Death sentence ng Kuwait sa pumatay kay Joanna Demafelis, hustisya na ba?

0
229

Ang death sentence by hanging na ipinataw in absentia ng Kuwait criminal court sa mag-asawang employer ni Joanna Demafelis, ang OFW na pinatay at nilagay sa freezer sa Kuwait, ay unang hakbang sa hustisya, ika nga. Isa itong malaking balita sa international at local media mula pa noong Linggo at ikinatuwa ng maraming Pilipino pero hindi pa dapat ipagbunyi ng husto.  

Nagbigay pag-asa sa mga OFW na inapi, inabuso at pinagmalupitan ng mga amo ang kumpirmasyon ng Kuwait Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Althawaikh kay Labor Secretary Silvestre Bello III na death sentence ang dapat na parusa sa Lebanese na si Nader Essam Assaf at ang kanyang asawang Syrian na si Mona Hassoun sa pagpatay kay Joanna Demafelis. Kamatayan ang dapat na kapalit. Ngipin sa ngipin, ayon na rin sa batas na pinatutupad nila doon sa Middle East.  

Totoo na isa itong positibong pangyayari at nagbibigay ng malakas na mensahe mula sa isang hamak na labor-sending country gaya ng Pilipinas sa mga bansang mayaman at tumatanggap ng migrant workers. Ang mensahe: Dapat nilang igalang ang karapatang pantao ng mga migrant workers kahit pa mahirap lang ang mga ito.  

Pero sabi nga ng ating mga senador, magbunyi lang tayo kung kasunod ng court sentence in absentia ay magagawa naman ng Kuwait authorities ang extradition ng Lebanese at Syrian sa Kuwait para doon maisagawa ang hatol.  

Ito ngayon ang tanong. Malakas ang balita na hindi papayag ang Lebanon na isuko ang kanilang mamamayan sa Kuwait. Gusto nilang sa sarili nilang bayan bitayin ang nagkasalang Lebanese. Samantala, maugong ang balita na at-large pa ang Syrian housewife.  

Sa ngayon, hinihimok ang pagbuo ng Task Force Justice for Joanna na mula sa Department of Foreign Affairs at Department of Justice para ma-monitor ng husto ang kaso sa Kuwait at nang sa gayon ay makamit ang full justice hindi lang para kay Joanna Demafelis kundi para sa lahat ng OFWs.  

Habang nangyayari ito, tuloy ang deployment ban. Ito ang desisyon ni President Duterte. Sabi nga sa Malacanang, isang basehan lang ang development na ito para alisin ang deployment ban sa Kuwait. Ang Memorandum of Understanding on the Protection of Domestic Workers na pinag-usapan ng labor delegates ng Pilipinas at Kuwait noong Marso ay hindi pa satisfactory para kay President Duterte. Sabi nga ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, gusto niya ng government to government dealings sa pagkuha ng OFWs dahil ito ang mas siguradong paraan tungo sa kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong domestic workers.  

Magbantay tayo!

More OFW

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here