Department of Health: 55 Bata ang Namatay sa Measles Outbreak

0
141

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

DOH, Manila- Kinumpirma ng Department of Health na 55 bata ang namatay sa tigdas outbreak sa NCR, epekto nang mababang rate ng pagpapabakuna sa Pilipinas.

Ayon sa huling figures ng San Lazaro Hospital sa Manila, nasa 1,504 pasyente na ang na-admit sa kanilang ospital dahil sa measles. Ang nakaka-alarma dito ay bata at teenagers ang 1,355 dito. Sabi din nila, na simula 2019 at may 55 bata na ang pumanaw dahil dito at ito ay mga batang nasa edad 3 buwan hanggang 4 na taong gulang.

550% ang itinaas ng Tigdas Outbreak sa NCR

196 ang naitalang kaso ng tigas sa NCR mula Enero 1-19, 2019, kumpara sa 20 kaso lamang na naitala sa parehong panahon ng nakaraang taon. Ibig sabihin, ngayong taon, tumaas ng 550% ang bilang ng kaso ng tigdas sa Metro Manila, ayon sa datos ng DOH Epidemiology Bureau.

Sa kabuuan ng taong 2018, 3,646 ang naitalang kaso ng tigdas kumpara sa 351 lamang noong 2017.

Sabi ni DOH Sec. Francisco Duque III “We are declaring an outbreak as cases have increased in the past weeks and to strengthen surveillance of new cases and alert mothers and caregivers to be more vigilant.”

Ano nga ba ang dahilan ng Measles Outbreak?

Ayon sa DOH, bumaba ng 60% ang coverage rate ng pagpapabakuna sa buong bansa dahil sa kontrobersya ng Dengvaxia. Maraming magulang ang nawalan ng tiwala sa programa ng pagpapabakuna ng DOH at natakot sa mga posibleng side effects ng bakuna gaya ng nangyari sa Dengvaxia. Karamihan na daw sa mga magulang ay tumatanggi sa pagpapabakuna ng kanilang mga anak.

World Health Organization, nabahala din sa Measles Outbreak

Ayon din sa World Health Organization(WHO), nakakabahala ang ganitong pangyayari sa bansa dahil posible daw na hindi lang measles outbreak ang mangyari sa bansa.

Ayon kay WHO Country Representative Dr. Gundo Weiler, “We are very concerned [about] the situation because there are many cases of measles that… could have been avoided if we had achieved higher vaccination coverage. The trust in vaccination has been challenged.”

Dagdag pa niya, “I think it is important that we rebuild trust and pass on the message very clearly that Dengvaxia is unrelated to the very well-established vaccination programs that have been running in the country for many years and without any doubt has generated huge benefits for those who received vaccination.”

Ang Declaration ng Measles Outbreak ay inexpand pa ng DOH sa ibang Rehiyon

Nong Enero 26, tumaas na rin ang bilang ng kaso ng tigdas sa mga sumusunod sa rehiyon, dahilan upang palawigin pa ang deklarasyon ng outbreak:

Ilocos Region (64 cases, 2 deaths)

Region 3 (192 cases, 4 deaths)

CALABARZON (575 cases, 9 deaths)

MIMAROPA (70 cases, no deaths)

Region 6 (104 cases, 3 deaths)

Region 7 (71 cases, 1 death)

Region 8 (54 cases, 1 death)

Region 10 (60 cases, no deaths)

SOCCSKSARGEN (43 no deaths)

Nakabantay din ang kagawaran sa iba pang rehiyon gaya ng Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Bicol Region, CARAGA Region at Zamboanga Peninsula.

Pinaalala rin si Sec. Duque sa mga dapat gawin kung ang isang tao ay may sakit na tigdas.

Sabi ni Sec. Duque, “Supportive measures like building the nutritional status of the sick person and increasing oral rehydration are important measures to increase body resistance and replace lost body fluids caused by coughing, diarrhea, and perspiration,”

“Immunization and vitamin A supplementation of nine-month old children and unvaccinated individuals are the best defenses against measles,” dagdag niya.

Ipinapayo rin ng DOH sa mga magulang na dalhin agad sa pinakamalapit na pagamutan o ospital ang mga bata kung sila ay nakitaan ng sintomas ng tigdas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here