Depresyon, Dahan-Dahang Pumapatay Sa Ating Mga Kabataan

0
58

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Ang depresyon ay isang karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ang isang tao ng labis na kalungkutan. Ito ay namamana o kaya’y sanhi ng mga pagbabago sa utak at hormones, problema sa neurotransmitters (mga kemikal na naghahatid ng signal mula sa katawan papunta sa utak), mga pangyayari sa buhay, stress, at trauma. Ito’y maaaring pangmatagalan o pabalik-balik.” (news.abs-cbn.com/current-affairs-program)

Ang depresyon ay isa sa mga mental illness na pinaka-underrated o hindi gaanong pinapansin o binibigyang-halaga noon ngunit tila nagbabago na nga ang panahon ngayon dahil marami ng kabataan ang nakakaranas ng depresyon. Kahit pa sabihing marami rin ang mga may-edad na mayroong ganitong uri ng sakit ay hindi maitatatwa na sa panahon ngayon ay mas marami sa mga kabataan ang nakararanas nito.

“Talagang dumadaan sa depresyon ang bawat kabataan lalo’t nasa edad sila na hindi na bata, pero hindi pa rin matanda. Ito ang puntong naghahanap siya ng kalayaan. You have to respect also na ang teenager would want privacy, paliwanag ni Dra. Genuina Ranoy, Child and Adult Psychiatrist sa The Medical City. (news.abs-cbn.com/current-affairs-program)

Para sa iba ay isa lamang itong simpleng sakit sa pag-iisip o mental illness ngunit nakakarimarim isipin na maaaari itong maging sanhi ng pagkitil ng isang buhay.

Isa sa naging maingay na halimbawa nito at muling nagpamulat sa mga mata ng mga Pilipino kung gaano kaseryoso ang sakit na ito ay ang kapatid ng sikat na aktres at singer na si Nadine Lustre na si Isaiah Lustre.

Ayon sa mga kapatid ng aktres ay tila hindi naman masyadong malaki ang problema ng kapatid nilang si Isaiah ngunit napansin nila na masyado itong “withdrawn” at malungkot sa mga nakalipas na mga araw bago ito nagpakamatay.

Dahil dito ay naging trending ang hashtag ng “#keepgoing” na may kasamang ‘semicolon’ na ginamit rin ng “project Semicolon”, isang global non-profit organization na devoted sa mental health awareness at suicide prevention. (ph.theasianparent.com)

At bago nga lamang matapos ang taong 2017 ay isa na namang sikat na artista ang kinitil ang kanyang buhay dahil sa depresyon. Ang 27-year old Korean lead singer ng grupong Shinee na si Kim Jonghyun ay natagpuan patay sa isang hotel room sa Seoul, South Korea.

Hindi man siya isang Pilipino ay napakaraming Pinoy fans ang nagdalamhati sa pagpanaw na ito ng singer. At sa kanyang suicide note ay napag-alamang depresyon ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

“I am broken from inside. The depression that had been slowly eating me up finally devoured me and I couldn’t defeat it. Maybe I wasn’t supposed to come up against the world; I’ve learned that’s what (makes my life) difficult. How come I chose that.” Ito ang saad ng suicide note ng singer. (variety.com)

Isa itong malaking wake up call hindi lamang para sa mga kabataan kundi pati na rin sa mga may-edad na hindi dapat binabalewala ang ganitong uri ng sakit.

Kaya naman sa mga unang palatandaan at senyales pa lamang ay nararapat ng bigyang pansin:

-kalungkutan at kawalan ng pag-asa

-Walang interes sa mga gawaing bahay at eskwelahan

-iritable at magagalitin

-madalas na pag-iyak ng walang dahilan

-lumalayo ang loob sa pamilya at kaibigan

-pagbabago ng gawi sa pagkain at pagtulog

-hirap sa konsentrasyon

-mababa ang tingin sa sarili

-mas madalas na pagod at kulang sa sigla

-madalas na sumasagi sa isip ang pagkakamatay

(news.abs-cbn.com/current-affairs-program)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here