Dream Interpretation Isyu # 185 : Laging napapanaginipan ang kaopisina at kaibigan

0
127
Dream Interpretation Isyu # 185: Laging napapanaginipan ang kaopisina at kaibigan
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Ang Dream Interpretation Isyu # 185 natin ngayon ay ipinadala ni  Maja tungkol sa lalaking nagngangalang Kenneth na kaibigan niya at kasamahan din sa trabaho. Ayon kay Maja, nagtataka siya kung bakit ang lalaking ito ay lagi na lang nagiging bahagi ng kanyang mga panaginip.

Dear Maestro,

Nais ko lang po sanang itanong kung ano po kaya ang kahulugan ng dalawang panaginip ko.

Una, naghihintay daw po kami ng aking mga katrabaho sa isa pa naming katrabaho kasi makikisabay kami sa kanyang kotse. Nang dumating siya’y ipinaubaya niya sa kaibigan kong si Kenneth ang kanyang sasakyan. Sa panaginip ko po ay akala ko ay binibiro ako ni Kenneth na iiwan niya ako. Kaya ‘di ko ako sumakay agad. Siya po ang nagda-drive ng kotse at naiwang bakante ang front seat kung saan ako uupo. Noong makasakay na sa kotse ang iba kong kaibigan at katrabaho  ay bigla na niyang pinaharurot ang kotse. Humabol pero hindi siya tumigil. Nalungkot daw ako sa ginawa ni Kenneth. Pagkatapos noon ay nagising na ako.

Ang pangalawang panaginip ko po ay ganito: Kasama ko rin si Kenneth. Umiiyak daw po siya noong magkahiwalay kami. Habang papalayo raw siya ay nakatanaw kami sa isat isa na malungkot habang paakyat ako ng paakyat sa hagdanan. Pagdating ko po sa tuktok ng hagdan ay nandoon na rin siya. Nag-elevator daw siya. Masaya raw po kaming nagkita pero parang hindi ko masigurado ang mga mata niya kung masaya ba siya o malungkot, kasi parang nangingilid ang kanyang luha.

Maraming salamat po, Maestro, sana masagot at mapansin ang panaginip ko.

KASAGUTAN:

“Sino ba si Kenneth? Ano ba ang kaugnayan mo sa kanya bukod sa  katrabaho at kaibigan mo?”

Sobrang laki kasi ng “ginagampanang dahilan ni Kenneth” kung bakit ikaw ay nanaginip. At sa totoo lang, ang lahat ng panaginip mong ito“ay may iisang dahilan lamang – nananaginip ka dahil kay Kenneth.”

Nangyari, dahil siya mismo ang paulit-ulit na pinupulot ng unconscious mind mo, upang ipaloob sa’yong memorya na kumbaga sa telebisyon ay “paulit-ulit na pinapalabas sa monitor upang mapanood ng natutulog mong sarili.”

In short, gustong-gusto ni “unconscious self mo na makasamang muli si Kenneth, sa bawat pagpikit ng iyong mga mata, sa sandaling naiidlip na ang iyong diwa sa gabing tahimik at sa panahong nananaginip ka na!”

Walang iniwan ang iyong panaginip sa isa sa mga paborito kong Word War 2 movie kung saan, ang plot ay ganito: “Sino ba si Private Ryan? Ano ba ang kahalagahan niya sa mundo at bakit sa libo-libong mga sundalong sumabak sa Normandy invasion ay pilit na pinapahanap ng mga nakatataas si Private Ryan?” Ito ang buod o climax ng kuwento ng popular na movie na pinangasiwaan ng sikat na director  na Steven Spielberg noong 1998, na may pamagat na Saving Private Ryan.

At ‘yan din ang gusto ko itanong, Maja, na ikaw lang ang makasasagot.

“Sino ba si Kenneth sa buhay mo bukod sa siya ay iyong kasamahan sa trabaho at kaibigan? May espesyal ba kayong koneksyon o relasyon bukod sa pagiging magkaibigan lang? Sa aktuwal na buhay o sa walking life, lagi ka ba niyang iniinis, tinutukso o binibiro? May asawa na ba si Kenneth, may girlfriend na ba siya o binata? May gusto ka ba sa kanya o lihim mo ba siyang crush?”   

Ngayon ay analisahin na natin ang iyong panaginip.

Alam mo ba,Maja, sa biglang pagbibigay ng interpretasyon o mabilisang isip, isa lang ang tiyak sa dalawang magka-related o magkaugnay mong panaginip – hindi maitatanggi ang katotohanang may espesyal kang pagtingin kay Kenneth at ang espesyal na pagtinging ito na mahirap pasubalian, ay maaaring ngang sa ngayon mahal mo na rin si Kenneth at ito ang tunay na dahilan kung bakit siya ay iyong napapanaginipan?

Nangyari dahil sa pangalawang panaginip mo ay “umiiyak si Kenneth” (ang totoo ikaw din ang umiiyak) at ang pagpatak ng luha sa panaginip at maging sa totoong buhay ay may tatlong pinatutungkulan, kaya nangyayari ang  phenomena na ito na hindi natin kayang pigilan – ang pagluha.

Una “lumuluha tayo kahit ayaw natin dahil may isang bagay na nawala sa atin na sobrang napakahalaga na iniisip nating hindi na babalik kailanman!”

Pangalawa, na related sa naunang tinuran, “pumapatak ang luha natin sa mga sandaling tayo ay labis na nasaktan o dili kaya’y labis ang ating kalungkutan”.

At ang pangatlong dahilan ng pag-iyak o pagpatak ng mga luha sa mata na hindi natin kayang mapigilan ay “sa pagkakataong sobra at ganap ang ating kaligayahan.” Isang halimbawa nito ay sa mga pagkakataon, may naganap sa ating buhay na isang pangyayaring nagdulot ng sobrang saya na hindi naman natin inaasahan. Ito ang tinatawag na tears of joy o pagluha dahil sa sobrang kaligayahan.

Ngayon ano ba ang naganap sa iyong panaginip, Maja, na nagpapatunay na mahal mo si Kenneth at sobrang mahalaga siya sa buhay mo?

Una, “nang ikaw ay iwanan niya ng pinaharurot niya ang kotse na kanyang dina-drive.” Nang iwanan ka niya “nalungkot ka” pero ang isa pang dapat pansinin sa iyong panaginip “nakalaan ang upuan sa front seat ng kotse para sayo”. Ito ay nangangahulugang “may espesyal kayong ugnayan ni Kenneth sa iyong panaginip” dahil ang totoo lang puwede ka naman sumakay sa likuran pero bakit “ang front seat pa sa kotse ang inilaan sa iyo?”

Sa ikalawa mong panaginip, “Umiiyak si Kenneth ng magkahiwalay kayo. Habang papalayo ay nakatanaw kayo sa isat isa na malungkot habang paakyat ka na sa hagdanan. Ngunit,  ng nasa tuktok ka na ay muli kayong nagkita dahil nag-elevator siya. Masaya kayong nagkita, ngunit may tila nangingilid na luha sa kanyang mga mata.”

Binasa o inappreciate mo ba ng husto, Maja, ang ikalawa mong panaginip? Hindi mo ba naisip man lang na ito ay tagpo kung saan, madalas mabasa sa mga love story sa pocketbook at madalas mapanood sa mga “love story movie” ang scene na nabangit?

“Dalawang pusong nagmamahalang pinaglayo ng hindi sinasadyang pangyayari. Ngunit,  makalipas ang ilang panahon, sa nakabibiglang sitwasyon, sa isang hindi sinasadyang pagkakataon, muli silang pinagtagpo ng tadhana, upang habambuhay na magsama at magmahalan. Nagyakapan sila, habang pumapatak ang mga luha sa kanilang mga mata, larawan ng walang pagsidlan na ligaya.”

Ganoon-ganoon din, Maja, ang posibleng maganap sa susunod na mga araw na “binigyang premonition na ng unconscious self mo sa pamamagitan ng iyong panaginip”, kung magpaparamdam si Kenneth na may gusto rin siya sa’yo at positibo mo itong tutugunin tulad ng nasabi, “magkakatotoo ang iyong panaginip, “sa malapit na hinaharap isang madramang relasyon ang mabubuo, na mauuwi sa isang masarap at kapanapanabik na pagmamahalan.”  

Ibahagi mo na rin ang iyong panaginip para mabigyan ni Maestro Honorio Ong ng kahulugan sa kanyang dream interpretation.

lahat ng panaginip interpretasyon ditto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here