DEPRESYON

0
364

Latest posts by Hannah Nepomuceno (see all)

Naranasan mo na bang mabalot sa iba’t ibang emosyon?

Emosyon na magiging sanhi ng napakaraming problema.

Yung tipong naghahalo halo na ang iyong nararamdaman.

Grabeng pag-iisip na ang iniinda.

Mababalot sa dilim.

Mababalot sa kalungkutan.

Malulunod sa luha

At mapapawi ang saya.

Akala nila wala akong problemang kinakaharap.

Nasanay kasi silang lagi akong masaya’t nakangiti.

Pero hindi nila alam na mayroon na pala akong iniinda.

“DEPRESYON”

Ito ay napakahirap na sitwasyon.

Ito ay walang kapantay sa emosyon.

Napakahirap kapag iyong naranasan.

Akala nga ng iba hindi ito totoo, hindi daw ito nangyayari.

Pero hindi nila alam na unti unti nang pinapatay nito ang kaloob- looban ng damdamin ko.

Sa likod ng mga ngiti sa labi ko ay siya namang sandamakmak na problema na ang kinakaharap ko.

Sa likod ng mga tawa at hagikgik ko pasan- pasan ko na ang mundo.

‎Napakabigat!

‎Napakabigat sa damdamin nito.

Yung pakiramdam ko na ginawa ko naman ang lahat pero bakit hindi pa rin sapat.

Yung pakiramdam ko na pinaglaban ko na ang nararamdaman ko pero hindi pa rin sapat para matakasan ko ang lungkot na ito.

Siguro nga ay may mali talaga sa’kin.

Siguro nga ay walang nagpapahalaga sa’kin.

Siguro nga ay walang nakakaintindi sa’kin.

Sa kung anong nararamdaman ko.

Isa akong mapagpanggap.

Mapagpanggap na kaya ko ang lahat, Mapagpanggap na masaya ako sa harap ng iba, Mapagpanggap na kaya kong labanan ang lahat ng kinakaharap kong problema.

Minsan na rin akong naging biktima,

Biktima ng pagkalunod.

Pagkalunod sa sariling kalungkutan,

Pagkalunod sa sariling nararamdaman

At pagkalunod sa mga luhang iniiyak ko araw- araw.

Kailan ba ako makakawala?

Makakawala sa emosyong lagi na lang bumabalot ng kalungkutan ko.

Makakawala sa paulit- ulit na pakiramdam na ito.

Kailan ba ako makakatakas?

Makakatakas sa kadilimang nakabalot sa isip ko

Makatakas sa lungkot na pinalilibutan ng rehas!

Kailan ko ba ulit mararamdaman ang saya?

Saya na dati ay nasa mga labi ko.

Saya na naibibigay ko dati sa mga mahal ko.

Hindi na nila ako kilala.

At lalong ang sarili ko hindi ko na kilala.

Bago matulog ay laging may bumabagabag sa akin, laging may bumubulong sa isipan ko na

“walang nagmamahal sayo!”

“wala silang pakialam sayo!”

at “walang nagpapahalaga sayo!”

Dahil don unti- unti akong pinapatay ng mga salitang ito! Napakasakit!

Hindi na ito basta bastang lungkot.

Takot at pangamba ang laging bumabalot.

Takot na baka maiwan ko ang mga mahal ko sa buhay.

At pangamba na baka hindi ko maramdaman ang halaga ko sa kanila pagdating ng araw na sumuko ako bigla.

Kaya’t kakayanin ko!

Kakayanin kong tumayo sa sarili kong mga paa, Kakayanin kong lumaban sa lahat ng problema, at kakayanin kong kumawala sa sakit na aking iniinda.

Dahil alam ko sa sarili ko na may halaga ako!

Dahil alam ko sa sarili kong may nagmamahal sa akin nang totoo!

Dahil alam ko sa sarili kong may Diyos lagi sa tabi ko!

Dahil alam ko sa sarili kong may kwenta ako sa mundo.

At dahil alam ko sa sarili kong malalabann ko ang depresyong ito.

 

“Depresyon”

Hindi ito basta bastang kundisyon.

Minsan mo na akong naging biktima, at hindi na ako papayag pa na iparanas mo pa ito sa iba.

Para sa mga taong nakakaranas nito.

Maging malakas at matatag kayo.

Wag niyong pakinggan ang mga bumubulong sayo dahil sisirain nito ang buong pagkatao mo.

Wag mong hayaang lamunin ka ng lungkot,

Wag mong hayaang balutin ka ng takot,

‎At wag mong hayaang may masangkot.

Dahil laging may Diyos na nakaagapay at magsasabi sa iyo na

“Anak, nandito lang ako”

Andito lang ako para samahan ka,

Andito lang ako para gabayan ka,

At nandito lang ako para samahan ka.

Samahan na malampasan ang lungkot na iyong nadarama.

Samahan na mapawi ang mga luha sa iyong mata.

Maraming dahilan para malampasan ito.

Iwasan ang takot mo at pangunahan ng tapang mo.

Mga solusyon dito ay nasa saiyo lamang,

Ikaw ang tanging makakatulong sa sarili mo kaya’t wag hayaang mabalot sa takot na nararamdaman.

Pagsubok lamang ito.

Pag subok sa iyong buhay.

Kaya’t ito ay kayang kaya mong labanan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here