Ong ng kahulugan sa kanyang dream interpretation.

Dream Interpretations dito

Palmistry dito

Astrology dito

Horoscope dito

3 COMMENTS

  1. dear maestro nais ko po uli sana ipa interpret ang aking panaginip kung ano po ibig ipahiwatig nito ganito po kc un…nanaginip dw po aq n nasa loob dw po ako ng bahay pagktapos daw po inaayos ko daw po ung buhok ko bigla nlng po nkita ko n hawak ko dw ung ulo ko s harapan ko at inaayos ko dw ung buhok ko itinatali paikot….ngtaka daw po ako bkit nsa harap ko ung ulo ko tumingin dw po ako s salamin nakita ko daw po sarili ko n wala daw po ulo at hawak ko nga daw po….ang kakaiba p po sa panginip ko me lalaki dw po s likuran ko bale x po ung kausap ko at kasama s bahay tapos daw o habang nsa harap ng salamin nkita ko daw n sinusuklay nia po ung buhok ko samantala wla nman aq ulo dhil hawak ko nga po….ano po kya ibig sbihin ng panaginip ko po ito marami salamat po….

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here