DREAM INTEPRETATION NO. 1: ABANDONADONG BAHAY

0
227

Ang makapanaginip na ikaw ay lumayas sa iyong bahay  o inabandona ito ay nangangahulugan na handa ka nang iwanan ang iyong nakaraan upang makapagsimula ng bagong buhay. Nagpapahiwatig rin ito ng magandang kapalarang paparating.

          Ang abandonado at sira-sira o dilapidated na gusali o bahay ay nagpapahiwatig na may gusto kang tanggalin o alisin sa iyong buhay. Ang mga bricks o hollow blocks, kung ito ay naka-expose, ay tanda ng mga hadlang o struggle sa waking life. Ang bahay o gusali sa panaginip, sa pangkalahatan, ay nagpapahiwatig ng emosyon, mga suliranin, at pagbabagong kahaharapin. Kung nakita na sira-sira na ang dingding at mga kasangkapan sa loob, nagpapahiwatig ito na ikaw ay may gagawaing labag sa kaugalian at panuntunan na magtutulak sa iyo sa isang malaking pagabago sa iyong lifestyle.

          Kung ikaw ay naglilinis sa isang abandonadong bahay sa iyong panaginip, sinasabi nito na ikaw ay maraming hinanakit na kinikimkim sa iyong kalooban, at panahon na upang itapon ang mga ito upang makapagsimula ka. Kung ang plano mo sa iyong panaginip ay muling tirahan o gawaing habitable ang abandonadong bahay, sinasabi na magtatagumpay ka sa anumang suliraning ipupukol sa iyo ng buhay.

          Ang abandonadong bahay sa panaginip ay nagsasaad rin sa kasalukuyang estado ng emosyon at pag-iisip. Ang abandonadong barung-barong ay nagpapahiwatig ng iyong pagsusumikap na baguhin ang ilan sa iyong masamang gawi at bisyo. Ang luma at abandonadong bahay ay nagpapaalala na panahon na upang i-update o baguhin ang paraan ng iyong pag-iisip at mga pananaw sa buhay.

          Kung sa panaginip, ikaw ay nakakita ng isang maruming bahay na nagpapahiwatig na ito ay abandonado na, sinasabi na may isang bagay o pangyayari ang nagbibigay bagabag o kaguluhan sa iyong emosyon sa waking life. Ang panaginip na ito ay nagsisilbing ding waking call sa iyo upang baguhin na ang takbo ng buhay at magkaroon ng total control sa iyong emosyon. Kung ang sira-sira at abandonadong bahay na nakita sa panaginip ay ang sarili ninyong bahay, nagpapahiwatig ito na ikaw ay nag-aalala sa kasalukuyang estado ng iyong pamilya, o kaya ay inaalala mo ang kabuhayan ninyo.

          Maganda ang kahulugan nang pagkakapanaginip ng abandonadong bahay kung ito ay iyong binalakan at nilinis at ginawang habitable muli. Kung sa panaginip, ikaw ay lumipat at tumira sa isang abandonadong bahay, ikaw ay papasok na sa bagong yugto ng iyong buhay.

          Patuloy lamang sumubaybay sa ating DREAM DICTIONARY para sa iba pang kahulugan ng mga panaginip! f

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Enero 7
Next articleHerbal; KULANTRO
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here