Depresyon, bakit nga ba mahirap labanan?

0
128

Ang depresyon kasi ay isang sakit sa pag-iisip kaya bumababa ng labis ang pagpapahalaga mo sa’yong sarili. Dahil dito, nawawalan ka ng gana na gawin ang mga bagay na kinahihiligan niya. Dahil kasi ang tinatamaan ‘mood’ natin, hindi na tayo nakakapag-isip pa ng tama at mali. Basta ang tingin natin sa ating sarili ay mga kaawa-awang nilalang kaya nawawalan na tayo ng gana pang mabuhay.

Kaya nga kailangan ay maging mapagmasid ang kanyang pamilya. Kung nakikita ng nagbabago ang ugali ng kasama nila sa bahay, hindi sila dapat na makampante, lalo pa nga’t may sakit silang pinagdaraanan gaya na lamang ng natanggal siya sa trabaho, bumagsak sila sa subject o kaya naman ay iniwan sila ng mahal nila sa buhay. Ang mga dahilang ito ay sapat na para makaramdam sila ng sobrang lungkot na maaaring maging dahilan para wakasan nila ang kanilang buhay.

Siguro naman nitong mga nakalipas na buwan o taon ay nakakapanood ka naman ng balita. Madalas kasing may ibinabalitang teenager o na-broken hearted na nagpakamatay. Hindi raw kasi nakayanan ang sobrang kalungkutan kaya nagpasya na lamang na wakasan ang sariling buhay.

Kung minsan, hindi rin sapat iyong sobrang yaman ka o kaya naman ay sobrang sikat ka para makasiguro ka na magkakaroon ka ng magandang buhay. Kung wala naman kasing nag-aalala sa’yo at marami kang problema matapos ang kasiyahang naramdaman mo, parang nakakaramdam ka pa rin ng kahungkagan. Siguro naman ay hindi rin kaila sa’yo ang mga taong nagpakamatay dahil sa nagkaroon sila ng depresyon.

Kalimitan, ang mga teenagers ang nakakaramdam ng depresyon pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na makakaramdam ng depresyon ang matatanda. Wala naman kasing pinipiling edad ang mga taong nakakaramdam ng depresyon. Bata ka man, teenager o matanda ay makakaranas ka nito. Anuman ang katayuan mo sa buhay kaya importante talaga ang pamilya at mga kaibigan sa ating buhay. Para kapag mayroon tayong problemang pinagdaraanan, sila ang magiging sandalan natin para magawa nating malampasan ang mga pagsubok.

Kaya naman, kung nakikita mo na ang isang tao na dumadaan sa pagsubok, huwag mo na siyang balewalain at hayaan siyang nag-iisa hanggang sa maka-recover siya ng sarili. Kung ganoon kasi ang iyong gagawin, baka naman mabigla ka na lang paggising mo kinabukasan na nagpakamatay na pala siya. Kaya habang may pagkakataon pa, huwag mong balewalain ang taong importante naman sa’yong buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here