DEPRESSION ALERT: 10 Signs ng Depression sa Anak Mo na Hindi Dapat Pabayaan

0
329

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Hindi natin pwedeng basta sabihin na “It’s all in the mind”. Sa Pilipinas, may mga taong minamaliit ang issue tungkol sa depression, at nakakalala ito. Kung ikaw ay isang magulang nang isang batang nakakaranas ng depression, spend more quality time with them. Huwag isawalang bahala ito dahil sa Pilipinas, nag-increase ng 75% ang teenage depression sa Pilipinas in the last 25 years.

Ayon kay Dr. Norieta Calma-Balderrama, ang chairperson ng Philippine Board of Child and Adolescent Psychiatry, ang contributing factors na nagli-lead sa teenage depression ay parenting practices, technology at environment ng henerasyon na ito.

Para sa inyong kaalaman, ito ang most common signs ng depression:

  1. Apathy
  2. Sadness, anxiety, at feeling ng hopelessness
  3. Excessive o inappropriate guilt
  4. Biglang pagbaba ng grado sa eskwelahan
  5. Hirap sa pag-concentrate
  6. Hirap sa paggawa ng desisyon
  7. Memory loss
  8. Rebellious na behavior
  9. Paggamit ng alcohol at drugs
  10. Pagiging mapusok at pagpasok sa sexual activities

 

May mga teenagers na meron nang depression at nagagawa nila itong i-manage sa pamamagitan ng pagtatago nito. Kaya dapat ay mas alerto ang mga magulang sa pagsubaybay sa anak nila. Dapat ay maging mas bonded sila sa anak nila. Magbigay ng oras na kausapin sila at pakinggan mo sila.

Ang adolescent age ay isang kritikal na chapter sa isang teenager. Sa phase na ito, maraming changes ang pwedeng mangyari at ang tamang approach ay maging guide ka nila sa pinagdadaanan nilang phase. Dapat ay credible ka at maging magandang example sa kanila. Hindi ka dapat maging isang rason para itago nila lalo ang nararamdaman nila.

Ang good parenting ay isang magandang defense panglaban sa depression. Kapag may signs na ng depression sa anak mo, seek professional help. Huwag mo itong maliitin at bigyang pansin mo ito agad agad.

Para i-summarize, ito ang ang mga tips na maaari mong gawin para matulungan ang anak mong may depression:

  1. Hayaan mo siyang mag-share ng nararamdaman niya. Makinig ka. Makinig kang mabuti sa mga sasabihin niya. Listen to understand, not listen to respond. Kailangan niyang maramdaman na may nakakaintindi sa kanya at hindi siya huhusgahan. Ipaalam mo sa kanya na hindi mo minamaliit ang nararamdaman niya. Ipaalam mo na nandyan kayo para sa kanya.
  2. Bigyan mo siya ng oras. Kailangan niya maramdaman na nandyan kayong lahat para suportahan siya kahit anong mangyari.
  3. Pray together as a family. Bigyan niyo ang devotion time para grounded kayo sa salita ng Diyos. At the end of the day, sa Diyos kayo kakapit dahil siya ang makakatulong sa inyo sa unos na nararanasan ninyo.
  4. Seek professional help. Hindi makakabawas ng pagkatao niyo ang humingi ng tulong sa mga doctor.

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articlePahula 106: Habang may buhay lang makakasama si Labs
Next articleOnline Horoscope Hunyo 13 2018
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here