DREAM DICTIONARY NO. 3: ASUWANG

0
419

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Marami ang nagmi-message sa akin at nagtatanong kung ano raw ba ang kahulugan na makapanaginip ng asuwang.

          Ang asuwang ay isang uri ng halimaw na bahagi ng mitolohiyang Filipino.

          Kilalanin ang iba’t ibang uri ng asuwang sa article na ito. I-click lamang ang link: https://philippineone.com/ang-katotohanan-tungkol-sa-aswang22/  

          Narito at aking bibigyang pakahulugan ang panaginip na asuwang. Mahalagang isaalang-alang ang senaryo, itsura, at karakter ng asuwang sa panaginip upang mabigyan ito ng maayos na interpretasiyon.

          Kung sa panaginip, ikaw ay inatake ng asuwang, paalala ito na pag-ingatan ang iyong kalusugan at bantayan ang diet sapagkat ang maling pagkain ang nagdudulot ng sakit. Pinapaalalahan rin na maghinay-hinay sa pagkain, lalo na sa gabi. Ang sobrang pagkain sa gabi bago matulog ang nagdudulot ng masasamang panaginip—kabilang na rito ang makapanaginip ng mga nakakakilabot na mga nilalang tulad ng mga asuwang. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong karaniwang nakapapanaginip ng asuwang ay mga anemic.

          Sa Psychology, ang mga “halimaw” ay bahagi ng imahinasyon, at manifestation lamang ng takot, bagabag, trauma, at iba pang alalahaning nakatago sa ating subconscious mind. Ang mga hindi maibulalas na damdamin ay nagri-replay sa ating panaginip sa anyo ng mga simbolismo. Ang mga nakatatakot na nilalang at pangyayari sa panaginip ay bunga nito.

          May kahulugan rin ang distansiya o layo sa asuwang sa panaginip. Ang distansiya ay sumasagisag sa paraan ng pagtanggap o reaksiyon mo sa mga pangyayari sa iyong paligid. Kung mas malapit ang asuwang, nangangahulugan lamang na mabilis kang maapektuhan ng mga pangyayari sa iyong paligid, dahilan kaya mabilis ka ring ma-depress o kaya ay magdamdam.

          Kung ikaw naman ay naging isang asuwang sa iyong panaginip, paalala ito na maghanda sa sasapiting kahihiyan o embarrassment.  Pahiwatig ito na oras na upang baguhin ang attitude.

          Kung nakita na nagpapalit ng anyo ang asuwang sa panaginip, humanda sapagkat lalabas o darating na ang isang tao o bagay na iyong kinatatakutan. Ngunit, ayon sa Psychology, mainam na panaginip ito sapagkat ipinapaunawa lamang sa iyo ng iyong subconscious na maging makatotohanan ka sa lahat ng pagkakataon at  matutong harapin ang iyong mga kinatatakutan sapagkat ito ay may hatid na pagbabago sa iyong buhay. Sabi nga, ito ang simula ng iyong paglaya sa bangungot.

          Kung ang pagkakakita ng asuwang sa panaginip ay nagbigay sa iyo ng ligalig, matinding takot at alalahanin, palatandaan ito na nalalapit na ang period of transformation sa iyong buhay. Ito ay good omen sapagkat senyales ito na may isang magandang pangyayaring babago sa takbo ng iyong kapalaran.

          Kung hinahabol ka ng asuwang sa iyong panaginip, senyales ito ikaw ay nag-aalala sa isang bagay o pangyayari. Ayon sa Psychology, human nature na tumakas o takbuhan natin ang anumang bagay na sa palagay natin ay makapagdudulot sa atin ng kapahamakan. Ang pagkabagabag na nararamdaman sa waking life ay nagma-manifest sa panaginip sa paraan ng pagtakas mo sa isang nilalang tulad nga ng asuwang.

          Kung ikaw naman ang humahabol sa asuwang, pahiwatig ito na may isang pangarap o goal kang ibig na makamit.  Maaari ring pahiwatig ito na masyado ka nang kampante sa iyong buhay kaya hindi ka na naghahangad ng pagbabago.

          Kung kayo ay nag-eye-to-eye contact ng asuwang sa panaginip, simboloking pahiwatig ito na handa ka nang lumabas sa iyong comfort zone upang sumubok ng mga bagong bagay, o lumaban sa isang taong kinaiinisan mo o nambu-bully sa iyo.

          Kung ikaw ay inaatake ng asuwang at ipinagtatanggol mo ang iyong sarili, sinasabi na ikaw ay nakararamdam ng kahinaan o kawalang pag-asa sa waking life. Karaniwang nagma-manifest ang ganitong klase ng panaginip kung ikaw ay may kinatatakutang isang tao na nagdudulot sa iyo ng trauma.

          Patuloy lamang sumubaybay sa ating DREAM DICTIONARY para sa iba pang pagbibigay kahulugan sa panaginip! fffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here