DIABETES – ISANG MASUSING PAGHIHIMAY (PART 4) MGA BAGONG PAG-AARAL HINGGIL SA URI NG DIABETES

0
160
Flora Rivera

Flora Rivera

Flora Rivera is a well known writer of tagalog romance pocketbooks who became interested of health awareness when her firstlab test showed a few health issues. From that time on, she began eating healthy for she believes that eating the right food can cure any sickness.
Flora Rivera

Samantala, may proposal ang ilang researchers na pinangungunahan ni Prof. Leif Groop, of the Lund University Diabetes Centre in Sweden and the Institute for Molecular Medicine Finland in Helsinki, na magkaroon ng cluster ang diabetes para mas mabigyan ng tamang medikasyon ang pasyente. Ang proposal ay binubuo ng mga sumusunod:.

  • Cluster 1 – tataguriang “severe autoimmune diabetes”. Dito papasok ang mga kabataang tatamaan na ng Type 1 diabetes sa batang idad at hindi sila overweight. Ituturing sila na may auto immune disease dahil hindi na nakakagawa ng insulin ang kanilang lapay.
  • Cluster 2  – tataguriang “severe insulin-deficient diabetes. Mga kabataan pa rin ang tatamaan nito na maagang na-diagnosed with Type 1 diabetes. Dito ay nakakagawa pa ng insulin ang lapay pero hirap ito. Hindi tiyak ng mga researchers kung bakit ito nangyayari pero may paniwala sila na ang  deficiency sa cells ang dahilan 
  • Cluster 3 – tinawag ng mga researchers na “severe insulin-resistant diabetes” Dito naman mapapasok ang mga taong sobra sa timbang at nagkaroon ng diabetes at may mataas na rate ng insulin resistance kung saan ang lapay ay nakakagawa pa rin ng insulin pero ang selyula ng katawan ay hindi ito tinatanggap.
  • Cluster 4 – ay isang uri ng diabetes na tatawaging “mild obesity-related diabetes.” ito ay hindi gaanong malalang klasipikasyon ng diabetes para sa matatabang tao pero apektado ang metabolismo na kagaya ng sa Cluster 3.
  • Cluster 5: tataguriang “mild age-related diabetes. Halos kapareho ito ng Cluster 4 pero ang tinatamaan ay ‘yung mas ‘nakatatanda’ na. Ito ang pinaka-common form ng diabetes na sa kasalukuyan ay umaatake sa mga tao kapag sila ay nagkakaidad na.  Halos 40 porsiyentong mga mga taong isinalang sa pag-aaral ay ganito ang findings. 

Mga pasubali:

Ayon sa mga nagsagawa ng pag-aaral, ang Cluster 2 at 3 ang pinakagrabeng klase ng diabetes na sa kasalukuyan ay nakabilang sa uri na Type 2.  Ang mga nabibilang sa Cluster 2 ay may mataas na risk ng retinopathy o ang pagkawala ng paningin. Samantala, ang Cluster 3 ay may posibilidad na magkaroon ng kidney diseases. 

Ayon pa sa mga nagsagawa ng pag-aaral,  ang mas masusing pag-aaral para kilalanin ang mga sub-types ng karamdamang ito ay makakatulong para ma-determine ang mas tamang medikasyon na kailangang ibigay ng mga doctor sa mga diabetics, depende sa  Cluster na kinabibilangan nila. Makakatulong rin ito para maiwasan ang mga komplikasyon na hatid ng sakti na ito. 

Ang diabetes ay maituturing na trending na sakit. Ang bawa’t isa ay binibigyang babala na mag-ingat sa mga kinakain dahil malaking factor ito sa pagkakaroon ng ganitong karamdaman. Kung hindi magiging maingat, ang diabetes ay may posibilidad na magkaroon ng mga kumplikasyon at maaring sirain ang ibang vital organs sa ating katawan. Mag-ingat tayong lahat.

Abangan sa susunod ang mga uri ng sakit na diabetes.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here