Diary of the Good Shepherd: Tayo ay mga pastol

0
69
Fr. Richard R. Bolaton, STL

Fr. Richard R. Bolaton, STL

Rev. Fr. Richard Bolaton, STL graduated and taught at the University of the Philippines, Diliman- Phiosophy Department.
He took up and finished his Theological Studies and Masters in Sacred Theology, Magna Cum Laude at the Universidad de Navarra, Spain.
He is the founder of the Society of Saint Celestine V Congregation. Author and columnist, he writes for BULGAR Newspaper, ABANTE, Abante TONITE and now PHILIPPINEONE.
Fr. Richard R. Bolaton, STL

SINISIMULAN natin ngayong araw ang serye ng mga pagninilay ukol sa pakikinig at pagtulad kay HesuKristo, ang ating Mabuting Pastol kaugnay sa paghubog at pagtataguyod sa kapakanan ng mga kabataan lalo na ‘yung mga maituturing na “least, lost and last” ng lipunan. Ito ang ambag natin sa bisyon PhilippineOne Foundation, Inc. sa pagsulong sa karapatan ng kagalingan mga bata.

Pinili natin ang pamagat na “Talaarawan ng Mabuting Pastol” sa kadahilanang isa ito sa mga pinakamagandang paglalarawan ng Panginoong Hesus sa kanyang sarili. Buong buhay ni Kristo ay patunay na Siya ay isang mapagmalasakit at mabuting Pastol. Dahil tayo ay Kanyang mga disipulo, hindi ba’t nararapat lamang sundan na natin ang Kanyang mga yapak at halimbawa?

Sa ayaw man natin at sa gusto, tayo ay mga pastol! Tayo, bilang mga magulang ang pastol ng ating mga anak. Napakalaking responsibilidad ang nakaatang sa ating balikat bilang mga shepherd, dahil “we either lead them to green pastures or to a wasteland; we influence them for the better or for the worse.” Napakahalaga, ayon sa Simbahan maging inspirasyon tayo ng mga kabataan.  

Gayunpaman, sa maraming pagkakataon kuwestiyunable ang ating pagiging pastol dahil kadalasan, tayo mismo ang nagiging lobo sa mga pinagkatiwala sa atin. Madalas, sa mga mag-asawa mas nabibigyang atensiyon ang sariling kagustuhan dahil hindi sila marunong makinig sa isa’t isa at sa kanilang mga anak. Kung pangungunahan tayo ng ating pagiging “lobo” disaster ang resulta.

Maaring abala tayo sa maraming bagay pero hindi ito garantiya na tayo nga ay mga maaasahang pastol. Maraming naglipanang kabataan sa lansangan ngayon dahil walang nagmamalasakit sa kanila, higit sa lahat, ang kanilang mismong mga magulang dahil abala daw sa trabaho o sa bisyo. Tsk, tsk. Una sa lahat, meron nga ba tayong tunay na malasakit sa ating mga anak at kabataan?

Sadyang kalunus-lunos at kaawa-awa ang maraming kabataan ngayon. Gutom na gutom sila hindi lamang sa pagkain kundi pagmamahal. Malnourished ang karamihan dahil sa junk food na handog ng lipunan: karahasan, pagtataksil sa sumpa ng kanal at napakaraming alibi sa kasamaan. Bakit hindi kaya tayo mismo, imbes na ibang tao ang magpakain sa ating mga anak? Bakit hindi natin sila mahubog sa kabutihan? 

Upang maging tunay na mga pastol, isang mabuting puso ang kailangan. Kailangan magkaroon tayo ng tunay na malasakit at pagmamahal. Paano kung tayo mismo ay salat sa mga ito? “Nemo dat quod non habet” ika nga, you cannot give what you don’t have. Maging ang Panginoong HesuKristo ay nahubog bilang Mabuting Pastol dahil sa kanyang pakikinig at paigsunod sa Ama. He was a good lamb, first of all.

Sa panahon ngayon, lahat gusto manguna, pero walang gustong maging tapat na tupa. Nakakalungkot na ang kasalukuyang kultura natin ay pasimuno sa pagtataguyod ng mga “upahan” imbes na mga “pastol.” Totoo at hindi maipagkakaila na hindi na ‘training ground for shepherds’ ang ating lipunan ngayon. Nakakalungkot na sa kasalukuyan, mas dumarami ang wolves kesa shepherds.

Ngayong narito na naman ang election season sa bansa, naglipana na naman ang mga epal na walang hangad kundi magkaroon ng kapangyarihan at kayamanan, hindi ang oportunidad na makapagpamalas ng tunay at simserong malasakit gamit ang posisyon. Napakaraming may kakayanan maging mabubuting pastol— mga edukado pero walang modo, masisipag pero kuwesityunable ang moralidad, magagaling pero walang malasakit at respeto sa kapwa.

Sa pagiging Mabuting Pastol ng mga magulang, una sa lahat kailangan kilalanin nila ang kanilang mga anak, lalo’t higit iba ang takbo ng utak ng mga millenial ngayon. Sa pagtrato natin sa mga bata, dapat tandaan na sa ating pakikitungo sa kanila, “there is a new person to be discovered time and again.” Kailangang maging bukas ang ating komunikasyon sa mga kabataan upang sila’y ating magabayan sa tama.

Imbes na magpagalingan kung ano ang pinakamainam para sa ating mga kabataan, kailangan tayong magkaisa bilang mga titulado at nabigyan ng oportunidad, na sila’y mamulat sa katotohanan tungkol sa buhay at magandang kinabukasan. Maraming dasal at sakripisyo ang kinakailangan sapagkat kailangan natin munang ma-inspired para maging inspirasyon at pag-asa sa kanila. 

Napakalaking trabaho ang naghihintay sa atin kaugnay ng bisyon at misyon ng Philippine One Foundation Inc. para sa kapakanan at pagtataguyod ng karapatan ng mga kabataan. Hilingin natin sa Diyos na tayo ay gabayan at pangunahan upang maging tunay na mga pastol na may malasakit sa Kanyang mga nawawala at nagwawalang tupa. May we be accessible and approachable shepherds, willing to go out of our way to locate the lost sheep.  000000

SHARE
Previous articleNov 2018 Online Karaoke Contest Winners
Next articlePAANO MALALAMAN KUNG ANG ISANG GAMIT AY ISINUMPA AT MAY KAKABIT NA KAMALASAN
Rev. Fr. Richard Bolaton, STL graduated and taught at the University of the Philippines, Diliman- Phiosophy Department. He took up and finished his Theological Studies and Masters in Sacred Theology, Magna Cum Laude at the Universidad de Navarra, Spain. He is the founder of the Society of Saint Celestine V Congregation. Author and columnist, he writes for BULGAR Newspaper, ABANTE, Abante TONITE and now PHILIPPINEONE.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here