DINOSAUR, LILIKHAING MULI SA PAMAMAGITAN NG MANOK

Ravenson Biason

Isang pambihirang plano ang nais gawin ni Hans Larsson ng Canada Research Chair sa macro Evolution sa McGill University sa Montreal. Ayon sa kelot, nais niyang lumikha ng dinosaur traits na naglaho milyong taon na ang nakalipas mula sa ibon.

Naniniwala si Larsson na ang pagflip (o pagmamaniobra) ng genetic levers— kapag nabubuuo na ang embro ng isang manok ay makalilikha aniya siya ng dinosaur anatomy ayon sa kanyang pahayag sa panayam ng AFP o Associated French Press.

Kahit na hindi pa nabubuo ang isang sisiw sa itlog nito, ang kanyang eksperimento ay magiging daan upang muling sumibol ang prehistoric animal. Subalit, iginiit naman niya na hindi siya nagmamadali ng gawin ang naturang experiment. Aniya, ang dinosaur hatchery ay isang napakalaking enterprise o proyekto at malaki rin ang guguguling salapi.

Ang pinaplano kung proyekto ay isang demontrasyon ng ebolusyon,” pahayag ni Larsson na malaon nang nag-aaral ng bird evolution sa loob ng 10 taon.

“Ito ay maaaring magpakita ng malinaw na potensiyal para sa dinosaur anatomical development na makikita rin o eksistido sa mga ibon gaya ng manok. Makakapgpatunay din ito na ang mga ibon ay may kauganayan sa mga dinosaurs gaya ng Pterodactyl,” dugtong pa ni Larsson.

Ang naturang pananaliksik ng kelot ay pinopondohan ng Natural Science and Engineering Research Council of Canada, The Canada Research Program, at ng National Geographic. Ang ideya ng naturang proyekto ay nabuo noong nakikipag-usap si Larsson kay Jack Horner na isang American paleontologist na nagsisilbing technical advisor noon ng ilang Jurassic Park films.

Si Horner ay nagsulat ng isang aklat na may pinamagatang How to build a dinosaur” na kung saan ay may kaugnayan sa embro experiment bilang bahagi ng layuning makalikha ng “Chickenosauros”.

Sa nagdaang walong taon, ang team ni Larsson ay nagsagawa pa ng ilang paggalugad upang matuklasan pa ang ilang mga labi ng mga prehistoric animals, kasama na rito ang ilang di pa natutukoy na walong dinosaur species at limang bagong uri ng buwaya sa bansang Niger. Na sa kanilang paglalakbay, natuklasan nina Larsson ang labi ng bagong carnivorous dinosaur sa bansang Argentina.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here