Detoxification ng kaluluwa

Detoxification ng kaluluwa

Usung-uso ngayon sa mga health conscious ang detoxification o natural na paglilinis ng katawan upang maalis ang mga lason at makaiwas sa malulubhang sakit. Sa buhay espiritwal, kailangan din nating i-detox ang ating kaluluwa upang matanggal ang lahat ng hadlang sa kabanalan, negatibong ugali at pag-iisip nang maibalik ang ating pokus sa Panginoon.

Ito ang mensahe ng Ebanghelyo sa Linggong ito (Cfr. Jn 2:13-25). Kung paano nilinis ni Hesus ang Templo na nagmistulang palengke dahil sa pangangalakal ng mga hayop at pagpapalit ng pera, hamon sa atin ng langit na hayaan rin ang Panginoon na padalisayin ang ating puso at kaluluwa sa anumang mga “basura” na napulot at naipon natin upang maibalik ang kapayapaan ng buhay.

Ang tagpo sa Ebanghelyo ngayong Ikatlong Linggo ng Kuwaresma ay isa sa mga pambihirang pagkakataon na makikita natin ang Panginoong HesuKristo na nagalit nang husto o na-high blood. Dahil sa namalas na galit ni Hesus, sumikat sa Simbahan ang tema tungkol sa “holy anger” o banal na galit ng mga Kristiayano. Tama lang daw magalit at maari pang maging “mabuti” kung ito’y nasa katuwiran at nasa lugar.

Prinsipyo ng Simbahan, “If you get angry in defense of what is good, and for the rights of others, and not just to get even or cover up for your insecurities, it’s okay. Go ahead. Please get angry.” Kung paano daw itinaguyod at ipinaglaban ni Hesus ang kalooban ng Ama, kailangang magkaron din tayo ng matibay na desiyon na pukasain sa ating buhay ang kasalanan at anumang naglalayo sa atin kay Lord.

Detoxification ng kaluluwa

Seryosong paanyaya sa lahat ng seryosong mananampalataya ngayong araw, lalo na ngayong panahon ng Kuwaresma ang pagkakaroon ng damdaming masilakbo pagdating sa tama at makatarungan. Ani Fr. Gerry Orbos, “If only we had the same passion in doing God’s Will, and ridding ourselves of the sins, vices and attachments that make us lukewarm, compromising and complacent.”

Ang tunay na hamon nga sa mga Kristiyano ngayong panahon ay paglabanan ang pagkukulang sa determinasyon at prinsipyo upang tumayo para sa Diyos at kapwa. Tama lang daw na magalit na tayo sa lahat ng tumutuligsa sa pananampalataya, maganda, maayos at nagpapabagsak sa ikatataguyod ng higit na kabutihan ng higit na nakararami. Napakami kasing dapat linisin hindi lamang sa ating sarili, kundi maging sa lipunan, gobyerno at Simbahan!

Samantala, marami sa atin ang patuloy pa rin na nasa ere at nag-iisip kung sila ay para sa Diyos o hindi; para sa katotohanan at panig ng mga mahihirap o hindi; para kapwa o sarili— hindi napapansin na mabilis na lumilipas ang panahon at wala pa ring anuman tayong natatapos at natatamong pagbabago. Tsk, tsk naglipana nga ang mga “sabog” sa ating lipunan at bansa! Ngayon, ayon sa Simbahan, ang tamang panahon ng “cleansing.”

Hilingin natin sa Panginoon na tulungan tayong tunay na linisin at ituwid ang ating sarili at kaluluwa ngayong Kuwaresma— naniniwala na nagsisimula ang totoong pagbabago sa sarili, sa loob… papalabas! Saad ng Simbahan, kaya nga kailangan natin ng mas naraming panahon sa panalangin at pagninilay ngayong mga araw, nang mamulat ang sarili sa katotoohanan at makita nang mas malinaw ang “big picture.”

Nawa ‘wag din nating matikman ang galit ng Panginoon dahil sa ating pagwawalang-bahala. Paanyaya ng Simbahan, “let us therefore start uncluttering our closet: to free ourselves from useless things, thoughts and worries!” Wala naman daw kasing maidudulot na maganda ang magulong isip at balisang puso kundi pain and anxiety. At kung sa wakas, matutunan natin na isang ‘desisyon’ nga ang umibig, saka lang daw tayo magiging kaaya-aya sa mata ng Diyos.

SHARE
Previous articleNASAAN SI MARIA CLARA?
Next article150 Days For Jesus: Safe to Shore
Rev. Fr. Richard Bolaton, STL graduated and taught at the University of the Philippines, Diliman- Phiosophy Department. He took up and finished his Theological Studies and Masters in Sacred Theology, Magna Cum Laude at the Universidad de Navarra, Spain. He is the founder of the Society of Saint Celestine V Congregation. Author and columnist, he writes for BULGAR Newspaper, ABANTE, Abante TONITE and now PHILIPPINEONE.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here