DIABETES – ISANG PAGSUSURI (PART 2): SAAN NAKUKUHA ANG SAKIT NA DIABETES?

0
250
Flora Rivera

Flora Rivera

Flora Rivera is a well known writer of tagalog romance pocketbooks who became interested of health awareness when her firstlab test showed a few health issues. From that time on, she began eating healthy for she believes that eating the right food can cure any sickness.
Flora Rivera

Ang diabetes ay ika-anim sa WHO listahan ng mga nakamamatay na sakit. Subalit sa dami ng tinamaan nito, (425 milyon sa buong mundo), diabetes ang nangunguna.  Hindi ito contagious disease pero napakabilis nitong lumaganap.  Isa itong lifestyle disease na pwedeng makuha sa pagkain at bisyo.  ito rin ang nagti-trigger ng iba pang sakit dahil sa komplikasyon tulad ng hypertension, heart attack, kidney failure at iba pa. Dahil sa kakulangan ng enerhiya na kailangan ng ating katawan sanhi ng diabetes, nagagawa nitong pahinain ang ating mga vital organs. (May hiwalay na artikulo po ako hinggil sa enerhiya).

PAANO NAGKAKAROON NG DIABETES ANG ISANG TAO?

1.       KAWALAN NG INGAT SA PAGKAIN 

Ang hindi pagbabalanse ng ating kinakain sa araw-araw ang nagiging sanhi ng kakulangan ng tamang sustansiya para makapag-function ng tama ang ating body organs at body system. Isa sa naaapektuhan ay ating lapay na kapag nakulangan sa nutrients at enzymes ay nasisira at hindi na makakagawa ng insulin para sa pag-regulate ng ating blood sugar. 

Anong mga pagkain ang nagdudulot ng diabetes?

Bukod sa matatamis na pagkain ay may iba pang pagkain na nagiging sanhi ng pagtaas ng ating blood sugar. Isa na rito ang kawalan ng disiplina sa mga kinakain natin. Kapag wala tayong sakit ay kinakain natin ang lahat ng maibigan natin. Pero dumarating sa punto na kapag ang isang pagkain na hindi pala mabuti sa ating kalusugan ay palagi nating ipinapasok sa ating katawan, ito ang magiging sanhi ng pagkakaroon natin ng mataas na blood sugar at iba pang karamdaman. Ano ano ito?

  • Processed na matatamis na pagkain, katulad ng powdered juice, kape na hinaluan ng kung anu-anong pampatamis, cakes, ice-cream, cookies at marami pang iba na tunay na masarap sa panlasa pero nakakasama sa ating kalusugan. Kung hindi maiwasan, maaari namang kumain pero in moderation. Lahat ng sobra ay tunay na nakakasama. 
  • High carb foods 

Kailangan nating ng carbohydrates sa ating katawan dahil ito ang pangunahing pinagkukunan ng kailangan nating enerhiya. Ang high carb foods ay kinabibilangan ng kanin, pasta, starchy foods at mga tinapay at iba pang kauri. Nakukuha rin ito sa mga gulay at prutas. Pero ang malabis na pagkain ng mga pagkaing ito, maliban sa mga prutas at gulay, ay nagtutulak para magkaroon tayo ng mataas na blood sugar level.

2,       KAWALAN O KAKULANGAN NG EHERSISYO AT 

          AKTIBONG PAGKILOS

          Kapag kulang sa ehersisyo at pisikal na aktibidades, 

hindi nagagamit ng husto ang energy at mananatili  sa mataas na level ang blood sugar. Bagama’t hindi ito ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng diabetes ang tao, ang pagiging inactive ay maaaring makapagpataas ng blood sugar.

3.       NAMAMANA O HEREDITARY

Kahit na anong ingat ng isang tao, kapag may lahing diabetic ay may posibiliad      na magkakaroon rin nito. Kaya mas lalong dapat na mag-ingat ang mga taong        may lahi nito Dahil kahit na ayaw nilang maging diabetic  ay hindi sila         makakaligtas dahil  nang isilang sila ay kasama na sa genes nila ang sakit na ito.

4.       LABIS NA TIMBANG O OBESITY

Masarap kumain ng eat-all-you can. Sabi nga  natin, happy tummy dahil full ang         bituka ng masasarap na pagkain at nagkakaroon tayo ng satisfaction na makain       ang lahat ng ating gusto. Ang kawalan ng pag-iingat sa tamang dami at kung ano        ang dapat kainin ay may malaking factor sa pagbigat ng ating timbang. Kapag          labis na mataba ang tao, ang katawan nito ay ay hirap tumanggap ng insulin na          responsable sa pag-convert ng glucose into energy, mula sa kinakaing   carbohydrates. Ang nangyayari, ang hindi na-prosesong glucose ay nanatili sa         dugo bilang blood sugar

5.       STRESS

Ang stress ay iniuugnay sa  maraming sakit, kabilang na ang diabetes. Ito ang opinyon ng ilang medical experts. Ayon sa kanila, ang physical o  mental stress ay maaaring magdulot ng hindi inaasahang pagtaas ng blood sugar, bunga ng stress hormones na inilalabas ng ating katawan. 

Sa susunod, tatalakayin natin ang iba’t-ibang level ng diabetis.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

SHARE
Previous articleMartes, Lamparas nanguna sa Lingayen Leg MILO Marathon
Next articleMga Pamahiin Tungkol sa Buhok
Flora Rivera is a well known writer of tagalog romance pocketbooks who became interested of health awareness when her first lab test showed a few health issues. From that time on, she began eating healthy for she believes that eating the right food can cure any sickness.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here