Divisoria Song, swak sa sahod ng Pinoy

0
358

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Sampu-sampu, bente, trenta at iba pa… Kapag naririnig natin ang mga salitang ito, ang una siyempreng papasok sa utak natin ay ang Divisoria Song. Dito lang kasi tayo makakabili ng mga mumurahing items na swak na swak talaga sa ating budget. Bagamat nakakatuwa naman talaga ang kanta na ito na nag-trending ng husto, napakasakit naman sa damdamin kapag inulit-ulit ang pagkanta na ito.  

Bakit? 

Ipinamumukha kasi sa atin nito na iyon lang talaga ang kaya ng ating budget. Maaari ngang may ilan na gusto lamang makatipid kaya dumadayo pa sa Divisoria para makamura, ngunit, ang dahilan ng iba kaya gustong mamili sa Divisoria ay dahil iyon lang ang kaya ng pera nila at napakasakit noon lalo na sa mga magulang na hindi mabili ng mamahalin ang kanilang anak. Pero, siyempre, hindi naman kailangang bilhin palagi ng mamahalin ang ating mga anak lalo na kung hindi naman sapat ang iyong salapi. Mabuti na rin iyong mayroon siyang laruan o bagay na magagamit. Hindi rin naman kasi napupulot ang perang ipinambili mo sa laruan o gamit ng iyong anak, inaanak o ninuman. Ang importante, naalala mo sila.  

Sa bawat araw na lumipas, pamahal ng pamahal ang bilihin ngunit ang sahod ay hindi halos gumagalaw kaya kahit na sumahod ngayon ang empleyado, pagkalipas ng ilang araw ay wala na halos laman ang kanilang bulsa. Paano nga sa mahal ng pagkain at mga bayarin, mahirap na talaga ang maka-survive lalo na kung marami kang bibig na pinapakain. Hindi bale sana kung sa loob ng inyong tahanan ay marami ang nagtatrabaho. Pero, kahit naman maraming Pinoy ang naghihirap parang hindi naman nila iyon alintana.  

Pagiging masayahin. ‘Yan ang lamang ng Pinoy sa ibang lahi na talaga namang masyadong seryoso sa buhay at ginagawang beinte singko oras ang isang araw. Kaya, naman kahit ang mga Pinoy ay punung-puno ng problema, hindi pa rin rason iyon para ma-down sila ng husto. Kung minsan nga ang pagiging masayahin nila ay ginagawa na lamang nilang lusot para hindi nila gaanong intindihin ang problema ng buhay. 

Sa pag-awit ng Divisoria Song, pinatunayan na nating mga Pinoy na sa kabila ng kahirapan ng buhay ay kaya pa rin nating maging masaya. Kaya naman, napakaraming videos ang nagawa nitong Divisoria song na ito na talaga namang kinagigiliwan ng mga tao. Sa sobrang saya ng indak at musika na ito, talagang pansamantala mong nakakalimutan na kapiranggot lang ang sinasahod mo.

SHARE
Previous articleAng kahulugan ng nanganganak
Next articleHoroscope, Enero 30, 2018
PhilippineOne Editor in Chief: Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat, nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here